Foxter FT-304 and Foxter FT-305 MTB Review

Pagsamahin ko na lang sa isang post itong review ng Foxter FT304 at Foxter FT305 ha. Tutal halos parehas lang naman sila. Hindi din nagkakalayo sa presyo. Sa review na ito, pagkumparahin na lang din natin sila. Susubukan nating suriin ang bawat pyesa ng dalawang MTB na ito base sa mga impormasyon na makakalap natin sa internet.

Foxter FT304 Review / Foxter FT305 Review

Foxter FT305 – pic credit: Ryanbikes
Foxter FT304 – pic credit: Bike Haus

Specs:

Frame: Alloy, 27.5

Alloy yung frame ng parehong FT304 at 305. Parehas lang din na 27.5 ang gulong na swak. Hindi ko lang sigurado kung may mapagpipilian na frame sizes.

Judging sa geometry ng frame, parang wala din masyado pagkakaiba sa frame ng ibang 27.5 Foxter MTB. Ang kinaiba sa ng FT-304 sa frame ng FT-301 ay yung sa may dulo ng seat stay malapit sa drop outs. Ito namang sa Ft-305, naka internal cabling na kaya mas maganda.

Fork: Suspension with lock-out

Foxter branded lang yung fork. Mukha naman na mataba yung stanchions. Parehas may lock-out. Hindi ko sigurado pero parang mas maganda yung fork na nasa FT-305, judging from the photos lang. Mas mahal siguro kasi kaya ganun.

Ito na yung the rest ng specs:

Foxter FT304

  • Shimano Hydraulic Brakes
  • Shimano 3×8 shifter
  • Prowheel crank
  • Foxter double wall wheelset
  • Foxter OS cockpit alloy
  • Shimano SIS FD
  • Shimano altus RD
  • Sealed bearing BB

Foxter FT305

  • 27.5 x 16 Alloy Frame
  • Shimano Hydro Brake
  • Acera RD
  • Acera RD
  • Acera 9 speed shifter
  • Shimano 9 speed Cogs
  • Prowheel Raid Crank
  • DHQ cassette hubs
  • Kenda Tires

Brakes: Parehas lang sila naka-hydraulic brakes. Shimano Non-series na kaya okay na okay na yun.

Drivetrain: 8-speed yung drive train ng Foxter FT304, samantalang 9-speed naman na yung sa FT305. Altus at Acera, mas mataas yung Acera sa mga groupsets ng Shimano, kasunod na ng Acera yung Alivio groupsets.

FD: Shimano SIS lang yung sa 304, yung sa 305 naman ay Acera na.

Crank: Parehas lang na Prowheel crank pero mukhang mas maganda yung crank na nasa FT305.

Hubs: Wala tayong info sa hubs ni FT-304, siguro ay thread type pa din ito kaya hindi na binabanggit pa sa mga listings. Yung sa FT-305 naman, DHQ cassette type hubs na. Mayroon akong bike na naka DHQ hubs, may mahinang tunog yung hubs kapag pinapafreewheel mo na hindi ka nakasakay pero pag nakasakay ka na, tahimik na. So far, wala pa naman nagiging issue yung hubs.

Tires: Kenda tires yung nasa FT305.

Verdict

Sa pricing nila, medyo may diperensya din. Nasa P12000 yung Foxter FT304 samantalang nasa P13500 naman yung FT305. Kung napadpad ka sa page na ito dahil pinagpipilian mo yung dalawa, walang duda na mas wais na choice yung FT305. Sa lahat ng aspeto, talo nito ang FT304. Sulit yung maliit na diperensya nila sa presyo na idadagdag mo.


Comments

14 responses to “Foxter FT-304 and Foxter FT-305 MTB Review”

  1. Mtb enthusiast Avatar
    Mtb enthusiast

    Pa review po nang trinx x7 plano ko po kasing bumili😊

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sure

  2. BikeEnthusiast Avatar
    BikeEnthusiast

    Hi po kuya ian. Maingay po ba yung DHQ cassette hubs

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Sa tingin ko, pwede na din. May ganyan kasi ako. Nakakabit sa isa kong bike. Mag isang taon na din siguro, pero hanggang ngayon wala pa namang issues.

  3. Sir yung ft 305 ba iba sa harvard..
    and yung ft 304 sa vision..
    pasensya na po mag kakamukha kasi..
    and any idea kung mag kano yung ft 305 or 304..
    plano ko buy sa sat…
    tnx.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      maski ako nalilito dyan kay foxter, sa tingin ko magkaiba sila na model pero tama ka halos magkakamukha nga.

  4. justine lorenzana Avatar
    justine lorenzana

    sir ano po bang mas maganda altus or acera

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Acera

  5. Jonard Avatar
    Jonard

    Question lng po Aloy na din po ba yung Frame ng FT304?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      alloy naman daw

  6. sir hello po baguhan lang po ako sa mga bike wala po ako alam sa parts ng mga bike
    ano po ba marerecomend nyu saakin?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      depende sa budget yan

  7. Kevin John Corpuz Avatar
    Kevin John Corpuz

    Hi po kuya ian bibili po ako sa saturday ano po mas maganda na foxter ??
    Maganda po ba yong ft 305??

  8. Kevin John Corpuz Avatar
    Kevin John Corpuz

    Hi po kuya ian bibili po ako sa saturday ano po mas maganda na foxter??
    Foxter 4.0 ba or ft 305??

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *