Hindi ko kabisado kapag mga full suspension MTB na ang pinaguusapan. XC lang kasi talaga ang discipline ko at hindi pa ako nakakasakay sa full sus na MTB. Pero may nagrequest sa akin na i-review ang RYDER HIGH JUMP 27.5 Full Suspension Mountain Bike, kaya susubukan ko pa din i-review ito base sa mga specs na available sa internet.
P12,500 na yata ang pinakamurang SRP na nakita ko dito. Kung merong mas mura sa iba, sabihin nyo lang sa comments. Kung may ganito kayong bike, paki-share na lang din sana ng experience nyo para mabasa pa ng iba. Edit: Naka-sale pala ito sa Ryanbikes ng P11,600 na cash price.
Ryder Full Sus High Jump 27.5 Specs:
Frame: 27.5 Full Suspension Special-Shaped Alloy Smooth Welding
27.5 ang gulong na kasya dito sa Ryder Full Sus High Jump. Meron din kasing 26er na version ito. Mas mura yun. Pero mas recommended ko ang 27.5 na size ng gulong. May size 15, 16, 17 yata ito, swak para sa ibat ibang height na 5′ pataas, base sa mga nakita ko na ads.
Full Suspension ang frame kaya may rear shock pa. Ito ang hindi ko kabisado, kung alin ang maganda o pwede na pagdating sa ganito. Mukha namang ordinary lang yung rear shock, spring type, wala siguro lock-out.
Alloy yung frame, hindi ko alam kung hanggang anong level ng pag abuso sa trail at taas ng mga talon ang kayang i-handle ng frame na ito.
Fork: Ryder Fork 100mm
Yung fork naman, basic lang. Walang lock-out. Siguro ang logic doon, hindi mo naman daw ila-lock ang fork kapag nagttrail ka na. 100mm ang travel kaya bagay sa ganitong frame.
Shifter: Shimano
Altus siguro ang shifter nito. Yung 3×8. Yun naman ang common na mura kasi.
FD: Shimano Tourney FD-TY500, RD: Shimano TZ RD
Buti naman at Shimano pa din ang FD at RD. Kahit na sabihin natin na mababang antas ng Shimano parts ang nakakabit, ang mahalaga ay Shimano pa din ang pyesa. Subok na at maasahan sa performance.
Cogs: Ryder Steel 13-32T
Bakal yung cogs, walang info sa hubs kaya baka thread type pa din ito na 8-speed. 13t na yung pinakamaliit na cogs medyo mababa sa high, pero hindi mo naman ikakarera ito. 32t ang pinakamalaki, useful para sa mga climbs sa trails.
Chain: KMC
KMC yung brand ng chain.
Hub: Ryder Alloy
Alloy yung hubs. Mukha namang quick-release at bolt-type. Hindi ko lang sure kung thread type nga ba talaga pero mataas ang chance na thread type hubs pa din ito.
Brakes: Shimano hydraulic Disc Brakes
Naka non-series Shimano hydraulic brakes ang nakakabit na brakeset. Dapat lang kasi kung mataas ang presyo ng MTB, dapat lang naka hydraulic brakes na. Mas maganda pa din pati syempre dahil pang-trail nga ang target na pag gamit sa bike na ito, kaya dapat lang hydro brakes talaga. Buti naman at hindi sila gumamit ng ibang brand ng brakes na substandard.
Rims: Ryder alloy double wall
Tires: Maxxis All terrain 27.5*1.95″
Maxxis Sphinx yung tires. Hindi sobrang aggressive ng knob profile para sa heavy trails, pero balanse pa din ng sakto lang sa light off-roads at sa paved na kalsada.
Crank: Shimano
Shimano na din yung 3x na crankset.
Ryder Sealed Bearing
Di ko sure kung headset ito, pero parang headset nga. Ayos to kung sealed bearing na agad yung headset. O baka bottom bracket na sealed ang tinutukoy dito.
Pedals: Alloy Sport
Seat: Ryder Sport
Handle bar: Ryder Hi-ten Steel Riser
Steel yung handlebar, dagdag bigat. Haha. Pero may rise, sakto lang sa porma ng downhill.
Quick release: front/rear tire/seat post
Yan lang. Hindi ko na alam yung iba. Nasa 14kg daw ang overall na bigat nitong bike na ito. Mas mabigat siya kumpara sa mga cross country MTB dahil may rear suspension pa siya.
Verdict
Kung full sus talaga ang trip mo at wala ka masyadong budget, hindi ko mairekomenda ng 100% itong Ryder Full Sus High Jump 27.5 na bike. Ang maipapayo ko, mag XC ka na lang. Pero kung ang MTB discipline talaga na nagpapasaya sayo ay ang pag shred ng trails at matataas na talon, mas mainam kung mag iinvest ka ng mas malaking budget para sa branded na full suspension MTB. Mas mahal nga, pero mas kumpiyansa ka naman sa performance at tibay.
Pero kung gusto mo talaga ng full sus na bike pero ito lang talaga yung pasok sa budget mo at hindi mo naman gagamitin ng pandurugan sa trails, e okay lang naman ito. Kanya kanyang trip lang yan.
Leave a Reply