Trinx M610 Elite – Unboxing, Assembly, and Bike Check

Bigay ng LJ Bike Shop

Binigyan ako ng LJ Bike Shop ng bagong Trinx mountain bike. Panoorin nyo sa video na ito ang pag assemble out of the box at bike check nitong bagong Trinx M610 Elite MTB.

Trinx M610 Elite Specs

  • Alloy Frame
  • Trinx Suspension fork with lock-out
  • 3×8 LTWOO A3 gear set (shifters, FD, RD)
  • Prowheel crank (alloy crank arms)
  • X-spark hydraulic disc brakes
  • 27.5 wheelset, Trinx alloy double wall rims
  • Kenda 27.5×2.10 tires

Maganda na din na choice itong Trinx M610 na bike para sa mga may low-budget lang para sa bike. Naka-hydraulic disc brakes na din kasi ito, at 3×8 speed na LTWOO parts. Alloy na din yung crank arms, at may suspension yung fork. Kenda pa yung tires na nakalagay.


Merong 26er at 29er din na variant itong Trinx M610. Trinx M610 Quest ang tawag sa 29er model, at Trinx M610 Elite naman para sa 27.5. Di naman nagkakaiba iba ng specs, pero magkakaiba sila ng price at sa wheel size.

Limited edition model lang daw itong Trinx M610 na LJ Bikes ang mismong nag-order sa Trinx.

Kung trip nyo din kumuha nitong Trinx M610, contact or visit LJ Bike Shop. Sabihin nyo lang na nakita nyo sa UnliAhon, para mas bigyan pa kayo ng discount at freebies. Alam nyo ba na pwede na installment ng bike at bike parts dyan sa LJ Bike Shop? Oo pwede na, gamit ang Home Credit.

For in-depth post about Trinx M610, visit this link: Trinx M610 Review


  • 107
  •  
  •  
  •  
    107
    Shares
    1. Randy July 12, 2018
      • Ian Albert July 12, 2018
    2. cris deine pomperada July 30, 2018
      • Ian Albert July 31, 2018
    3. Akeman December 3, 2018
      • Ian Albert December 5, 2018

    Add Your Comment