Foxter FT304 vs Trinx X1

Hindi ko pala nai-feature ang Foxter FT304 na MTB. Medyo matagal na din yun lumabas. Pero dati kasi, hindi ako bilib masyado dito sa FT304 na ito kasi gawa ng FT301. Sa tingin ko noon, mas sulit pa din talaga yung 301. Medyo malaki yung diperensya nila sa presyo pero sa specs, hindi naman nagkakalayo. Bale, ibang style lang ng pintura sa frame ang malaking kaibahan nila.

Ngayon naman ikukumpara natin itong Foxter FT304 MTB sa Trinx X1. Highly recommended ko ngayon ang Trinx X1 lalo na kung may budget ka para dito. Ang ganda kasi ng frame, ng fork, ng specs, sulit na sulit. Pero tignan pa din nating maigi ang specs nilang dalawa para mapagkumpara natin ng dikitan.

photo credits: Bike Haus
Trinx X1

Brand

Kung brand muna ang titignan natin, Foxter vs Trinx? May pagkakataon na mas bet ko ang Foxter na MTB, kasi mas sulit. Pero kung brand lang din ang titignan, mas panalo na yung Trinx. Bakit? Unang una, may presence sila online. May sarili silang website na kung saan makikita natin ng kumpleto at detalyado ang bawat bikes na binebenta nila. Madami ding resellers at distributors sa Pilipinas, may partnership pa sa mga sikat na artista bilang brand ambassadors. Samantalang ang Foxter, hanggang ngayon hindi ko pa din sigurado kung saan ba galing ang bikes nila. Sayang lang, sikat pa naman ang Foxter sa Pinas at sa Bangladesh din pala. Di natin sure kung Taiwan ba o China, ika nga sa isang forum: “Chaiwanese” daw. Kumbaga sa mga banda, parang ghost band itong Foxter.

  • Panalo: Trinx.

Price

Nasa P13500 ang SRP ng Trinx X1, ito naman Foxter FT304 ay nasa P12000 kahit na 2016 pa ito lumabas. Sa presyo, mas mura ang Foxter FT304, pero halos konti lang naman ang diperensya nila at kung titignan natin mabuti ang specs nila sa baba, kapag naikonsidera natin ang “price-to-specs ratio” at hindi ang “raw number” na kung alin lang yung may mas mababang price, kung alin ang mas sulit, itong Trinx X1 pa din ang mananalo.

  • Panalo: Trinx X1

Frame

Parehas lang sila na alloy frame, pero mas maganda pa din ang frame ng Trinx X1. Tulad nga ng nasabi ko sa review natin sa Trinx X1, hindi kagaya ng ibang lower priced MTB ni Trinx ang frame nitong Xtreme series. Iba ang geometry, maganda ang porma, maganda ang kulay, smooth weld at naka internal cabling na din. Sa FT304 naman, parang kagaya lang ng sa FT301. Hindi pa internal cabling at hindi din smooth weld. Hands-down talaga ako sa X1.

26er nga lang ang Trinx X1, yung FT304 naman ay 27.5. Di ako sure sa sizes nitong Foxter pero sa Trinx may sizes ka na mapagpipilian: 15, 17, at 19.

  • Panalo: Trinx X1

Itutuloy pa ba natin ito? Dito pa lang, ewan ko na kung bakit mo pa iisipin na piliin ang Foxter 304 kesa sa Trinx X1.

Fork

Sa fork naman, yung sa X1 ay air-type na at magnesium ang material. Marketed ni Trinx na magaan yung bike na ito kaya expect natin na magaan din yung fork na ito. Sa 304 naman, lock-out lang ang specs, may lock-out din yung sa X1, e baka bakal pa at coil-spring type pa din itong sa 304 malamang.

  • Panalo: Trinx X1

Specs

Shimano Altus parts na kasi yung nasa X1, sa 304 naman yung rear derailleur lang ang Altus. Naka 3×8 speed yung sa 304, naka 3×9 speed naman sa Trinx X1. Parehas lang naka hydraulic brakes na. Parehas din na Prowheel crank pero sa itsura parang mas magandang modelo yung Prowheel crank na nasa X1. Yung hubs naman, di kilala yung nasa 304, pero yung nasa X1 ay sealed bearing Novatec hubs na.

  • Panalo: Trinx X1

Verdict

Kayo na ang humusga. Ang lamang lang ng Foxter FT304 sa Trinx X1 ay 27.5 siya na MTB samantalang 26er naman yung isa. Di mo ramdam ang diperensya nito pero kung titignan natin ang physics sa likod nito, sabihin natin na parehas kayo ng gearing at parehas din ng pag-pidal, mas malayo ang distansya na makukuha ng 27.5 na gulong kasi mas malaki siya kumpara sa 26-inches na gulong.

Pero pag nagride naman kayo wala ng kaso yan. Baka nga mas mabilis pa ang X1 sa karera kasi mas magaan ito. Para sa akin ang mas mahalaga pa din ay kung alin ba ang mas maganda at mas sulit sa pera, kaya kung yang dalawang bikes na yan ang pinagpipilian mo, sa Trinx X1 ka na.

[alert-note]Nairequest lang ito ng isa nating reader, kung may gusto kayo i-request na post, just post it sa Requests page natin. Salamat.[/alert-note]


Comments

26 responses to “Foxter FT304 vs Trinx X1”

  1. sir Ian. pwede po bang pa review ng Foxter Harvard 5.0? maraming salamat po!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      grabe may bago na naman pala. sige, i-pending ko yan.

      1. maraming salamat po! pa review na rin po pala Foxter Evans 3.0… God Bless po!

        1. saka pwede pong ipagcompare nyo yung dalawa yung Foxter Harvard 5.0 at Foxter Evans 3.0 kung anong mas maganda. salamat po ulit!

  2. Sir Ian. Pa review naman po ng 2016 TRINX Drive 1.0 balak ko po kasi bilhin eh

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sure sige gawan ko yan

      1. maraming salamat po

  3. King Dave Salazar Avatar
    King Dave Salazar

    Ano kaya mas okay sir? Trinx B1000 o Trinx X8

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      di ko alam srp ng x8, wala kasi ako makita na seller ng 2017 model e, pero basing sa specs, mas maganda ang pyesa ni X8 kumpara kay b1000, kaya lang si b1000 naman ay 27.5 samantalang 26er naman si x8.

  4. sir ian..pede ba e upgrade ung hub lever(hulihan) na d nut sa QR na lever..newbie lang kaya d ko msayado alam ang tawag dun sa mga bike parts.tnx

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      yung buong hub na mismo ang papalitan mo into quick release hub. kasi di pwede maconvert yun e.

      1. ah..ano ba magandang quick release hub ung swak sa budget.tnx

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          ano bang budget mo? hehe. para sakin pinakamura at pinaka dabest na choice ay shimano hubs na. sure na matibay at tatagal, mura pa. tahimik nga lang. naka quick release na yun. Wala pa yata P1000 yun pares na, hindi ko lang sure, di na ako updated sa presyohan ngayon ng mga bike parts.

  5. Hahaha diko na tinuloy basahin hehehe fork palang no trinx panalo na. Hahahah

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      😀

  6. Neil john Avatar
    Neil john

    Sir, totoo po ba na hindi gumagamit ng genuine shimano components?

  7. Jomar Tan Avatar
    Jomar Tan

    Sir Ian ano po ba satingin nyo ang mas maganda sa tatlo sprint? Foxter o trinx naguguluham po kasi ko

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      trinx ka pero wag yang X1, 29er dapat. sa foxter kasi puro 27.5 yun e. 29er ka kung gusto mo pang sprint

  8. Jherome Manalili Avatar
    Jherome Manalili

    Sir Ian, ano po ba mas okay, ung Foxter Lincoln or ung Pinewood 9.8?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      mas ok mag foxter ka na lang siguro paps

  9. Jordan Memess Avatar
    Jordan Memess

    Kapadyak.. Anong mas okay na upgrade sa Foxter FT-301 .stock pa kasi sya, gusto kung iupgrade yung kaya lang sa budget.. SALAMAT

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hydraulic brakes

  10. Orange Avatar
    Orange

    Napansin ko n yung frame ng foxter ft304 at powell 1.0 ay same. Based on my observation. Hehe. Palagay ko nag rerecycle lng yung foxter mtb at pinapalitan lng nila to ng name pati paint job at ibang parts, parang inaup2date lng nila yung product nila.

  11. chocotacoPH Avatar
    chocotacoPH

    good day mga ka-unliahon lalo na kay idol ian base sa nkalap kung impormasyon ang gumagwa sa brand na foxter ay ang kilalang brand na mountainpeak,,

  12. Noel Sales Avatar
    Noel Sales

    Boss Ian,
    Ano po ang bike n mganda s budget n 15k. Salamat po

  13. Diether Barrozo Avatar
    Diether Barrozo

    Sir Ian,ano po bang mas maganda,foxter elbrus o trinx x1 elite? Salamat po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *