Ano ang UnliAhon?

Ang UnliAhon.com Blog ay isang Tagalog blog na may layunin tumalakay sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa biking, cycling, o pagpadyak sa Pilipinas.

Hanggat maaari ay Tagalog ang lengwahe na gagamitin sa pagsusulat ng mga articles at reviews sa blog na ito.

Bakit UnliAhon?

Bukod sa pag-ba-bike, hilig ko din ang gumawa ng websites. Kaya naisipan ko, “bakit hindi ako gumawa ng website na tungkol sa bike?”, pero nakita ko na napakadami ng websites tungkol dito. Nag-isip ako kung ano ang pwede kong gawin para naman umangat ako sa karamihan kahit papaano.

At yan ang dahilan kung bakit Tagalog ang wika na gamit sa blog na ito.

UnliAhon din ang naisipan ko na itawag sa website na ito, dahil ito ang madalas na mabanggit kapag may ride ang tropa. Kahit ako, ayaw ko din nung una sa mga ride na may unli ahon, kasi mahirap naman talaga pag akyatan na. Pero nung tumagal, parang hindi na kumpleto ang ride kung walang ahon, yung hirap at sarap na magkahalong nararamdaman sa ahon at sa pag-ba-bike, yan ang nasa isip ko nung nag-iisip ako ng itatawag dito sa blog.

Tungkol sa Ads

Kung mapapansin nyo, mayroong ads sa website. Kaya lang, dahil Tagalog ang wika sa blog na ito, halos wala pa sa bilang ng daliri ang kinikita nito araw araw. Pero mas mabuti na din na mayroon kaysa wala, para may budget pa din na maiipon sa pag-maintain ng site.