2019 Iron Kids finisher, Xyclone bike ang gamit


Xyclone Bicycles, isa yan sa mga brands ng bike na available sa market natin.

Meron akong ganyang bike dati, ginamit ko na commuter bike hanggang sa pinamigay ko na lang para gamitin din na pang service sa kaibigan ni Papa.


Recently, ginanap ang 2019 Alaska Fortifies Iron Kids Philippines. Ito ang local version sa atin ng international event na IRONMAN pero para sa mga junior athletes.

Ang event na ito ay ginaganap yearly sa Cebu, ini-encourage ng event na ito na maging mas active ay healthy ang lifestyle ng mga bata na may edad na 4 hanggang 14 years old.

 

Isang bata ang nakatapos ng karera na gamit ang Xyclone Mantis MTB na may 20 inches na gulong. Patunay lang yun na hindi sagabal ang walang mamahalin na bike para maging matagumpay na makatapos sa ganitong multisport event.

 

Follow Xyclone Bikes on facebook https://www.facebook.com/xycloneofficial/


  • 48
  •  
  •  
  •  
    48
    Shares