Last year, nung naghahanap kami ng bike sa Quiapo para sa tropa ko, medyo limited lang ang budget nya pero sinabi nya sa akin na gusto nya ng MTB na may magandang pyesa. Isa yata itong Trinx X1 sa mga inalok sa amin na pasok sa budget nya. Pero hindi ito ang pinakuha ko sa kanya dahil ang pinakuha ko sa kanya ay M500 tapos pinalitan ng buong Shimano Alivio groupset. Mura pa that time ang Shimano groupsets.
Akala ko noon kasi parehas lang ng frame din, tapos iba iba pa ang pyesa. Pero ngayon na tinignan kong maiigi itong Trinx X1, parang hindi na din masama siguro ito dahil maganda yung frame at pwede na din yung presyo.
P13500 ang SRP na nakita ko para sa Trinx X1 na pinakamababa. Hindi lang din X1 ang nasa X-treme series ng cross-country bikes ni Trinx; meron pang X6, X7, X8 at X9.
Trinx X1 Specs
FRAME
- FRAME: 26″*15″/17″/19″ Alloy Tri-Butted Smooth Welding
- FORK: Trinx Magnesium Alloy Air Lock-Out
Iba ang geometry nitong X-treme series sa Majestic series. Iba din ang style ng tubing. Alloy yung frame at triple-butted na daw, plus points pa na smooth welding sya kaya malinis tignan yung mga joints ng frame. Kung triple butted ang frame, we can expect na mas matibay ito compared kung double-butted lang or less.
Buti may sizes na mapagpipilian kumporme sa height ng rider. Size 15 small, 17 medium at 19 large. 26er nga lang ang gulong nitong Trinx X1.
Naka-internal cabling na pala itong Trinx X1, kaya pala ang linis tignan. Sa loob ng frame na dumadaan yung shifter cables.
Yung fork ang isa siguro sa nagpamahal dito sa X1, maganda kasi dahil air na yung suspension nya. Magnesium na din ang body ng fork kaya mas magaan pa lalo. Mas magaan ang air fork kesa sa coil spring na fork. Di ko lang alam kung rebrand nila na XCR Air itong fork na nandito sa X1, branded kasi with Trinx decals. May lock-out na din ang fork.
COMPONENTS
- PEDAL: Feimin Alloy
- SADDLE: Trinx Sport
- HANDLEBAR: Trinx Alloy Flat
Alloy na yung pedal na kasama nitong X1, hindi na plastic lang. Maganda yung saddle, at pormang XC na yung alloy na flat handlebars.
DRIVETRAIN
- SHIFTER: Shimano Altus SL-M370
- FD: Shimano Altus FD-M2000
- RD: Shimano Altus RD-M370
- CHAIN: KMC Z99
- BRAKE: Shimano M315 Hydraulic Disc
Shimano Altus ang shifters, FD at RD. Medyo step-up sa Tourney na piyesa. 3×9 na din ang gearings na meron sa ganitong setup.
Naka non-series hydraulic brakes na din ang Trinx X1. Mas maganda kasi talaga ang braking experience kung hydraulic na kesa mechanical lang. Buti na lang at Shimano na ang ginamit ni Trinx dito at hindi yung substandard Zoom o Tektro hydro brakes.
WHEELS
- CASSETTE: CS-M2009 11-32T
- RIM: Trinx Alloy Double Wall
- TYRE: CST 26″*1.95″
- CHAINWHEEL: Prowheel 22/32/44T*170L
- HUB:Novatec Alloy Double Sealed Bearing
Yung crank nga lang, Prowheel pa din pero iba ito sa mga cranks ng mas murang budget MTB’s na Prowheel din. Parang mas mataas na modelo ito ng Prowheel cranks.
Isa pa sa magandang pyesa nitong X1 ay yung hubs. Novatec na sealed bearing na. Medyo may tunog ito hula ko. Cassette na din kaya magagamit pa din kung magpapalit ka ng cogs na may mas malalaking range.
Verdict
Kung susubukan kong iupgrade siguro yung M500 na kagaya nitong sa Trinx X1, papalitan ko ang fork para sa Air-type na fork, hydraulic brakes, 3×9 na setup, at Novatec na hubs, parang mas lalampas ka pa sa presyo nitong Trinx X1 ang magagastos mo. Dagdag mo pa na hindi pa internal cabling yung M500, at iba ang porma nitong Trinx X1, mas maangas.
Kung pasok sa budget mo ang Trinx X1 at 26er ang hanap mong MTB, hindi na din masamang option ito. Bukod sa ready to ride ka na agad, panalo ang porma at maganda na din ang components na wala ka ng papalitan unless may masira or katihin ka kaagad mag upgrade.
Available ang Trinx X1 sa mga colorways na: Matt Black/Black Blue;Matt Black/Black Red;Matt Black/Green White;Matt Grey/Green Blue; Matt Green/Purple;Matt Black/Black Green.
Leave a Reply