Itong Trinx Brave 1.1 ay mas mababang model kung ikukumpara sa Trinx Brave 2.1.
Pareho lang silang full suspension bike from Trinx.
Dahil mas mababa ang mga specs na nakalagay dito sa Trinx Brave 1.1, pwede natin i-expect na mas mababa ang magiging presyo nito.
Mas affordable na ngayon ang full suspension na bike na may mas magadang pyesa at batalya. Tingin ko swak na swak ito para doon sa mga trip ang porma ng full suspension bike pero walang budget para bumili ng talaga namang mahal na full suspension bikes from other big name brands.
Sa ngayon, wala pa tayong complete list ng specs nitong Trinx Brave 1.1. Pero tignan na lang muna natin ang mga pictures nito para masuri natin ang mga pyesa ng bike na ito.


Shimano Altus ang drivetrain nitong Trinx Brave 1.1, 9-speed na din.

Hindi ko masyadong kabisado ang mga bikes pagdating sa full suspension, pero ang sabi sa akin Suntour Duair shock ang rear suspension nitong Trinx Brave 1.1 na BMC naman ang style suspension sa frame.

Shimano na yung crank nito, Altus na siguro ito. Mas okay na din kaysa kung low-end na Prowheel crank lang ang nilagay. Yung front derailleur, Shimano Altus na din. 3x ang setup nito.

Parehas lang na Kenda Nevegal tires ang nandito sa Trinx Brave 1.1, tulad ng nasa Trinx Brave 2.1.

Suntour XCM naman ang fork nitong Trinx Brave 1.1. Mas mababa lang yun sa XCR pero, mas mataas na klase pa din naman sa XCT na fork ng Suntour.



Pasado din sa akin ang kulay nitong Trinx Brave 1.1. Di ko lang sigurado kung may iba pang kulay na pwedeng mapagpilian. Pero para sa akin, maganda na din itong matte black at glossy red na colorway nitong Trinx Brave 1.1.

May lock-out na yung fork at meron ding preload adjuster.

Non-tapered ang head tube nitong Trinx Brave 1.1. Yung sa Trinx Brave 2.1, tapered naman.

Trinx branded yata ang cockpit setup nitong Trinx Brave 1.1. Short stem din, maganda yun dahil mas madali ang control dito sa short stem. Bagay din kasi sa setup nitong Trinx Brave 1.1 na full suspension bike. Straight ang handlebar.

Naka Shimano non-series hydraulic brakes na itong Trinx Brave 1.1. Maganda na din kasi Shimano brakes ang ginamit sa bike na ito. Shimano Altus naman yung shifter na 3×9 speed. Yung handlebar grips, may lock-on din kaya mas maganda.


Wala pa tayong complete list ng specs nitong Trinx Brave 1.1 dahil hindi din natin ito makikita sa website ng Trinx. Ang sabi sa akin, magiging exclusive release lang itong mga Trinx Brave full suspension bikes sa Pilipinas.
Wala pa din tayong info sa kung ano ba ang magiging eksaktong price nito kapag lumabas na, pero ang sinasabi lang sa akin lagi ng mga contact natin sa Trinx ay: “mura yan”.
Gaano kaya ka mura? Kung nasa price range siya na 20k, sobrang panalo na din nito na choice kasi sa ngayon wala ka naman na mabibili na murang full suspension na bike e. Ito na siguro ang pinaka matino pagdating sa mga pyesa at sa kalidad ng batalya na hindi sobrang mahal at maraming kaya maka-afford.
Leave a Reply