Trinx N106 Review

Ang Trinx Nana N106 ay isa sa mga lady’s bikes ng Trinx. Nakababa at curved ang top-tube nito para sa mga babaeng riders. Ang SRP nito ngayon ay nasa halos P7000 na lang.

Nagmura na siya ngayon, dati kasi, pumapatak ng P10k ang nakikita kong SRP nito.

Trinx N106 Specifications

Trinx N106 2017

FRAME

  • FRAME: 26″*15.5″ Alloy Special-Shaped Tubes

Bagay na bagay ang Trinx N106 sa mga babae na gusto din magbike. Dahil nakababa ang top-tube nito, at sa size nito na 15.5, kahit hindi matangkad na babae ay makakatayo ng maayos sa top-tube ng bike na to.
Alloy na yung batalya kaya maganda dahil magaan na.

  • FORK: Trinx Steel Hydraulic Suspension Travel:100mm

May suspension fork na din kaya pwedeng pwede din dalhin sa mga off-roads at mountain biking.

COMPONENTS

  • PEDAL: Trinx Sport
  • SADDLE: Trinx Sport
  • HANDLEBAR: Trinx Alloy Small Rise

May rise yung handlebar, mas okay yun kesa kung straight bar kasi less aggressive yun at mas kumportable i-ride.

DRIVETRAIN

  • SHIFTER: Shimano ST-EF500

Combo shifter ang shifters nitong N106, Shimano, kaya okay na din. Madali gamitin. 3×7 ang gearings.

  • FD: Shimano FD-TZ30

Tourney yung FD.

  • RD: Shimano RD-TZ50

Tourney din yung RD kaya maganda na, kahit na pinakamababa ng Shimano ito, mas reliable ito kesa naman kung hindi pa Shimano ang fd, rd, at shifters.

  • CHAIN: KMC
  • BRAKE: Trinx Alloy Mechanical Disc

Yung brakes, hindi pa naka-hydraulic, naka-mechanical pa. Okay lang din pang beginner, mas madali pa nga i-adjust yung tigas at lambot ng levers kumporme sa trip ng rider.

WHEELS

  • CASSETTE: Shimano TZ21 14-28T

14-28t naman yung 7-speed na cogs. Threaded type to panigurado. Medyo mababa yung high-speed nya kumpara sa 11t ng iba, pero siguro inisip ng Trinx na babae ang market ng bike na ito, kaya hindi naman kailangan ng masyadong mabigat na gear. Kaya lang 28t lang yung pinaka-low nya, medyo mahirap ito sa ahon na sobrang tarik, baka inisip uli ni Trinx na kung papadyak dun ang may dala nito, mas mabuti pa magtulak. Ewan natin.

  • RIM: Trinx Alloy Double Wall

Alloy na yung rim at double wall na. Mas magaan at matibay kesa sa single wall.

  • TYRE: CST 26″*1.95″ 27TPI

1.96 naman yung tires na CST brand, hindi aggressive yung knob profile ng tires na ito, sakto lang sa paved roads at sa mga off-roads, makapit na din.

  • CHAINWHEEL: Trinx 24/34/42T*170L

Tatlo yung plato sa unahan, bakal lang yung crank.

  • HUB: Trinx Sealed Bearing

Sealed bearing na daw yung hubs, bolt-type yung kabitan ng rotors, thread type pa din.

Verdict

Kung meron ka kilala na naghahanap ng low-budget MTB, na babae, at hindi katangkaran, hindi na din masama na choice itong Trinx N106. Basic lang yung parts niya, kagaya ng sa lumang M136, pero yung frame niya ay tamang tama lang sa babae.

Ang tendency kasi kapag babae na nayaya mag bike, at baguhan pa lang din, gusto nila mababa yung upuan para abot nila yung lupa kahit nakaupo sila. Kailangan tuloy isagad ang upuan na nakababa, pero nasasacrifice nito yung tamang pag-pidal, mahihirapan ang tuhod, dahil mali yung porma ng katawan.

Pero kung ang frame ay di kalakihan, di kailangan ibaba ng sobra ang upuan, hindi na din matatakot bumaba sa upuan papuntang top-tube ang rider kapag kailangan nitong ilapag sa lupa ang paa nila dahil nga nakababa na yung top-tube.

