Ang mura lang pala nitong Trinx C520.
Akala mo imbento lang e, wala kasi sa official listing sa website ni Trinx. Siguro ay hindi pa updated yung website. Mukha naman kasing legit kasi may print talaga ng model number na C520 sa batalya.
Subukan natin bigyan ng review itong Trinx C520.
Trinx C520 Specs
Alloy frame na itong Trinx C520. Hindi ko sure kung may mga sizes na pwedeng mapagpilian. Size 16 lang yung nakita ko. Pero madaming kulay na available para sa modelo na ito. Hindi pa naka-internal cabling, pero sa presyo nya hindi na natin pwede i-demand yun.
Yung fork, Trinx fork lang na may suspension. May lock-out na din. Siguro, katulad din ito ng forks ng Trinx M500 or ng Trinx M136. Okay na din, basic suspension fork at may lock-out na.
Sa groupset naman, Shimano Tourney parts na 3×8-speed ang setup. Maganda na kasi 8-speed na. Combo-shifter yung shifters kasi hindi pa siya naka-hydraulic brakes. Naka mechanical disc brakes land siya. Tourney yung front and rear derailleurs. Hindi ko alam kung anong ratio ng rear cogs. Prowheel yung brand ng crank, mukhang alloy naman na yung crank arm.
Sa wheelset naman, siguro ordinary thread type hubs lang din yung nakalagay. 27.5 ang size ng gulong nitong Trinx C520. Alloy naman na siguro yung rims. Kenda ang brand ng gulong, hindi lang natin alam ang lapad. Maganda na yun kasi hindi CST lang yung ginamit na tires e.
Yung ibang pyesa, matino din naman. Okay yung saddle at seatpost, quick release yung seat clamp, at may rise yung handlebar, plastic yung pedals.
Meron na palang Trinx C520 2018 version na medyo may pagkakaiba na sa 2017 version.
Ang sabi, neon na matte colors na yung 2018 models ng Trinx C520. Base din sa obserbasyon ko, hindi na Shimano ang components nitong 2018 models, LTWOO na. 3×8-speed pa din ang setup pero LTWOO na ang brand ng shifters, front, and rear derailleurs.
LTWOO A3 to be exact. Hindi ko sure kung mas maganda ba ito kesa sa Shimano Tourney, pero if it gets the job done without issues, then pwede na din.
Hindi ko alam kung bakit binago nila ang pyesang nakakabit dito. Pero sa nakikita ko, magkabukod na yung shifters sa brake levers, hindi na combo unlike sa 2017 na Shimano comboshifters.
Anong ikinaganda nun?
Well, kung nagbabalak ka mag-upgrade sa hydraulic brakes, no need ka na bumili ng shifters. Plus tipid points na yun sayo. So kung nagbabalak ka kumuha ng Trinx C520, I would suggest go for the 2018 model.
Trinx C520 Price
Ang pinakamurang price nitong Trinx C520 na nakita ko ay P6,700. Mura na para sa akin.
Verdict
Kung naghahanap ka ng budget 27.5 MTB, isa sa magandang choice na pwedeng i-consider itong Trinx C520. Mura, maganda ang pyesa, naka 3×8 speed na, alloy yung batalya at may lock-out na yung fork.
Halos konti lang ang diperensya sa Trinx M500, pero naka 27.5 ka na.
Ilang beses ko inulit ulit tignan ang bike na ito, at tinatanong sa sarili ko, “ang mura naman ng bike na ito, pero what’s the catch?”. Hindi ko ma pinpoint kung bakit ang mura nito, sa palagay ko panalo na din na choice itong Trinx C520 bilang low-budget MTB.
Kapag may magtatanong sa akin ng magandang budget MTB, ito na ang isa-suggest ko.
Leave a Reply