Pag-usapan lang nga muna natin yung Keysto Conquest na 27.5 at 29er na naka-sale ngayon.
Nasa around P10k ang price nito dati. Sa iba nga, higit pa sa 10k, depende sa shop.
Ngayon, naka-sale sya na P8,500 na lang, ayon sa post ng fb page ng Keysto Bicycles.
Sulit na ba ‘to bilihin? Yan ang susubukan natin alamin, suriin muna natin ang specs ng bike na to.
Keysto Conquest Specs
- Alloy Frame with internal cabling
- 27.5 / 29er
- Suspension Fork with Manual Lock-out
- 3×10 speed
- LTWOO A7 RD
- LTWOO A7 FD
- LTWO A7 Shifters
- X-spark Hydraulic Brakes
- Kenda Tires 2.10
Nakita ko na ng personal ang bike na ito.
Ang masasabi ko lang dito, parehong pareho yata ng frame sa Trinx X-treme series. Tulad ng Trinx X1 at Trinx X7.
Ang Keysto brand ay galing din naman sa Trinx. Andyan lang ang brand na yan para pambasag ni Trinx sa market ng mga mas low-priced pa na budget bikes.
Hindi mo talaga maikakaila ang pagkakahawig ng frame sa Trinx X-series. Tapered na ang head tube kaya maganda. Pag tapered kasi, mas stiff at mas matibay ang head tube. Ang mga frame na may tapered head tube ay karaniwan lang na mas mahal kesa sa mga hindi tapered.
Naka-internal cabling na din kaya malinis tignan.
Subukan natin ikumpara sa Trinx X1.
Pwedeng sa Trinx X1 Elite o Trinx X1 Quest natin ikumpara itong Keysto Conquest kasi may 27.5 at 29er variant ito na may price difference lang na P100. Mas mahal ng P100 yung 29er na Keysto Conquest.
Yung Trinx X1:
- -Shimano Altus na 9-speed ang pyesa
- -Air type na din yung suspension fork at may remote lock-out
- -Shimano non-series hydraulic brakes ang preno
- -nasa 14k pataas ang SRP
Yung Keysto Conquest naman:
- -LTWOO A7 na 10-speed ang pyesa
- -hindi air type ang fork pero meron naman manual lock-out
- -X-spark ang hydraulic brakes
- -naka sale ngayon sa 8.5k na presyo
Malaki din ang pagkakaiba kung sa pyesa, pero yung frame nya talaga e, parang same lang ng hulmahan na ginamit sa factory ng Trinx. Same frame lang, iba lang ng pangalan na nakasulat.
Ngayon, naka-sale ang bike na ito sa presyong 8.5k.
Sa price nyan, ang ibang bikes na pwede mo mabili ay Foxter Powell 1.0, Trinx M600 Quest, o Trinx M610 Elite.
Ilan lang yan sa mga budget bikes na pasok sa 8.5k na budget, sa mga yan, wala ni isa dyan na may tapered head tube na frame.
Doon pa lang, sa presyo na 8.5k may naka tapered na frame ka na na built-bike o buong bike na, sulit na yun agad.
Yung specs pa nito, 3×10 speed na LTWOO A7.
Same sa ginagamit ko ngayon na naka-kabit sa bike ko, LTWOO A7 din. Wala pa naman ako naging issue sa LTWOO A7 ko, swabe pa din hanggang ngayon pagdating sa performance sa shifting, one-click at mabilis.
Hindi pa din naman nasisira hanggang ngayon. Iba nga lang yung design ng LTWOO A7 na nakakabit dito, meron kasing visual gear indicator na nagpapakita kung nasaang gear ka.
Sa 8.5k na presyo nito habang naka Christmas sale ngayon, pwedeng pwede na. Sa frame pa lang, sa specs di na din masama. Maganda na din na choice pang beginner na budget bike, pwede pang lalong mas mapaganda kung iuupgrade ang pyesa.
Sulit naman i-upgrade kasi nga maganda na din yung frame.
Naka hydraulic brakes na din, syempre mas maganda pa din ang Shimano non-series hydraulic brakes kung ako ang tatanungin, pero di na din masama na panimula yung X-spark brakes. Sa Foxter Powell 1.0 nga, naka mechanical brakes pa lang yun e.
Yung crank pala nito, ok na din kasi alloy naman na yung crank arms, kaya di na din talo.
Alloy na din yung pedals at naka-quick release na yung hubs.
Kung meron na magtatanong sakin ng kung ano ba ang magandang bilihin na MTB sa budget na 8.5k, itong Keysto Conquest ang isusuggest ko sa ngayon na 8.5k ang presyo nya.
Pili na lang kung 29er ba o 27.5, pag more on trails ang balak mo na gawin, doon ka sa 27.5, kung more on long rides naman, mas magbe-benefit ka sa 29er.
Leave a Reply