Trinx X7 MTB Review


Aba, mas maganda na pala ngayon ang website ni Trinx. Updated na at mas madami ng info na makukuha. Ngayon ko lang nabisita ulit.

Anyways, review natin ngayon yung Trinx X7 na MTB.

Trinx X7 Review

Nai-skip ko yata to dati nung nagtitingin tingin ako ng mga unang MTB na ipopost ko dito sa site. Pero ngayon, madami palang may interes sa MTB na ito. Isang mabilisang tingin sa specs at presyo nito, mukhang maganda din naman yung mga pyesa. Maganda din yung presyo, hindi sobrang mahal at siguro hanggang sa kayang i-sagad sya na budget ng mga kapadyak natin.

Wala akong actual na bike nito. Hindi ko pa din nasusubukan ng personal. Kaya yung mga sasabihin ko sa review post na ito ay base lamang sa mga impormasyon na makakalap natin sa internet.

Trinx X7 Price

Ang price nitong Trinx X7 ay P16000. Yun ang pinakamurang pricing na nakita ko online. Sa Stan13bikes ko nakita yung pricing na yun.

Trinx X7 Specs

Specs muna ang tignan natin. Heto yung specs at mga pyesa nitong Trinx X7 MTB:

  • Color : Matt Black/Yellow Black;Matt Black/Green Black
  • Frame : 26″*15″/17″ Alloy Tri-Butted Smooth Welding

Ayan yung color na nakapost sa website ng Trinx. Pero may pictures sila ng apat na variants nitong Trinx X7. Tignan nyo sa baba:

Black yung main color ng Trinx X7 tapos sa highlights na lang nagkakatalo. Merong Orange, Red, Blue, at Green na mapagpipilian. Simple lang ang colorways pero rock, wala masyadong kung anek anek sa paint job. Maganda ang tirada para sa akin.

Alloy na yung frame nitong Trinx X7. 26er yung gulong na kasya dito. May sizes din na mapagpipilian, size 15 at size 17. Smooth-weld yung pagkakatira sa frame, triple-butted kaya mas magaan at mas matibay, iba din yung style ng frame, pero ganito naman na lahat ng Trinx X-treme MTB line-up. Naka-internal cabling na din kaya malinis tignan yung frame. Mas maganda itong frame nito, kung ikukumpara natin sa frames ng Trinx Majestic series, para sa akin lang.

Trinx X7 Internal Cabling [pic credits: LJ Bike Shop]

Ayon sa site ng Trinx, size 15 at 17 lang ang meron dito sa Trinx X1. Pero may section sila ng geometry at sukat para sa bawat sizes. Guess what, merong size 19. Hindi ko lang sure kung may size 19 talaga at nagkulang lang dun sa listahan ng specs, gaya ng pag-mention sa mga color variants or basta lang din nilagay yung info sa geometry kaya nasama yung size 19.

ito yung chart para sa geometry ng Trinx X7 frame

Kung interesado ka malaman ang bawat sukat ng lettered sections ng frame nitong X7 depende sa sizes, mababasa mo yun sa website ng Trinx. Ako kasi, hindi ako bihasa bumasa niyan kaya wala ako masyado masabi dyan.

Trinx X7 suspension air fork with remote lock-out [pic credits: LJ Bike Shop]

 

 

  • Fork : Trinx Air Lock-Out Travel:100mm

Yung suspension naman, Trinx branded pero air-fork na. Mas magaan yun kesa kung coil-spring type lang yung fork. Sa itsura naman, mataba yung stanchions, mukhang magandang klase na din yung pagkakagawa dun sa fork. Plus points na lang yung remote lock-out nya, na nakakatulong para hindi mo na tanggalin yung kamay mo sa handlebars kung sakaling kailanganin mong baguhin yung lock-out most especially kung pa-downhill ka.

Trinx X7 Deore RD [pic credits: LJ Bike Shop]

  • Shifter : Shimano Deore SL-M610
  • Fd : Shimano Deore FD-M610
  • Rd : Shimano Deore RD-M610

Isa pa ito sa nakakapang akit dito sa Trinx X7. Deore na yung ibang pyesa. Yung shifters, fd, at rd lang naman. Magandang klaseng pyesa na ito, 10-speed at sa tingin ko dapat lang na ganito na yung nakalagay dahil sa SRP ng buong bike. Maganda ang performance nitong mga pyesa na ito.

Yung shifters, wala nga lang numbers na bawat shift positions di tulad sa mga lower-end na shifters. No issues naman na dun dahil pagtagal, makakabisado mo din yun.

  • Cassette : Shimano CS-HG50-10 11-36T

Yung cassette naman, 11-36t. Medyo malaki na din. Pero may room ka pa for upgrade sa mas malaki kung kailangan mo talaga since Deore naman na 10-speed yung RD na kasama dito. Naka 11-36t din ako, so far kaya pa naman kahit anong tindi ng ahon ang pagdaanan.

  • Chain : KMC Z10

KMC yung brand ng chain. Kulay silver.

[pic credits: LJ Bike Shop]

  • Brake : Shimano M315

Shimano non-series hydraulic brakes yung nakakabit dito sa X7. Okay na siya kahit non-series lang. Alaga na lang talaga sa brake levers kasi prone yun na kakalawangin sa M315 na model.

