26er vs 27.5 vs 29er – Ano nga ba ang mas maganda?

Usapang MTB Wheel Size

Yan ang madalas na tanong ng mga nagbabalak bumili ng mountain bike. Madami din kasing mapagpipilian, kaya kung minsan, mahirap talaga mamili.

Sa video na ito, nai-share ko yung mga pagkakaiba-iba ng mga wheel size na ito sa mountain bikes.

Sana ay makatulong itong video na ito para makapag decide kayo kung ano ba ang magandang bilihin sa mga yan.

Heto yung ilan sa mga advantages ng bawat wheel size ng MTB:


  • 26er – pang all-around na, swak pang-beginner na di pa sanay sa bike.
  • 27.5 – sweet-spot para sa mga mahihilig lumaro sa trails, dahil mas responsive ang handling nito sa trails at hindi naman naiiwan sa patag.
  • 29er – swabe ipang-long ride, kahit hindi ka malakas sa padyakan, hindi ka maiiwan ng grupo dahil sa laki ng gulong nito.

Hindi pa yan yung lahat, dahil madami pang iba, panoodin nyo na lamang mga kapadyak dyan sa video.

Hanggang sa susunod na video, wag nyo kalimutan mag subscribe.

Anong gamit nyo na wheel size ngayon?

May request ba kayo na topic na gusto nyo gawan natin ng video?

I-post nyo lang sa comment section natin sa ibaba.

Ride safe mga kapadyak!


  •  
  •  
  •  
  •