Ang CAG o C-series sa mga Trinx MTB ang budget 27.5 lineup nila. Halos kasabayan nito lumabas yung mga Majestic series at itong Trinx Cag C200 ang pinakamura. Wala akong idea kung bakit CAG ang tawag sa lineup na ito.
Trinx C200 Specs
FRAME
- FRAME: 27.5″*16″/18″ Alloy Smooth Welding
- FORK: Trinx Steel Suspension Travel:100mm
27.5″ na yung size ng gulong nito. Alloy at may choice sa frame size na 16 o 18.
May suspension fork na din pero generic Trinx steel fork lang, medyo may kabigatan pero ayos na din kasi may lock-out na.
COMPONENTS
- PEDAL: Trinx Sport
- SADDLE: Trinx Sport
- HANDLEBAR: Trinx Small Rise
Yung handlebar sa C200 ay may rise na, hindi siya straight.
DRIVETRAIN
- SHIFTER: Shimano ST-EF500
- FD: Trinx FD-QD13
- RD: Shimano RD-TZ50
- CHAIN: KMC
- BRAKE: Trinx Alloy Mechanical Disc
Shimano non-series combo shifter na ang shifter na nakakabit. Sunrun naman ang fd, at Shimano Tourney ang rd. KMC chain at mechanical disc brakes na ang preno.
WHEELS
- CASSETTE: Shimano TZ21 14-28T
- RIM: Alloy Double Wall
- TYRE: CST 27.5″*1.95″ 27TPI
- CHAINWHEEL: 24/34/42T*170L
- HUB: Trinx
3×7 ang gearing ng C200. Medyo mababa sa high-speed ang 14-28T na sprocket at mabigat naman sa matarik na ahon dahil 28t lang.
Trinx C200 Price
Ang pinakamababang price ng C200 na nakita ko ay nasa P6800 na lang. Dati medyo mahal ito, pero ngayon nagmura na. Siguro dahil hindi na naupdate ang specs para sumabay sa kagaya ng M500.
Kung 27.5 na budget MTB ang hinahanap mo, mas maganda pa yung specs ng Foxter FT301. Mas mura na din yun ngayon dahil nasa P6500 na lang yata ito, ayon sa huli kong kita sa mga post sa facebook.
Leave a Reply