[pic credits: LJ Bike Shop]

  • Wheel Set : HJC Alloy Double Wall
  • Tyre : Maxxis Sphinx 26″*1.95″ 60TPI
  • Hub : Joytech Alloy Sealed Bearing

Yan yung specs na nakuha ko sa website ng Trinx. Pero yung specs ng Trinx X7 bikes na binebenta ngayon dito sa Pinas, iba. Novatec yung hubs tapos CST naman yung tires. Mas maganda sana yung Maxxis tires na e, pero mumurahin lang din naman yang Maxxis Sphinx na 26er tires. Not bad na din naman yung CST tires. Hindi masyadong aggressive yung knob profile, sakto lang sa long rides sa kalsada at tuyong off roads.

Yung Novatec hubs, okay na okay din. Naka quick release na at bolt-type na yung rotors. Sa rims naman, double wall na at alloy.

[pic credits: LJ Bike Shop]

  • Chainwheel : Prowheel 24/32/42T*170L

Ito yung isa sa kinagulat ko dito sa Trinx X7, itong Prowheel Ten na crank. Hindi pala siya ordinary na Prowheel crank lang. Pang 10-speed daw ito (di ko sigurado kung may bearing ba talaga yung kung ilan ang speed ng rear cogs pagdating sa crank), tatlo yung plato na 24/32/42 at 170mm naman yung haba ng crank arm. Napansin mo ba? Oo, hollow-tech siya at pag-check ko sa internet, may kamahalan pala kung bibili ka ng crank lang na ito. Kapresyo na ng Deore cranks. Pero yung pagiging hollow-tech nya talaga ang nagdala sa kanya, tignan nyo yung crank, may butas sa gitna, tagos yan hanggang sa kabilang side.

  • Pedal : Feimin Alloy
  • Saddle : Supra Sport
  • Handlebar : Trinx Alloy Flat

Yung ibang pyesa okay lang naman. Alloy yung pedals. Maganda yung saddle at seatpost. Flat yung handlebar, maganda ang porma, at alloy na din.

Verdict

Maganda ba ang Trinx X7?

Para sa akin, oo maganda na din naman siya. May konti ka lang na idadagdag sa budget mo kung ikukumpara mo sa Trinx X1, pero mas maganda yung pyesa kasi naka Deore na. Yun lang naman din yung diperensya nilang dalawa e. Kung sa tingin mo, worth it sayo yung dagdag na P3000 sa budget mo para sa Deore na shifters, fd, at rd, edi go with Trinx X7. Pero kung sa tingin mo ay mag uupgrade ka pa din naman in the future, go with the cheapest one kasi papalitan mo din naman yung mga pyesa e. Maganda yung frame at fork ng Trinx X-treme series. Kung pasok pa naman sa budget mo ang Trinx X7 at okay lang sa iyo  ang 26er na MTB, pwede na din ito, lalo kung hindi mo na iuupgrade at sa tingin mo, hindi mo na gagastusan pa in the future.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. renzemir02 January 7, 2018
    2. Kennedy Hipona January 7, 2018
      • Ian Albert January 10, 2018
    3. Paul January 7, 2018
    4. Paul January 7, 2018
      • Ian Albert January 10, 2018
    5. Lito January 8, 2018
      • Ian Albert January 10, 2018
    6. Renz Emir Pablo January 8, 2018
    7. RollyThePogi January 11, 2018
      • Ian Albert January 18, 2018
        • RollyThePogi January 19, 2018
          • Ian Albert January 21, 2018
    8. Alvin March 8, 2018
      • Ian Albert March 8, 2018
        • Alvin March 11, 2018
          • Ian Albert March 13, 2018
    9. Adrian Meru Sampiano Quiray March 14, 2018
      • Ian Albert March 16, 2018
    10. Jerick March 31, 2018
      • Ian Albert April 1, 2018
    11. Jerick March 31, 2018
      • Ian Albert April 1, 2018
        • Jerick April 1, 2018
          • Ian Albert April 11, 2018
    12. Angelo D. Bundalian April 6, 2018
      • Ian Albert April 11, 2018
    13. Maureen April 7, 2018
      • Ian Albert April 10, 2018
    14. Amaru June 24, 2018
      • Ian Albert June 24, 2018
        • Mark chester Galicia July 31, 2019
    15. rom rom July 13, 2018
      • Ian Albert July 13, 2018
    16. jon July 19, 2018
      • Ian Albert July 20, 2018
    17. jon July 19, 2018
    18. gian August 4, 2018
      • Ian Albert August 6, 2018
    19. gian August 4, 2018
      • Ian Albert August 6, 2018
    20. Ric edrian tuazon August 21, 2018
      • Ian Albert August 22, 2018
    21. Vince August 23, 2018
      • Ian Albert September 4, 2018
    22. Sam Luke Elauria October 20, 2018
      • Ian Albert October 24, 2018
    23. Alex November 21, 2018
      • Ian Albert November 24, 2018
    24. patrick December 17, 2018
    25. dave December 18, 2018
      • Ian Albert December 20, 2018
    26. Moi April 13, 2019
    27. Jeco Tauro May 5, 2019
    28. Lester June 29, 2019
    29. Quila July 22, 2019
    30. Mark chester Galicia July 31, 2019
    31. Mark chester Galicia July 31, 2019
    32. Oliver January 21, 2020

    Add Your Comment