Isa sa mga naging sikat na bikes dito sa Pinas itong Trinx na brand.

Maganda naman kasi, lalo na yung mga budget bikes nito. Hindi lugi sa specs at sa presyo. Lumalaban na din yung mga higher specs bike ni Trinx sa ibang brands, pwede mo na din ipang tapat.

Ang kagandahan pa dito, legit na nag-eexist talaga ang Trinx brand. Mayroon silang sariling factory, at meron ding presence sa iba pang bansa.

Meron din palang opisina ang Trinx dito sa Pilipinas, na sa kasalukuyan ay pwede lamang mapuntahan ng mga dealers.

Merong website ang Trinx na pwede natin matignan ng mga impormasyon sa mga current release na bikes nito. Inaalis nga lang nila yung mga old models, wala silang archives ng mga naunang release na modelo.

Mayroon akong ginawang website na kung saan, madali makikita ang mga bikes ni Trinx. Maayos na nakalatag ang mga specs, at mga pictures ng bawat bikes. Pwede ka din mag-iwan ng sarili mong review sa bike, at pwede ka din mag-post ng tanong tungkol sa bike na yun. Visit >> www.trinx.xyz


Heto ang mga Trinx models na na-feature na dito sa UnliAhon website:

Trinx M136 – di na nalalayo sa Trinx M500 ang specs at presyo, pero ito 7-speed lang. 26er, may lock-out na yung fork sa mga 2017 models.

Trinx M500 – isa sa mga sulit bilihin na budget mountain bikes. Mura kasi, 26er, 3×8-speed ang setup, may lock-out na yung fork.

Trinx E-Bikes – mayroon palang mga e-bikes si Trinx, pero parang wala naman dito sa Pilipinas.

Trinx Q500 – para sa akin, pinaka sulit na bilihin na Trinx 29er. Maganda kasi yung frame, naka internal cabling na, ayos na ayos iupgrade. Pero as stock, di na din talo sa mga pyesa na nakalagay.

Trinx Q800 – medyo mas upgraded kumpara sa Trinx Q500. Altus ang setup.

Trinx Q1000 – 29er, mix ng Altus at Deore parts. 10-speed at naka hydraulic brakes na. Suntour XCT yung fork.

Trinx Striker K014, K016, K036 – murang mountain bikes pero bakal pa yung batalya

Trinx M114 and Trinx M116 – pinakamura na alloy frame mountain bike ni Trinx

Trinx M600 – medyo upgraded ng konti sa Trinx M500

Trinx C200 – 27.5, 7-speed, mechanical disc brakes

Trinx C500 – 27.5, Shimano Altus parts, hydraulic brakes

Trinx S1600 – Carbon mountain bike, Rockshox yung fork, Shimano XT ang setup.

Trinx X1 – 26er, pinakamura sa mga X-treme series ni Trinx. Maganda ang batalya at fork, di na din talo sa pyesa na nakalagay.

Trinx X6 – 26er mountain bike galing sa Trinx X-treme series, Shimano Alivio ang setup.

Trinx Tempo 3.0 – Alloy frame and fork na road bike ni Trinx. Shimano Claris ang setup.

Trinx B700 – 27.5, na Altus parts, maganda ang frame at fork. Panalo na din na choice na Trinx mountain bike sa price nya.

Trinx C290 – isa sa mga unang lumabas na may murang hydraulic brakes. Hindi nga lang Shimano branded ang brakes, pero mura e.

Trinx N106 – ito naman yung mountain bike na mas geared towards sa mga babaeng riders, dahil sa style ng frame at geometry nya. Mas maliit din ang frame size nito kumpara sa mga ibang mountain bikes ni Trinx, swak lang para sa mga hindi katangkaran na female bikers.

Trinx H1000 – 27.5 mountain bike na carbon na yung frame. Deore parts na din ang nakalagay.

Trinx XC3 – medyo luma na din itong 29er na ito. Pero maganda yung mga parts na nakalagay dito.

Trinx X7 – 26er, 10-speed Shimano Deore parts ang setup, naka air fork na at may remote lock-out pa.

Trinx M520 – isa sa mga sulit na bilihin na 29er ni Trinx. 3×8 speed ang setup. May variant na naka LTWOO at naka Shimano parts.

Trinx M1000 – 10-speed na naka LTWOO parts.

Trinx M136 2017 – ito naman yung Trinx Majec M136 ng pinsan ko na upgraded na sa hydraulic brakes.

Trinx Drive 1.0 – Trinx road bike na may carbon fork at Shimano Claris na setup.

Trinx C700 – 27.5 mountain bike, 9-speed Altus ang setup, naka hydraulic brakes na din.

Trinx C520 – sulit na bilihin na 27.5 mountain bike ni Trinx. 8-speed ang setup, may variants na Shimano at LTWOO ang pyesa na nakalagay. Sa LTWOO na variant ng Trinx C520, magkahiwalay na ang brake levers sa shifters kaya kung maguupgrade ka sa hydraulic brakes, hindi mo na kailangan bumili ng panibagong shifters. Sa Shimano variant naman ng Trinx C520, combo-shifters pa yun. Nagawan na din natin ito ng actual na bike review sa Youtube, salamat sa tropa natin na bumili ng bike na ito at binigyan tayo ng pagkakataon na mareview ang bike nya.

Trinx M800 – 26er Trinx Majestic mountain bike, 9-speed ang setup at naka hydraulic brakes na.

Trinx Q189 – 29er mountain bike, 7-speed, mechanical disc brakes at Tourney TZ parts. Medyo outdated na 29er, at mayroon pang ibang 29er na mas maganda pa at sulit bilihin kaysa dito sa Trinx Q189.

Trinx C822 – 27.5 mountain bike, 7-speed, mechanical brakes at Tourney TZ parts. Due to insistent public demand kaya naipost ko itong model na ito.

Trinx Climber 1.0 and Trinx Climber 2.0 – ito yung mga cyclocross bikes ni Trinx. Mas malapad ang gulong kumpara sa mga road bikes, mas manipis kumpara sa mountain bikes. Pwede sa off road, naka drop bars at naka disc brake ang setup.


Heto naman ang ilang mga videos natin sa Youtube na tungkol sa mga Trinx bikes:


Heto naman ang iba pang mga post na related sa Trinx bikes:

Trinx Warranty – meron palang warranty ang Trinx bikes. Ayos.

Upgraded Trinx Q1000 – ito yung bike build ni sir Carlo ng Skylarks Bike Shop sa Trinx Q1000 na upgraded na.

Trinx Tempo 2.0 vs Foxter FT402 – pinagkumpara natin itong dalawang road bike na ito para malaman natin kung alin ba sa dalwa ang mas sulit na bilihin na budget road bike.

Trinx X1 vs Trinx B700 – ang mahirap na desisyon. Pareho kasing maganda. Hindi din nagkakalayo sa presyo.

Foxter FT304 vs Trinx X1 – pinagkumpara natin ang Foxter FT304 at Trinx X1, kase why not diba.

Trinx Q800 vs Trinx X7 – pinagkumpara natin ang Trinx Q800 sa Trinx X7, kung alin ba ang mas magandang bilihin sa dalawa.

Sana ay dumating ang panahon na mapansin tayo ni Trinx, at bigyan tayo ng pagkakataon na maging opisyal na taga review at taga promote ng mga Trinx bikes.