Giant ATX Elite 1 2018 Review


Wala ako masyado post dito ng branded bikes. Karaniwan puro mga budget bikes lang talaga. Ang nasa isip ko kasi, kapag mga kilalang bikes na, may makikita na naman kayong reviews nito sa ibang sites kaya ang naging focus ko na lang ay yung mga local bikes dito sa atin.

Pero dahil mayroon din na nagrequest ng tagalog review natin sa Giant ATX Elite 1, heto at susubukan natin gawan ito ng review base sa mga specs na alam natin.

Isa sa mga big name brands ng bikes ang Giant. Wala pa akong experience sa Giant bikes, pero may tropa kami na naka Talon. Hindi ko lang maalala kung anong Giant Talon yun. Sa ngayon, itong Giant ATX Elite 1 muna ang susuriin natin ang specs.

Ang SRP pala nitong Giant ATX Elite 1 2018 sa Ryanbikes ay P23000. Siguro may discount pa. Hindi na siya budget MTB.

Giant ATX Elite 1 2018 Specs:

Colors: Gloss/Black/Green/Gray, Gloss/Black/Yellow/Blue

May dalawang kulay ka na mapagpipilian sa Giant ATX Elite 1 2018. Yan dalawang nasa picture na yan mismo. Pareho silang Glossy finish.

Frame: ALUXX-Grade Butted Aluminum

Matagal na sa industriya ng bikes itong Giant na brand. Kaya sa frames, assured ka sa quality at engineering process na pinagdaanan ng mga batalya ng bikes nila. Aluminum na syempre ang frame nitong Giant ATX Elite 1 2018, naka-internal cabling na din kaya maganda at malinis tignan.

Fork: SR Suntour XCT HLO 26/27.5″ , 100mm Travel

Mas maganda sana kung ginawang XCR man lang sana ang fork na nakalagay dito. May lock-out na din yung fork at Suntour na din naman. Mataas din yung travel na 100mm.

Handlebar: Giant Sports, 31.8mm


May rise yung handlebar at medyo wide.

Stem: GIANT Sport, TDS-D507A-8FOV

Seatpost: GIANT Sport, SP-2003, 30.9

Saddle: SR SUPRA 1208UPN

Selle Royal ang maker ng saddle.

Pedals: VP992S 9/16BRN

Alloy yung pedals na kasama.

Shifters: Shimano SL-M4000

Shimano Alivio na yung shifters. 3×9 ang gearing.

Front Derailleur: Shimano FDT4000

Alivio din yung FD.

Rear Derailleur: Shimano RD-M4000 ALIVIO 9S

Alivio na din yung RD.

Brakes: TEKTRO HDM290N

Brake Levers: TEKTRO HDM290N

Tektro Auriga yung brakeset. Ganito din yung brakeset ng Merida built bike na nabili ko. Hanggang ngayon ay okay pa din naman siya, nakalagay na sa iba kong bike, pero kaya ko pinalitan ito noon e palagi akong pinapahirapan mag align ng caliper tuwing magtatanggal-kabit ako ng gulong. Lagi nalang may sayad sa rotor. Maaring isolated case, pero as stock, good naman ang performance ng hydraulic brake na ito.

Cassette: Shimano CS-HG200 9-S

Di ko sigurado kung ilang teeth yung pinakamalaki ng cogs na andito sa bike na to. Yung sakin kasi, same cogs lang din pero 11-36. Medyo may advantage na yan sa matatarik at mahahabang ahon. May variants kasi na 11-32 at 11-34 pa yung cogs na ito.

Chain: KMC X9

Crankset: ProWheel FLINT-401 22T/32T/44T(STEEL)

Prowheel yung crank, mas okay sana kung Shimano Alivio na din.

Rims: GX28 27.5X32H/26x32H

Hubs: GDC-1020H GIANT LG

Giant yung hubs, cassette type na naman na siguro ito at bolt-type, with quick release.

Spokes: Stainless 14GX271

Tires: Giant K1137 27.5X2.1

Mukhang okay din ipang trail kahit itong stock tires lang ang nakalagay. May kalapadan sa 2.1 pero hindi super agressive na mukhang maganit sa sementadong kalsada.

Verdict

Kung trip mo yung kulay at na love at first sight ka sa colorways nitong Giant ATX Elite 1 2018, at kung may budget naman, why not diba? Pero may iba pang bikes dyan, even from other brands, na konti na lang idadagdag mo sa budget makakakuha ka pa ng may mas magandang pyesa. Gagastos na din naman para sa bike, edi sagadin mo na kung hanggang magkano kaya ng budget. Madami ka pang pwedeng pagpilian.

Advice: Subukan mo din tumingin pa sa ibang brands na may di nalalayong price point.

Image credits: Ryanbikes


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. deryl February 2, 2018
      • Ian Albert February 9, 2018
      • Onix February 9, 2018
        • Jonathan March 19, 2018
    2. Okshi April 11, 2018
      • Ian Albert April 13, 2018
    3. Mark gutierrez June 27, 2018
      • Ian Albert June 28, 2018
    4. Joemar santos July 25, 2018
      • Ian Albert July 25, 2018

    Add Your Comment