12 na Benepisyo ng Pagpadyak: Pagba-Bike bilang Ehersisyo

12 Benefits of cycling: why cycle for exercise?

Napagiisip-isip mo na ba na mag-bike na din? Ito ang 12 na dahilan kung bakit tama lang na mag-bike ka na, sakto to kasi malapit na din ang bakasyon.

Team Green Planet (via Lucky Nañadiego)

Sobrang dami ng benefits na makukuha mo sa pagba-bike. Kung napagiisip-isip mo na mag-bike, at naikukumpara mo ito sa iba pang mga activities na pwede mo gawin, sasabihin ko sayo kung bakit pagba-bike pa din ang pinaka-best na option.

Maaring maging bias ako dito kasi syempre, biker ako, pero sa totoo lang, napakadami talagang magandang dahilan kung bakit cycling pa din ang magandang maging bagong libangan. Heto lang ang ilan:

1. Cycling improves mental well-being

via Eric Angelo Aquino

Merong pag-aaral sa abroad na nagsasabing ang mga taong may physically active na lifestyle ay may 32% na mas mataas na wellbeing score kesa sa mga hindi active na mga indibidwal.

A study by the YMCA has revealed what every cyclist knows already: that exercise makes you happier, with people with a physically active lifestyle having a wellbeing score that is 32 per cent higher than those with inactive lifestyles.

Researchers questioned 1,000 UK adults on a variety of factors affecting wellbeing, such as feeling cheerful and being optimistic about the future, and then analysed the relationship between their answers and their lifestyle.

Sa madaming paraan, nagagawa ng pageehersisyo na ma-boost ang mood mo. Una na dun yung may nare-release na adrenalin at endorphins sa katawan natin. Tapos, dagdag pa na nagi-improve ang confidence natin kasi meron tayong bagong achievements na nakukuha sa pagba-bike (tulad ng marating ang malayong lugar sa pagba-bike lang o di kaya maka-survive sa mga matitinding ahon).

Pinagsasama din ng pagpadyak ang pisikal na ehersisyo at yung pagkakataon na nasa labas ka para makapag-explore ng mga bagong tanawin. Pwede ka mag-bike ng solo lang o kaya may mga kasama para mas lumawak pa ang social circle mo.

Ako, basta ako, masaya ako pag nakakapag-bike ako. Feeling ko kasi, malaya ako.

2. Cycling promotes weight loss

via Erljhay Judah Montemayor Aguado‎

Simple lang naman yan, pagdating sa pagbabawas ng timbang, dapat lang na yung calories na lumalabas sa katawan natin ay mas mataas kaysa sa calories na pumapasok. Kailangan mo magsunog ng mas madaming calories kaysa sa kinakain mo para pumayat ka.

Ang pagba-bike ay nakaka-konsumo ng 400-1000 calories per hour, depende sa tindi ng ride at sa bigat ng rider. Kung maenjoy mo ang pagba-bike, makakapag bawas ka ng calories, at kung kumakain ka ng tama, makakapag bawas ka ng timbang.

3. Cycling builds muscles

Hindi lang nakakabawas ng taba ang pagpadyak, nakakabuo din ito ng muscles – yung mga muscles doon sa binti (glutes, hamstrings, quads, calves). Mas lean ang muscles kesa sa taba, kaya yung mga taong may mas mataas na percentage ng muscles ay mas nakaka-burn ng mas madaming calories.

4. Better lung health

via Siklistang Lampa‎

May mga kilala ako na natigil sa bisyo ng yosi dahil sa pagba-bike. Nandito kasi yung mindset na, yung yosi pinapahina nyan yung baga na kailangan talaga maganda ang kundisyon kung gusto mo maging matibay lalo na sa mga ahon.

Meron ding pag-aaral na mas exposed pa din pala sa mas mataas na level ng pollution ang mga nagda-drive ng sasakyan kesa sa mga pumapadyak lang.

5. Cuts heart disease and cancer risk

via Niel Brian Sonza

Pinapataas ng pagpadyak ang heart rate natin, pinapadaloy ng maayos ang dugo sa katawan natin, at nagsusunog din ng calories, na nakakatulong na huwag tayo maging overweight. Bilang resulta, nakakatulong ito na makaiwas tayo sa mga posibleng heart diseases at cancer.

