Sunpeed Rule MTB Review


Hindi bago sa akin ang brand na Sunpeed. Ang totoo nyan, meron kaming bike dito sa bahay na Sunpeed din ang tatak. Last year kasi nung naghahanap kami ng murang MTB na naka hydraulic brakes na, ito lang yung nahanap namin.

Ngayon naman, may nag-request sa atin na i-review ang Sunpeed Rule MTB na ito. Sa pagkakakita ko, halos di nagkakalayo sa presyo nung binili din namin na Sunpeed MTB last time. Mas mahal pa nga iyon, pero kasi ngayon mas nagmumura na yung built bikes na may mas magandang pyesa kung ikukumpara mo sa mga lumabas na bikes nung nakaraang taon.

Itong Sunpeed, hindi ko alam kung anong pinanggalingan nya. Kung Taiwan ba o China lang, malamang Chaiwanese. Walang website, at kung mapapansin nyo, parang ginaya nya lang ang Specialized na brand sa logo na naka imprenta sa bike. Sa letter “S” at sa font style na ginamit sa text na “Sunpeed”, diba parang sa Specialized lang.

Sunpeed Rule MTB

Nasa P12500 ang SRP niya. Sa iba nakita ko meron pa na nasa P12000 lang.

Pero tignan muna natin maiigi yung specs. Bale heto lang kasi yung available sa internet na specs e.

Sunpeed Rule MTB Specs:

Frame: Alloy

Okay siya kasi alloy yung batalya. Smooth weld din kung mapapansin nyo sa may bandang headtube. Internal cabling na din. 27.5 ang gulong ng MTB na ito. Hindi ko sure kung may ibang sizes pa ito.

Fork: Sunpeed Remote Lockout


Yung fork naman, Sunpeed na branded. Hindi ko sure kung rebrand ito ng Suntour fork. Malamang ay coil spring lang ito, hindi ko din alam kung steel ang material nitong fork o yung mas magaan ng konti na magnesium alloy. Ang maganda lang dito, may remote lock-out siya. Makikita mo lang yun sa mas mahal na fork. Hindi mo na kailangan abutin ang lock-out sa may fork dahil may remote na ito na malapit lang sa shifters mo. Nakakatulong ito kapag bumubulusok ka ng mabilis at kailangan mo buksan yung lock ng fork mo, di mo na kailangan bumitaw sa manibela para gawin yun. Minsan delikado pa kasi kung mag-iisang kamay ka habang bumubulusok baka biglang mawalan ka ng balanse.

Shifters: Shimano 9 speed Altus

9-speed na Shimano Altus yung shifter.

Front Derailleur: Shimano Altus

Rear Derailleur: Shimano Altus 9 Speed

Altus na din ang fd at rd.

Crankset: Prowheel

Yung crank naman ay Prowheel lang.

Bottom Bracket: Sealed

Sealed na daw ang bottom bracket.

Rims: double wall

Alloy na yung rim at double wall na din.

Tyres: Sunpeed 27.5

Yung tires naman, hindi masyadong aggressive. Pero sakto lang pang off road at pang sementadong kalsada na rides.

Naka hydraulic brakes na din pala itong Sunpeed Rule MTB. Shimano non-series hydro brakes ang gamit.

Verdict

Hindi na din masama sa presyong P12000, pero mas maganda sana kung mas matatawaran pa. Maganda naman ang pyesa na nakakabit sa MTB na ito. Maganda din ang porma. Sa pyesa at batalya, hindi ka na talo. Kung essential sayo ang remote lock-out na fork, pero medyo low budget, sakto na to. Hindi ko alam kung may ibang kulay pa ito, pero kung trip mo ang itsura nitong Sunpeed Rule, okay na din ito.

Image credits to Ryanbikes


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Chris Portana December 3, 2017
      • Ian Albert December 11, 2017
        • Kyle flanco September 4, 2018
    2. Alvin L December 14, 2017
    3. dienadel January 4, 2018
      • Ian Albert January 5, 2018
    4. Kim Carlo Jonson January 22, 2018
      • Ian Albert January 23, 2018
    5. POPOY January 28, 2018
      • Ian Albert February 1, 2018
    6. chite February 13, 2018
    7. Lance April 6, 2018
      • Ian Albert April 10, 2018
    8. Willie May 20, 2018
    9. Jed Reyes July 15, 2018
      • Ian Albert July 17, 2018
    10. tekboy August 5, 2018
      • Ian Albert August 6, 2018
    11. tekboy August 5, 2018
      • Ian Albert August 6, 2018
    12. tekboy August 5, 2018
      • Ian Albert August 6, 2018
        • Nathan December 5, 2019
      • mike soriano August 16, 2019
    13. albanyxx September 16, 2018
      • Ian Albert September 17, 2018
    14. Aldwin October 14, 2018
      • Ian Albert October 18, 2018
    15. Neji October 27, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    16. Genesis November 8, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    17. Aaron December 3, 2018
      • Ian Albert December 5, 2018
    18. Aaron December 3, 2018
    19. Joross December 23, 2018
    20. michael February 16, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    21. Tony February 21, 2019
    22. John shefran v. Patiño July 6, 2019

    Add Your Comment