Madami daming bagong bike na ilalabas si Trinx para sa ngayong taon na 2018. Isa na dito itong Trinx M610. Kaya pala wala ito sa website ng Trinx dahil isa itong limited release na dito lang sa Pilipinas nilabas.
Wala pa din akong masyadong info tungkol sa bike na ito, pero una ko itong nakita sa blog na ito.
Tignan muna natin ang specs ng Trinx M610.
Trinx M610 Specs
Model | Trinx M610 |
Brand | Trinx |
Type | XC |
SRP | P7,990-8,950 |
Sizes | 26er 27.5 29er |
Build | Alloy Special Tubes |
Fork | Suspension Fork |
Travel | 100mm |
Lock-out |
Shifter | LTWOO A3 |
Front Derailleur | LTWOO A3 |
Rear Derailleur | LTWOO A3 |
Cassette | 13-32T |
Chain | 8-speed chain |
Brake | X-Spark Hydraulic Disc Brakes |
Chainwheel | Prowheel 24/34/42T 170mm |
Rim | Alloy Double Wall |
Tire | Kenda 2.10 |
Trinx M610 Review
Maganda yung frame nitong Trinx M610. Alloy na. Hindi ko lang alam kung may mapagpipilian pa na frame sizes bukod sa size 16. Hindi ko pa din sure kung ano pa ba ang ibang mga colorways ng bike na ito.
Pero porma, para sa akin maganda na. Simple lang ang pagkakatira sa pintura. Matte pa ang dating.
Naka-internal cabling na din yung frame kaya mas maganda. Mas malinis tignan. Mas okay din yun kung ikukumpara mo sa mga mas naunang labas ni Trinx na bike na hindi pa nakainternal cabling.
Ang isa pang kagandahan nitong Trinx M610, meron Trinx M610 Elite na 27.5 variant, at meron ding Trinx M610 Quest na 29er variant naman. Yung plain Trinx M610, 26er naman yun. May choices ka na, depende sa preference mo na wheel size.
- Usapang MTB Wheel size – Ano ba mas maganda sa 26er, 27.5, at 29er?
Yung fork naman, pwede na din as stock fork galing kay Trinx. Magandang klase na din naman, may kabigatan nga lang pero okay na din kasi may lock-out.

Sa mga pyesa na nakakabit, LTWOO A3 ang nakalagay. Yun ang 3×8 speed na gear set ni LTWOO. Maganda na din naman yung LTWOO na pyesa, natesting ko na yan, same lang kasi yan sa Trinx C520 ng tropa ko.
- Bago ka bumili ng LTWOO: Lahat ng dapat mo malaman tungkol sa LTWOO


3×8 speed ang setup. Tatlo ang plato sa harap at 8 naman sa likod.
Prowheel yung brand ng crank, alloy na din yung crank arms. 3x ang setup, maganda na din.

13-32T naman ang sprocket na nakakabit. Sa hula ko, thread type pa ito. Kasi common naman na ganun kay Trinx na pag budget bike at nasa 7-8 speed lang, thread type pa din yung cogs.

Pwedeng pwede na din sa mga ahon yung cogs nito kasi 32T na yung pinaka malaki.
- Gusto mo ba mag upgrade ng sprocket? – Weapon Shuriken Cassette
X-spark yung brand ng hydraulic disc brakes. Naka hydraulic brakes na itong Trinx M610. Kagaya lang din ng Trinx C782 sa brakes, overall specs at pyesa. Wala pa ako experience sa preno na ito, pero tingin ko naman ay okay na din ito pang beginner. Iba nga lang daw ang pag bleed nito, kumpara sa Shimano hydraulic brakes.

Alloy at double wall na yung rim. Yung gulong naman, Kenda brand na na 2.10 ang lapad. Ayun nga, may ibat ibang wheel size itong Trinx M610. Trinx M610 Elite na 27.5 at Trinx M610 Quest na 29er.
Trinx M610 Price
Hindi ko sure kung ganito ang magiging price sa lahat, pero para magka idea lang tayo:
- Trinx M610 (26″) – P7,990
- Trinx M610 Elite (27.5″) – P8,500
- Trinx M610 Quest (29″) – P8,950
Verdict
Not bad na din sa presyo nya bilang budget bike.
Similar specs sa Trinx C782 talaga na naging mabenta din dahil isa na sa pinakamurang naka hydraulic brakes na pang beginner.
Mas maganda nga lang itong bagong labas na Trinx M610 dahil naka internal cabling na yung frame.
May wheel sizes na din na mapagpipilian, hindi na limited lang sa 27.5
Magkakaiba nga lang ng presyo sa ibat ibang variant ng wheel sizes.
Tingin ko maganda na din, pwede na, lalo na dun sa mga gusto magkaroon ng bike pero hindi naman masyadong malaki yung willing na gastusin. Kahit na mababa lang ang budget ay pwedeng pwede magkaroon ng magandang bike, sa wheel size na gusto nila, naka hydraulic brakes na at maganda pa iupgrade din sa future dahil okay na okay yung frame.
Good move ito ng Trinx, kung ako ang tatanungin.
[alert-note]Photo credits sa TheCyclelogist Blog[/alert-note]
Update:
Ito na pala yung mga colorways ng Trinx M610. Bet ko yung black na may accent ng pink. 😂 Maangas ang dating. Images grabbed from LJ Bikes.
Leave a Reply