Merong pag-aaral tungkol dito.


6. Cycling is low impact

via Ocampo Jimmy‎

Yung mga nabanggit natin ay mga exercise related na benepisyo. Mas ok ba mag-bike kesa tumakbo? Kasi exercise din naman ang pagtakbo diba.

Sa pagtakbo, yung bigat ng katawan ang dala mo dyan. Sa pagba-bike, hindi masyado ang bearing ng bigat ng rider dito. Kaya hindi din ganun kataas ang porsyento ng muscle damage kesa sa running.

7. Cycling saves time

via Karl Johnbert Tambong‎

Uso dito sa Pinas ang pagba-bike bilang mode ng pagko-commute. Madaming benefits at isa na dun yung malaking tipid sa oras.

Kesa mag commute ka, na pipila ka pa bago makasakay, mabagal na ang byahe, natatraffic pa.

Same lang din kahit na may service ka, andyan pa din yung traffic.

Kung nagba-bike ka, pwede ka makaiwas sa traffic. Yung 2 oras na byahe mo dahil sa traffic, kayang makuha yan sa 20 minutes na pagba-bike.

8. Cycling improves navigational skills

via Resurexion Soriano‎

Simula ng nag-bike ako, nakasanayan ko na na gumamit ng Google Maps na application.

Nakakatulong kasi yun para mag navigate papunta sa mga lugar na hindi pa napupuntahan, o mga lugar na bago mo lang napuntahan.

Pero kung madalas ka na nakakapag explore ng mga lugar dahil sa pagba-bike, mas maiimprove pa nito ang tinatawag natin na natural sense of direction, kasi nga mas nakakasanayan mo na yung pag eexplore explore ng mga lugar.

9. Sleep better

via Hans Hannah Edu‎

Bago ako nahilig sa pagba-bike, medyo hirap ako matulog sa gabi.

Pero sa mga karanasan ko, kapag sa isang araw na nakapag bike ako, mas madali ako nakakatulog sa gabi ng mahimbing. Siguro ay dahil pagod ang katawan dahil sa ehersisyo ng pagpadyak, pero gayunpaman, kung hirap ka matulog sa gabi, subukan mo na mag-bike sa araw, makakatulong to sayo na mas madali kang makatulog pagsapit ng gabi.

10. Boost your brain power

via Yeshua Rebuya Laguna‎

May pag aaral na may koneksyon daw ang pag-e-exercise sa brain health natin. Dahil sa pagba-bike, nakakatulong ito sa maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan natin, lalo na din sa utak.

May mga pagkakataon na sobrang sabaw na ng utak ko, di mkaapag pokus sa kung ano ba dapat yung unang iisipin kasi merong kailangan na gawin o tapusin na trabaho. Ang ginagawa ko lang, magba-bike lang ako saglit, pagkatapos, okay na, balik na sa good running condition at focus ulit ang utak.

11. Strengthen your immune system

via Mike Angelo

May pagaaral din na kapag nagba-bike ka, mas hindi ka lapitin ng sakit.

Meron pa nga akong kilala na nagkakasakit pag hindi nakakapag bike. Meron din na minsan, may sipon sila at pakiramdam nila, magkakasakti sila, pero naidadaan lang sa pagpadyak, hindi na tumutuloy yung sakit.

Kaya lang, pag nag-bike ka, magkakaroon ka pa din ng sakit: yung tinatawag nilang “upgraditis“.

12. Grow your social circle

Team Smooth via Edu Salazar Nudo

Sa pagbabike madami kang makikila na kapwa siklista o nagba-bike. Kahit ako, dumami ang mga kaibigan ko dahil sa pagba-bike, sa online man o sa tunay na buhay. Madami ka din kasing makakasalamuha na ibang tao na nagba-bike din, kausapin mo lang, magiging dagdag sa mga kakilala mo yan.

[header photo via: Kenken Ramires Andal‎]


  •  
  •  
  •  
  •