Trinx Brave 1.1 Full Suspension Available Na


Available na pala ang Trinx Brave 1.1 Full Suspension mountain bike dito sa Pinas.

Matagal na to na-tease sa atin ng Trinx Bicycles, ngayon ay pwede na mabili.

Heto ang ilan sa mga photos na inupload ng Trinx Bicycles facebook page:

Trinx Brave 1.1 Full Suspension

Nakita din natin ng malinaw ang tindig ng bike na ito. Wala nga lang tayong geometry chart kaya hindi ko din sigurado kung modern geometry ang gamit sa bike na ito.

Pero sa current price point nito, di ko na ineexpect na isa itong aggressive trail bike na pwedeng ipang-enduro. Siguro ay pang XC ang intended use nito.

Trinx Brave 1.1 Full Suspension Drivetrain

9-speed na Shimano Altus ang pyesa na nakakabit.

Naka-quick release yung hubs at Weinmann naman ang rims.

Trinx Brave 1.1 Full Suspension Rear Shock

Suntour Raidon ang rear shock. Ayon sa website ng Suntour, intended for AM (All Mountain) and XC (Cross Country) use ang rear shock na ito. Air-type ang rear shock na ito, at may lock-out na din.

Dito makikita natin na may bend sa seat tube, pero compatible pa din na lagyan ng front derailleur. Sa setup na ito ng Trinx Brave 1.1, meron 9-speed na 3x chainwheel, na siguro ay Altus din na crankset.

Yung pedals, kita dito na hindi plastic, ito siguro yung alloy pedals na din.

Kenda naman yung tires at halata na malalaki yung knobs. Pang trail na talaga.

Naka-internal cabling na din yung frame. Hindi ko lang alam kung ano ang pinag gayahan na ibang full suspension bike para sa style ng linkages nito.

Trinx Brave 1.1 Full Suspension

May rise yung stock handlebar, parang low o mid rise. Medyo mahaba pa yung stem, o baka sakto lang kasi for XC naman ata yung bike. Mataas pa din yung steerer tube, pwede pa i-cut depende sa preference ng rider.

Yung grips naman ay lock-on na.

Altus yung shifters, at Shimano MT-200 naman yung brakeset. Ito yung mas bago na brakeset kung ikukumpara sa dati na na M315 na brakeset.

Yung fork ay Suntour XCM, mas angat yun kesa sa XCT pero mas mababa sa XCR.

Parang similar lang yun sa XCR ata pero mas mataba lang yung stanchions. Yung XCT kasi walang lock-out, pero itong XCM na nakakabit sa Trinx Brave 1.1, may lock-out na.

Quick Specs ng Trinx Brave 1.1:

  • Model: Trinx 1.1 (Brave 1.1)
  • Raidon Suntour rear shock
  • Shifter: Shimano Altus
  • FD:Shimano Altus
  • RD: Shimano Altus
  • Fork: Suntour XCM
  • Kenda tire 27.5*2.35

Ayon sa post ng Trinx, ito ay bahagi na ng 2019 lineup ng mga bikes nila. 27.5 ang wheel size at 16.5 naman ang frame size.

Sa LJ Bike Shop ko pa lang nakita na available ang bike na ito, ito ang ilan sa mga photos na posted ng LJ Bike Shop:


Yung sa pictures na posted ng Trinx page, color white yung frame. Dito sa post ng LJ Bikes, parang hindi white. Medyo may pagka-gray na may pagka-silver. Ewan lang natin kung sa lighting, pero kung ako ang tatanungin, mas bet ko itong may pagka-metallic na dating, kesa sa pearl white na frame color.

Closer look sa main triangle ng bike.

Hindi lang pala iisa ang kulay na available. Buti naman may isa pang alternative. This time, color black naman na matte ang finish na may red accents. Maganda din ang color scheme na ito kung ako ang tatanungin. Maangas ang dating.

Meron palang reinforcement na nagbi-bridge sa top tube at sa seat tube. Common kasi yung ganung design na nakikita ko sa mga bikes na pang aggressive riding, ayos kung ganun kasi mas pinapatibay ng connection na yun yung part na yun ng frame.

P21,500 ang SRP ng Trinx Brave 1.1, isa sa mga affordable full suspension MTB na mabibili ngayon sa market natin. Sa price point na yun, medyo malapit sya sa price point ng Phantom Rise full suspension. (*ang Phantom Bikes ay galing din sa Trinx)

Wala pa yatang ibang bike shop na meron nito, sa LJ Bikes pa lang, sila naman ang laging nauuna kasi pagdating sa mga Trinx bikes. Pero asahan natin na magroroll-out na din to sa iba pang Trinx dealers na bike shops dito sa Pinas.

Hindi ko lang alam kung meron na din nung Trinx Brave 2.1, mas mataas ang mga pyesa na nakalagay doon, iba din yung frame, at asahan din natin na mas mataas ang selling price nun. Abang na lang tayo sa mga updates ng Trinx para dito.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Erickmeister November 22, 2018
      • Ian Albert November 24, 2018
    2. rob December 3, 2018
      • Ian Albert December 5, 2018
    3. NandMelchor December 10, 2018
      • Ian Albert December 11, 2018
    4. ivan azarcon December 28, 2018
      • Ian Albert January 23, 2019
    5. ivan azarcon December 28, 2018
    6. Renz December 31, 2018
      • Ian Albert January 23, 2019
    7. Carl Nitro O. Francisco January 11, 2019
      • Ian Albert January 23, 2019
    8. meral February 12, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    9. james February 19, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    10. Riza jean azuelo April 22, 2019
    11. Kris Vergel July 15, 2019
    12. Sonny Regal July 24, 2019
    13. Ralph September 11, 2019
    14. apokalyps January 1, 2020
    15. Clark January 15, 2020
    16. Dann July 10, 2020
      • Leo August 27, 2020
    17. Julios B Bambalan July 18, 2020
    18. Caleb August 7, 2020
      • Leo August 27, 2020
    19. Leo August 27, 2020

    Add Your Comment