MTB Upgraditis – Newbie Guide for Bike Upgrades


Upgraditis, ang tawag sa sakit ng mga bikers. Lahat yata ng nahumaling sa libangan na ito ay nagkakasakit nito habang tumatagal siya pagbibike at unti unting nadadagdagan ang kaalaman tungkol sa mga pyesa ng bike. Kailangan maipagamot agad ito dahil kung hindi ay baka lalo itong lumala. Ito ay isang simpleng guide lamang para sa mga baguhan.


“Ano ba ang kailangan kong iupgrade?”

Sa totoo lang, wala naman talaga. Kahit wala kang iupgrade ay ayos lang naman iyon. Makakapagbike ka pa din ng masaya. Kung ok pa naman yung mga pyesa ng bike mo ay saka mo na lamang ito palitan kung may nasira or bumigay na. Sabi nga, tuhod daw ang dapat iupgrade muna, dahil wala daw sa pyesa yan, nasa pumapadyak yan. Tama naman, magpalakas muna sa una pero kung madami naman pera edi bakit sino ba sila para pumigil sa pagpapagamot natin.


Groupset

Shimano Alivio groupset – isa sa mga groupsets ng Shimano.

Kung ang MTB mo ay naka non-series or Tourney lang na groupset, isang magandang upgrade ang groupset. Ang groupset ay yung mga pyesa na nagpapatakbo sa bike natin. Kabilang dito ang crank, hubs, bottom bracket, rear derailleur, front derailleur, shifters, brakeset, cogs at chain. Malaki ang improvement kung maguupgrade ka ng groupset, dahil mas gagaan yung mga pyesa at mas gaganda yung performance.

Mas popogi pa ang bike mo. Kaso lang medyo may kamahalan ang pagbili ng groupset. Advice ko lang na at least Shimano Alivio groupset sana para sulit at ramdam ang upgrade. Ok din ang Deore lalo kung may budget at syempre pati yung mga mas mataas pa na groupsets dito. Di ako masyadong updated sa presyuhan pero estimate ko na presyo ng mga bagong grupo ngayon ay:

  • Alivio – 7,500
  • Deore – 13500
  • SLX – nasa 17k na yata
  • XT – nasa 22k plus yata
  • XTR – di ko alam pero doble ng XT haha.

Grabe, mahal diba. Dati mas mura yan pero nagmahal bigla nito lang 2016 ang presyo ng mga pyesa ng bike, di ko sigurado kung bakit. Bukod sa Shimano, meron ding SRAM na groupset.

Upgrade Kit

Shimano SLX upgrade kit – isa sa mga groupsets ng Shimano din ang SLX.

Meron pang upgrade kit na tinatawag. Ito naman yung hindi buong groupset ang papalitan mo. Halimbawa kung naka 9 speed ka ngayon, at gusto mo mag upgrade sa 11-speed o 10-speed, pwedeng pwede na piliin mo lang yung pyesang papalitan mo. Dito naman, cogs, chain, rd, shifter lang karaniwan ang kasali kaya mas mura. Mas madaming speed sa bike, mas malaking sprocket sa hulihan kaya meron kang mas magaan na gear para sa akyatan.

Brake set

Shimano Non Series Hydraulic Brakes.

Kung naka mechanical brake ka pa, isang medyo mura mura na upgrade ang pagpapalit ng brake set sa hydraulic na brakes. Nasa P1200 yata ang non-series na Shimano hydraulic brakes, mas malakas na preno at mas kontrol mo kumpara sa mechanical brakes lang na stock ng mga budget bikes. Kung naka hydraulic naman na ito pero Tektro brakes lang na medyo mababang klase, sulit na magupgrade sa mas mataas na brake set tulad ng Deore brake set dahil mas maganda ang performance nito.

Kaya lang kung naka combo shifter ka, magpapalit ka din ng shifter, pwera na lang kung gusto mo pa din gamitin yung dating combo shifter (aalisin lang yung brake lever) kaso medyo masagwa tignan. Kung bibili ka ng bagong shifter, mas maganda na yung mag allowance ka ng dagdag speed para kung sakaling maisipan mo din magupgrade ng cogs edi di ka na uli bibili ng panibagong shifter.


Cockpit set at Pedal

Handlebar, stem, seatpost.

Para sakin, mas maganda talagang unahin yung mga contact points mo sa bike. Minsan, okay na talaga yung stock pero kung mag uupgrade ka, itong mga contact points mo sa bike ang magandang bigyan ng pansin din. Ang cockpit set mo ay yung handlebar, grip, stem, seat post at saddle. Sa mga yan, magandang magpalit ng mas matinong grip at handle bar na sakto sa trip mo. Yung stem, pwede din base sa fit mo sa bike.

Yung saddle isa pa ito dahil dapat kumportable ka umupo dito para di masakit sa pwet lalo sa long ride. Bawat pwet kasi may saddle na sakto dito na tipong perfect match kumbaga kaya masarap ibabad kahit long ride. Yung pidal naman, karaniwan pwede na pero mas maganda na iupgrade ito sa sealed bearing na pedal, medyo mahal pero sulit na upgrade din dahil alam mo na mas tatagal ito bago umalog o masira. Maari ding diretso na sa cleats pedal ang upgrade kung binabalak mo ang ganung setup sa future. Bibili ka pa ng sapatos din.

Wheelset

Tunog mayaman na wheelset.

Depende sa stock wheelset mo kung dapat ba ito i-upgrade na agad. Karaniwan sa budget bikes, hubs ang nagkakaproblema. Ang wheelset ay binubuo ng tires, inner tube, hubs, rims at spokes. Kung ibang tire ang gusto mo gamitin depende kung sa trails ka lagi mas magbebenefit ka sa mga knobby na tires, kung sa kalsada lang naman kayo lagi mas ok yung pang all-around na tire profile. Pwede namang alin lang dyan ang iupgrade sa pyesa ng wheelset.

Pag nag upgrade ka ng wheelset, panigurado mas gagaan ang bike mo dahil mabigat yung components ng mga stock wheelset ng built bikes. Hubs din ang pinapalitan kung gusto mo ng tunog mayaman na hubs, ito yung maingay na hubs kapag nag-free wheeling ka na.

Fork

Suntour XCR forks.

Rigid o may shock, pag nag upgrade ka ng fork panigurado mas gagaan. Kung ang budget ay limitado, magandang upgrade ang Suntour XCR na fork dahil mas magaan ito kesa sa mga stock na forks (generic, XCM, XCT) at mas maganda ang laro. Nasa P2.5k ang presyo nito, meron ding Epicon/Epixon na mas maganda at mas magaan pero syempre mas mahal. Manitou, Rockshox or Fox mo na kung madami talaga budget para sa fork. Kung rigid fork naman, Mosso ang patok, halos ganun din ang presyo gaya ng XCR.

Headset

Sealed bearing headset.

Karaniwan, ball bearing headset lang ang nakakabit sa mga built-bikes. Kaya kung magkaron ng issue ang headset ng bike mo (umaalog o may play), palitan mo na ito ng sealed-bearing na headset. Kelangan, sealed-bearing na dapat.

Kung magpapalit ka ng fork, maganda din na magpalit ka na din ng headset dahil ang mga headset ay may kasama ng star nut, ito yung nilalagay sa tubo ng fork para makabit yung takip ng headset. Less hassle pa maglapat ng headset kung sealed-bearing na ito.


Diba ang gastos mag bike. Sa kagustuhan natin na mas pumogi yung bike natin, o mas gumaan dahil tingin natin mas bibilis tayo, naiisipan natin mag upgrade. Walang kaso yan basta may pang upgrade, kanya kanya lang yan. Pero kung ayaw nyo magkasakit ng malubhang upgraditis, bawasan ang pagiisip ng upgrades at mas dagdagan ang pagpadyak.

Nagkasakit ka na din ba? Ano na ang mga gamot na nabili mo?

Kung may tanong pa kayo, post nyo lang sa comment section sa baba, subukan kong sagutin.

Kung may nais kayo idagdag sa mga upgrades na nabanggit, i-share nyo naman.


  • 316
  •  
  •  
  •  
    316
    Shares
    1. Pingback: Pinoy Biker Starter Pack - UnliAhon.com August 31, 2017
    2. Pingback: Trinx X1 Review - UnliAhon.com October 4, 2017
    3. Pingback: Trinx Q800 Review - UnliAhon.com October 12, 2017
    4. Angelo October 17, 2017
      • Ian Albert October 17, 2017
    5. Angelo October 17, 2017
      • Ian Albert October 17, 2017
    6. John ervin October 24, 2017
      • Ian Albert October 29, 2017
    7. Carl November 9, 2017
      • Ian Albert November 10, 2017
        • Carl November 11, 2017
          • Ian Albert November 13, 2017
    8. Manuel December 6, 2017
      • Ian Albert December 11, 2017
    9. Bike newbie January 1, 2018
      • Ian Albert January 5, 2018
    10. John January 18, 2018
      • Ian Albert January 18, 2018
        • Ralph M. De Souza March 11, 2018
          • Ian Albert March 13, 2018
    11. Samuel enrera January 25, 2018
    12. Pingback: Quiapo Vlog - UnliAhon.com February 1, 2018
    13. jed February 23, 2018
      • Ian Albert February 24, 2018
        • jed February 24, 2018
          • Ian Albert February 26, 2018
            • jed February 27, 2018
        • jed February 24, 2018
          • Ian Albert February 26, 2018
    14. Edwin February 25, 2018
    15. Eli March 12, 2018
      • Ian Albert March 13, 2018
    16. Tam March 19, 2018
      • Ian Albert March 23, 2018
    17. Ralph Arcangel April 21, 2018
      • Ian Albert April 24, 2018
    18. Secret April 27, 2018
      • Ian Albert April 28, 2018
    19. wynn tomas April 27, 2018
      • Ian Albert April 28, 2018
        • Jr May 7, 2018
          • Ian Albert May 8, 2018
            • Jr May 9, 2018
            • Ian Albert May 9, 2018
            • Jr May 10, 2018
            • Ian Albert May 11, 2018
    20. Jeanson April 28, 2018
      • Ian Albert April 29, 2018
    21. Arnel Silag May 3, 2018
      • Ian Albert May 4, 2018
    22. Jr May 10, 2018
      • Ian Albert May 11, 2018
    23. Kent Martin May 15, 2018
      • Ian Albert May 16, 2018
    24. Jonel May 17, 2018
      • Ian Albert May 18, 2018
    25. Jonel May 18, 2018
      • Ian Albert May 18, 2018
        • Jonel May 18, 2018
          • Ian Albert May 18, 2018
    26. ARMAN May 23, 2018
      • Ian Albert May 23, 2018
    27. jason May 30, 2018
      • Ian Albert May 31, 2018
    28. Chris May 31, 2018
      • Ian Albert May 31, 2018
    29. Chris May 31, 2018
    30. Jonel May 31, 2018
      • Ian Albert May 31, 2018
    31. Jonel May 31, 2018
    32. Jonel June 1, 2018
    33. Railey Almazan June 8, 2018
      • Ian Albert June 10, 2018
    34. jeremiah June 11, 2018
    35. John June 13, 2018
      • Ian Albert June 13, 2018
        • John June 14, 2018
    36. Kerwin mempin June 23, 2018
      • Ian Albert June 24, 2018
    37. Kaloy June 28, 2018
      • Ian Albert June 28, 2018
    38. Mark Mark August 2, 2018
      • Ian Albert August 3, 2018
    39. Genesis August 7, 2018
      • Ian Albert August 19, 2018
    40. Biker August 9, 2018
      • Ian Albert August 19, 2018
    41. glong August 18, 2018
      • Ian Albert August 19, 2018
    42. Dan September 9, 2018
      • Ian Albert September 11, 2018
    43. Dan September 9, 2018
      • Ian Albert September 11, 2018
    44. Alex September 11, 2018
      • Ian Albert September 11, 2018
    45. Jeric November 19, 2018
      • Ian Albert November 20, 2018
    46. Syryl vince December 4, 2018
      • Ian Albert December 5, 2018
    47. Aljon December 18, 2018
      • Ian Albert December 20, 2018

    Add Your Comment