Okay din kung ipa-testing muna sakyan ang MTB na may regular na porma, baka kasi keri lang din na ganun at no need na ng lady-specific frame, sa ganung pagpili mas makakakuha pa ng mas magandang specs sa parehong budget.


Comments

14 responses to “Trinx N106 Review”

  1. Hi Sir Ian, I am an avid fan of your posts. Dati FB ang gamit ko, gusto ko nang magswitch kasi to a much bigger bike, namimili ako kung magroad bike ako or MTB.May marerecommend ka na MTB and Road bike (height ko nasa 5″1 or 5″2 , babae po ) christmas gift ko sana sa sarili ko. Trinx din sana. Thanks.

    1. BTW, bike to work kasi ako, mga almost 10 km ang biyahe from ortigas to manila, kaya ko rin gusto magswitch…

      1. Ian Albert Avatar
        Ian Albert

        Hi Aisy, thank you for visiting the site.

        Kung wala naman masyadong ahon, maganda pa din para sakin pang commute ang folding bike kahit 10km pa yan. kasi kung halimbawa umulan, maicocommute mo pa din yung bike. naging general consensus lang kasi talaga na pag maliit ang gulong, mabagal ang bike, pero kung gusto mo talaga mag bigger wheel size, get either, pero mas safer ang MTB, less chance na maflat ka. hassle yun kung papasok ka tapos ma flatan ka. mas comfortable din kesa sa road bike ang mtb dahil mas relaxed ang geometry nito, mas relax ang body position while riding dahil upright though I am not stopping you to get a road bike. either is good, road bike talaga mas mapapabilis ka dyan dahil madali padyakin at imaintain sa high speeds. just be sure to get the proper size for you, dont settle kung alin lang yung available. pick the smallest size of the frame.
        ano bang speed ng travel mo sa 10km? ako nga nagbabalak bumili ng folding even after owning a couple of bikes already haha. (mtb, road/cyclocross, fixie, mini velo) isa pang pros ng foldie ay pwede mo dalhin sa mas secure na place siya pag dating mo sa work dahil compact siya, unlike sa full sized bikes na sa parking lang, baka manakaw pa.
        ride safe, and merry christmas

  2. Sir eto po ang binili kong bike tama po kayo mas okay sya kasi maliit lang ako. Komportable syang gamitin at swak everytime na nag ba-bike kami.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      salamat sa pag-share mo Kath, ride safe.

  3. Katrina Avatar
    Katrina

    Sir, yung rear hub ng n106 pwde po kaya iconvert ng quick release ng di na papalitan yung hub? Bolt type po kasi yung axle nya. Thanks!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede yata yun, bibili ka ng skewer at axle na pang qr, sa pagkakaalam ko pwede yun nakita ko na na ginawa sa bike shop dito sa amin

  4. Lanie Avatar
    Lanie

    sir, pa review naman po ng Trinx N700,,salamat po..

  5. Hi Kuya Ian ask ko lang po kung anong mas okay para sa 4’10 na height, eto po bang n106 or yung m114 po? Thank you!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      n106 na po kayo para mababa yung top tube, swak din yung frame size

  6. Venjielyn Avatar
    Venjielyn

    Aaaaaaaaaaaaah. 🤔🤗

  7. Sir ian, ano po mas maganda specs? N106 or M100 elite?

  8. Hi, tanong ko lang po sana if ang itong Trinx N106 ay advisable para sa akin, babae po ako at 4’10 ang height ko. Gusto ko kasi ang MTB kasi sa folding or japanese bike eh. Mailalapag ko kaya sa lupa ng maayos ang paa ko?

  9. Danica Avatar
    Danica

    Got my N106 today. Although second hand lang sya since di na nakakarating sa probinsya mga brand new trinx gawa ng high demand sa manila. Still, i am completely satisfied. Nakakatuwa lang na napaka useful pa rin ng post na ito from 2017. Also, naging tambayan na naming mag asawa ang UnliAhon sa youtube kaya nag grow din yung desire namin sa biking.
    Kudos po sa inyo, Sir Ian!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *