TRINX X1 2017 vs TRINX BIG 7 700 2017, alin nga ba ang mas maganda at sulit bilihin sa dalawa?
Madalas itong tanong ng mga nagbabalak kumuha ng Trinx na medyo mas mataas ang budget para sa MTB nila.
Halos hindi din naman nagkakalayo ang presyo nitong dalawang MTB na ito. Yung isa ay 26er at yung isa naman ay 27.5 na MTB. Ngayon, subukan natin pagkumparahin ang dalawang bike na ito para malaman talaga natin kung alin ang mas panalo sa dalawa.
Parehas na 2017 versions ang pagkukumparahin natin sa post na ito.
Price
- Trinx X1 – P13900
- Trinx Big 7 700 – P14500
Yan ang SRP na nakita ko sa isang shop. Maaring iba sa iba. Mas mura yung Trinx X1. Siguro dahil 26er siya kaya mas mura. Pero ngayon na alam na natin ang price nila pareho, may dagdag na basehan na tayo kung alin ba ang mas sulit sa bulsa natin.
Kung presyo ang paguusapan, panalo ang Trinx X1 kasi mas mura.
Frame
- Trinx X1: 26″*15″/17″/19″ Alloy Tri-Butted Smooth Welding
- Trinx Big 7 700: 27.5″*16″/18″ Alloy Tri-Butted Smooth Welding
Parehas lang na aluminum ang frame nitong dalawa, same din na triple butted at smooth weld. Nagkatalo na lang sa size ng gulong na kasya sa kanila. Yung X1 ay 26er, yung Trinx Big 7 700 ay 27.5 naman. Parehas lang sila naka internal cabling, parang parehas lang din ng geometry at style ng frame yung dalawa, sa kulay lang nagkaiba.
May sizes na mapagpipilian sa Trinx X1. Merong size 15, 17, at 19. Kung hindi ka katangkadan, sakto yung size na 15 sayo. Size 16 at 18 naman ang nasa B700. Parang gitna din ng sizes ng X1, kaya kung pipili ka sa dalawa i-consider mo din yung size na sakto sa height mo.
Ito yung sample na chart sa MTB size – height consideration:
- 4’11” – 5’3″ = 13 – 15 inches
- 5’3″ – 5’7″ = 15 to 17 inches
- 5’7″ – 5’11” = 17 to 19 inches
Pareho lang naman yung frame, sa size lang nagkakatalo kaya ang husga natin dito, tabla lang.
Fork
- X1 – Trinx Magnesium Alloy Air Lock-Out
- B700 – Trinx Air Lock-Out Travel:100mm
Parehas lang na air fork yung suspension ng dalawa. Parehas maganda, kasi magaan yun dahil air type na, hindi coil spring type. Parehas din may lock-out, magkaiba lang ng design dahil yung arc ng fork sa B700, nasa likod. Yung kulay din ng stanchions, magkaiba. Pero aesthetics lang yan, nagkakatalo dyan ay kung saan gawa ang fork. Sa X1, binanggit na magnesium gawa yung fork, sa B700, walang sinabi.
Marketed din as ultra light ang X1, sa palagay ko mas magaan yung fork ng X1. Kung sino panalo sa kanila, sa X1 ako.
Other specs/components
The rest, parehas na lang lahat sila.
COMPONENTS
- PEDAL: Feimin Alloy
- SADDLE: Trinx Sport
- HANDLEBAR: Trinx Alloy Flat
DRIVETRAIN
- SHIFTER: Shimano Altus SL-M370
- FD: Shimano Altus FD-M2000
- RD: Shimano Altus RD-M370
- CHAIN: KMC Z99
- BRAKE: Shimano M315 Hydraulic Disc
WHEELS
- CASSETTE: CS-M2009 11-32T
- RIM: Trinx Alloy Double Wall
- CHAINWHEEL: Prowheel 22/32/44T*170L
- HUB: Novatec Alloy Double Sealed Bearing
Bukod sa gulong syempre, 26 yung isa, tapos 27.5 naman yung isa. Mas malapad yung gulong ng B700 dahil 27.5×2.1 yun, yung sa X1 naman ay 26×1.95 naman. Parehas lang din naman silang CST tires.
Parehas lang sila na naka 3×9 speed na setup, Shimano Altus na din yung pyesa at non-series Shimano yung hydraulic brakes.
Conclusion
Alin nga ba ang mas panalo sa kanila?
Kung ako ang tatanungin, kung pasok naman ang budget sa kahit alin sa dalawang bike na ito, tignan muna yung height ng rider para malaman yung size na tama sa kanya. Pwede ka pa din naman magcompromise sa smaller size sayo ng MTB, wag lang yung one size bigger, pangit yung ganun.
Ang tanong na lang dito ay, kung ano ba ang mas gusto mo, 26er o 27.5? Mas malaki lang naman ng konti yung size ng gulong ng 27.5 pero hindi na din yan masyado pansin. Wala din sa height kung ano ang tamang size ng gulong ng MTB para sayo, kahit na matangkad ka pa, pwede sayo yang 26er basta tama lang yung size ng frame. Kahit maliit ka pa, pwede sayo yang B700 basta tama lang yung size ng frame.
Kung okay lang kahit 26er o 27.5, tignan mo din yung mga kulay na available sa kanila, piliin mo yung trip mong sakyan at dalhin.
Ito yung mga kulay ng X1:
- Matt Black/Black Blue;Matt Black/Black Red;Matt Black/Green White;Matt Grey/Green Blue; Matt Green/Purple;Matt Black/Black Green
Ito naman yung sa B700:
- Matt Black/Red Black;Matt Black/Green Black;Matt Grey/Orange Black;Matt Blue/Orange Blue
Kung wala naman kaso kahit hindi mo makuha yung paborito mong kulay, pinakasulit sa dalawa ay yung Trinx X1. Mas mura kasi, tapos mas maganda pa yata yung fork, pero parehas lang din sa frame at dun sa iba pang mga pyesa. Kung alin ang mas sulit bilihin, Trinx X1 yun.
Kaya siguro mas mahal yung B700, e kasi 27.5 yun, ganun naman sa Trinx, mas mahal kapag mas malaki ng gulong.
Kung okay na sayo ang 26er, panalo na yan Trinx X1.
[alert-note]SRP and photos credits to LJ Bike Shop[/alert-note]
Leave a Reply