Trinx Brave 2.1

First look sa Trinx Brave 2.1 full suspension bike

Nakita ko din ng personal itong bagong bike from Trinx. Full suspension na, at dahil kilala natin si Trinx na hindi over kung magpresyo sa mga bikes, maari nating i-expect na ito na ang magandang low budget full suspension bike na hindi naman talo sa quality ng batalya at mga pyesa.

Hindi ko pa masabi kung kamusta ito kung gagamitin sa aggressive riding discipline talaga. Pero tingin ko, swak ito sa mga naghahanap ng ganito ang porma ng bike pero hindi naman din balak gamitin sa enduro o downhill.

Hindi ko pa din sure kung ano ang eksaktong specs ng Trinx Brave 2.1 full suspension, pero sa mga pictures na to, pwede kayo magka idea.

Trinx Brave 2.1 saddle and seatpost

Maganda yung porma ng upuan. Hindi mumurahin tignan. Okay din na UNO brand ang ginamit na seatpost para dito. Hindi ko pa nga lang alam kung ano ba ang size ng seatpost nitong Trinx Brave 2.1. Kita din natin na aggressive ang tire pattern nito, swak na swak pang trails.

Trinx Brave 2.1 stem, headset, handlebar

Neco brand yung headset. Naka short stem na din na swak din para sa ganitong klase ng bike. Short stem talaga ginagamit para sa mas malaking leverage sa handling ng bike. Yung handlebar, UNO brand na din.

Trinx Brave 2.1 head tube

Tapered na yata yung head tube ng Trinx Brave 2.1, hindi ko lang sure pero parang tapered na nga. Mas maganda yun kasi sa mga mas high end na bike talaga, mga naka tapered na ang head tube.

Trinx Brave 2.1 lock on grips, Shimano Deore shifters, non-series hydraulic disc brakes

Yung hand grip ng Trinx Brave 2.1, may lock-on. Karaniwan sa mga murang budget bikes, hindi lock-on ang style ng mga hand grips. Para sa akin, mas ok yung lock on.

Sa pyesa naman, yung shifters ng Trinx Brave 2.1 ay Shimano Deore na. 10-speed ang setup nito. Yung preno naman, hydraulic disc brake na pero Shimano non-series lang. Okay na din, di na masama.

Trinx Brave 2.1 frame

Porma, pintura, at details sa design ng frame, pasado para sa akin. Maangas ang dating, malinis pa din tignan. Maganda din ang coordination ng kulay.

Trinx Brave 2.1 top tube


Trinx Brave 2.1 fork

Suntour XCR naman yung fork. Ito na yung pinakamaganda sa XCT o XCM na fork ng Suntour. Para sa akin, maganda na din na ito yung fork kaysa Trinx fork lang. Mas nakakasigurado kasi tayo dito na kayang kaya nito ang laspagan ng trails.

Trinx Brave 2.1 tires

Kenda Nevegal naman yung tires. Medyo knobby ang profile na sakto lang para sa pag gamit sa off-roads at trails. Hindi ko lang sure kung ito ba yung 2.20 o 2.35 na lapad ng Nevegal tires.

Trinx Brave 2.1 rear suspension

Wala talaga ako masyadong alam pagdating sa full suspension bikes dahil hard tail user lang naman ako. May nagtimbre lang sa akin na Suntour Raidon air shock at FSR type suspension na nasa Specialized bikes ang gamit nitong Trinx Brave 2.1.

Trinx Brave 2.1 drivetrain

Shimano Deore na 10-speed ang rear derailleur. Sa range ng cogs, di ko pa lang sure pero siguro nasa 11-32T. Upgradeable pa din naman yun sa mas mataas na cassette kasi Deore rd naman yan at naka cassette type hubs na din.

Trinx Brave 2.1 crank

Prowheel Ten yung crank. Ganyan yung napapansin ko na crankset sa mga 10-speed na bikes. Okay din kasi hollowtech na. 3x ang setup nitong Trinx Brave 2.1. Hindi ko lang 100% kung pwede ba na maiconvert sa 1x ang Prowheel Ten crank, parang oo kasi, pero kung oo, mas maganda.

Trinx Brave 2.1

Hindi ko na kasi pinababa yung bike, pero satisfied naman ako dahil nakuhanan ko pa din ng mga pictures kahit papaano. Meron na tayong idea sa mga pyesa na nakakabit sa Trinx Brave 2.1. Hintayan na lang kung kailan ito magiging available sa mga Trinx bike dealers at kung ano ang magiging presyo.

Trinx Brave 2.1 close up

Sa price naman, hindi pa din natin alam yan. Pero estimate ko dito, hindi ito aabot ng 30k, sana nga ganun ang kalabasan. Kasi sa mga bikes ni Trinx na naka Shimano Deore na pyesa, nasa 20k+ lang yun. Pero ito kasi, full suspension na ang batalya kaya siguro medyo mas mahal dun yung cost ng pagkakagawa sa frame ng Trinx Brave 2.1.

Interesado ka ba dito sa Trinx Brave 2.1 full suspension? Magkano ang expected na price mo para sa bike na ito? Tingin mo kaya maging patok ang bike na ito? Tara pag-usapan natin yan sa comment section sa baba.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. ulysses sevilleno June 12, 2018
      • Ian Albert June 12, 2018
    2. Hula June 12, 2018
    3. JUST June 12, 2018
      • Ian Albert June 13, 2018
    4. Richmond Porca June 12, 2018
    5. john June 12, 2018
      • Ian Albert June 13, 2018
    6. Kapadyak Leo June 12, 2018
    7. Orley June 13, 2018
      • Ian Albert June 13, 2018
    8. Ressay June 13, 2018
      • Ian Albert June 13, 2018
    9. Zephyr June 14, 2018
      • Ian Albert June 15, 2018
    10. Rome Harvey June 16, 2018
      • Ian Albert June 17, 2018
    11. Kent June 22, 2018
      • Ian Albert June 23, 2018
    12. Reggie ferraren June 29, 2018
    13. Darwin Evaristo August 29, 2018
      • Ian Albert September 4, 2018
    14. earlvin September 24, 2018
    15. Kapadyak Jeff J. November 30, 2018
      • Ian Albert December 5, 2018
    16. Kapadyak Jeff J. December 9, 2018
    17. jp January 7, 2019
      • Ian Albert January 23, 2019
    18. Ferdinand R. Tamayo January 11, 2019
      • Bert February 2, 2019
        • Ian Albert March 16, 2019
    19. Jay February 1, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    20. Vin February 17, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    21. Guilbert February 27, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    22. Lazy Boy May 11, 2019
    23. Jacob June 18, 2019
    24. JohnDoe August 20, 2019
    25. Vince Ramirez November 29, 2019
    26. Richard December 13, 2019
    27. RJ Dela Victoria May 24, 2020

    Add Your Comment