Galaxy XC70 MTB

26er, Alloy frame, 3x10 speed setup

Ilagay ko lang muna ito dito. Medyo hindi pa kumpleto ang specs na alam ko dito sa Galaxy XC70 na MTB.

via Extreme Bike Shop

26er ito na alloy na yung frame. 30-speed na o 3×10 ang setup. 3 ang plato sa unahan, 10 naman sa cassette.

Size 17 lang yata yung size ng frame. May iba pang kulay na pwedeng mapagpilian. Meron pang Black/Red at Black/Blue.

May suspension yung front fork, magnesium ang material at may remote lock-out na din.


via Xe Đạp Galaxy – GLX

Shimano Deore M610 ang shifters, rear derailleur at front derailleur nitong Galaxy XC70. Prowheel Ten yung crank na may alloy na crank arms at hollowed na din ang bottom bracket.

Shimano Deore na din ang disc brakes kaya maganda na din.

Maxxis Pace na 26×2.10 ang tires na nandito sa Galaxy XC70. Joytech ang brand ng hubs.

via Xe Đạp Galaxy – GLX

Hindi ko alam kung magkano itong Galaxy XC70. Pero binebenta na ito sa market natin, wala lang akong makitang reference ng price nito sa ngayon. Kaya hindi ko din masabi kung ok na ba itong bilihin. Inilagay ko lang ito dito sa site para kung sakali, ma-update din natin pag may nadagdag na na info.


  •  
  •  
  •  
  •