Kung nabasa mo yung review ko ng Trinx M136, at budget mo ay Php6,500 para pambili ng mountain bike, ipapayo ko na Trinx M500 na lang ang bilihin mo.Halos parehas lang naman ito ng Trinx M136 pero dahil nga yung presyo nila ay di naman nagkakalayo, minsan nga parehas lang din ng presyo sa mga bike shops pag itatanong mo edi yung M500 na lang ang kunin mo. Yun ay kung may stock, dahil madali itong maubos kasi nga sulit buy talaga sya sa price nya na P6,500.
Same lang din ng M136, Shimano parts, maganda ang built at geometry ng frame (parehas na parehas nga lang e), pero mas upgraded ito kumbaga.
Ang Trinx M500 ay 8-speed na, kumpara sa 7-speed ng M136. Ibig sabihin nito, may 8 ka na gear sa likod, nadagdagan yung pinakamalaking cog sa sprocket na laking tulong kapag matatarik na ahon o akyatan yung ride nyo.
Yun lang naman na yata yung pagkakaiba ng M500 sa M136 dahil parehas na din sila na merong lock-out yung fork. Yung lumang models kasi ng M136, wala pa nun dati.
Heto ang specs ng Trinx M500 2017 edition:
Trinx M500 2017 Specifications
- FRAME: 26″*15″/17″ Alloy Special-Shaped Tubes – Meron kang choice kung size 15 or size 17 ang frame na kukunin mo, nakadepende yan sa height mo. Kung 5’5″ ka or pababa, size 15 ang swak sayo. Kung 5’5″ pataas naman, size 17 dapat. Alloy yung frame at maganda yung build at geometry. Sa mga 2016 models wala pang choice ng 15″ na size ng frame.
- FORK: Trinx Hydraulic Steel Suspension, Travel:100mm – May lock-out din.
COMPONENTS
- PEDAL: Trinx Sport
- SADDLE: Trinx Sport
- HANDLEBAR: Trinx Flat – flat bar na may bar-end.
DRIVETRAIN
- SHIFTER: Shimano ST-EF500 – combo shifter din ito na magkasama yung brake lever at shifters. 3×8 ito.
- FD: FD-M20 – ito ay microShift front derailleur, maganda naman ang performance ng fd na ito dahil genuine microShift siya, hindi tulad ng ibang China bikes na pag tinanggal mo yung sticker na microShift, “Shimang” ang nakasulat.
(Bato bato sa langit.) - RD: Shimano RD-TY300 – Tourney rear derailleur ito, okay ang performance.
- CHAIN: Kmc – at least hindi generic na chain lang ang gamit na tumitigas yung links.
- BRAKE: Alloy Mechanical Disc – di pa ito hydraulic pero ok naman ang performance ng brake set nito, alaga lang sa pag maintain para iwas bengkong sa rotor (discs) at hindi tumigas yung lever.
WHEELS
- CASSETTE: Hi-Ten Steel 13-32T – thread type na sprocket, pero 8-speed na, may 32T na pinakamalaking cog pang-akyatan.
- RIM: Alloy Double Wall
- TYRE: CST 26″*1.95″ 27TPI
- CHAINWHEEL: Prowheel 22/32/42T*170L – ito pa pala ang isang naiba sa M136, mas maganda ang crank ng M500 dahil alloy na ito.
- HUB: Sealed Bearing
Trinx M500 2017 Colors
Tulad ng M136, bago na din yung color schems ng 2017 model ng M500. Ito yung mga kula ng M500 2017 model: Matt Black/Blue Yellow, Red/Black Grey, Matt Black/Grey Red, Matt Grey/Green Orange, Orange/Black Blue, White/Black Blue. Yung unang kulay na nabanggit sa bawat pares ng mga kulay ang mas dominant na kulay ng bike.
[alert-note]I-uupdate ko pa ang post na ito kapag mayroon pa akong maidadagdag tungkol sa review ng Trinx M500 2017.[/alert-note]
Leave a Reply