LTWOO bike parts, nandito na yan sa Pilipinas. Rolled out na ang mga stocks nito sa madaming bike shops sa Pilipinas. Sa nakita ko, bike shops sa Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, at Manila, may mga stock na.
Pero bago ang lahat, ano ba yang LTWOO na yan?
LTWOO, ang pronounciation pala nyan ay L2 o “el-tu”, hindi pala “el-ti-wu”. Yun kasi ang akala ko dati.
Chinese brand ang LTWOO. Nagsimula ang LTWOO nung 2014 pa, dating SRAM engineer/R&D head for 20 years ang founder nito.
Ang sabi sa akin, sila yung nasa China na gumagawa para sa SRAM, pero kalaunan pinasara yung factory sa China. Kaya naisip na lang nila na gumawa ng sarili nilang bike components.
Ibig sabihin nyan, alam talaga ng LTWOO ang ginagawa nila. Kaya siguro pormang SRAM yung dating ng mga pyesa ng LTWOO, pero alam nyo ba na compatible ang mga pyesa ng LTWOO sa Shimano? Oo, compatible yan.
- Dating SRAM R&D head ang may-ari
- Sobrang mura – subsidized kasi ng China
- Astig ang porma
- Adaptable o compatible sa Shimano
Game na, isa-isahin na natin ang mga LTWOO parts na binebenta dito sa Pinas.
LTWOO Gear set
May limang model pa lang na available ngayon. Pang MTB pa lang ito, sa road bike, alam ko magkakaroon din. Pero sa ngayon, ito pa lang yung mga LTWOO model na available:
- LTWOO A3 – 8 speed
- LTWOO A5 – 9 speed
- LTWOO A7 – 10 speed
- LTWOO AX – 11 speed
- LTWOO AT1 – 11 speed
Hindi pa groupset ang tawag sa ngayon sa mga LTWOO parts, gear set pa lang dahil madami pang components na kulang. Sa ngayon, ang gear set, kasama dyan ang shifters, front derailleur, at rear derailleur.
Sa compatibility, kapag 1×1 o 1:1, yun ang compatible sa SRAM lang. Pero yung 2×1 o 2:1, yun naman ang compatible sa Shimano.
Yan kasi ang convention ng pagkakaiba ng SRAM at Shimano, ibig sabihin nun sa isang unit ng pagkabatak ng kable, isang unit ng galaw ng derailleur (sa 1:1 yon), o sa Shimano naman; sa dalawang unit ng pagkabatak ng kable, isang unit ng galaw ng derailleur (sa 2:1 yon).
Yun ang dahilan kung bakit hindi mo pwede pag mix and match ang Shimano at SRAM components.
Sa ngayon, ang mga rear derailleur ng LTWOO A3 at A5 ay 1:1 pa lang. Ibig sabihin, pwede mo lang siya magamit sa LTWOO na shifters, o sa SRAM. Wala pang available na adaptable sa Shimano, pero ang sabi sa akin, magkakaroon din in the future. Gagawing lahat, adaptable na sa Shimano components.
Pero yung shifters na LTWOO A3 at A5, pwede gamitin sa derailleurs ng Shimano. Ayos diba.
Kung tutuusin mas mura kasi yun sa Shimano, magandang choice na din kung galing ka sa stock na combo shifter ni Shimano at nagbabalak ka mag upgrade sa hydraulic brakes.
The rest ng LTWOO, yung A7 pataas, compatible na sa Shimano na pyesa.
Yung LTWOO A3, A5, at A7 lang ang pwede bilihin ng isang gear set. Tingin ko mas sulit na bilihin kung gearset price na.
Yung gearset ng LTWOO A7, compatible yun sa Shimano. Pwede mong gamitan ng Shimano Deore shifters yung RD ng LTWOO A7, o vice versa.
Kapag may nakalagay na SRAM compatible, ibig sabihin hindi pwede gamitin kasama ng Shimano. Makikita nyo sa baba.
LTWOO A3 – 8 speed

Ito yung 8-speed na pyesa ng LTWOO. Makikita natin ito ngayo sa mga bikes ng Trinx, tulad ng Trinx C520 (27.5) at Trinx M520 (29er).
LTWOO A3 shifter
- SRAM compatible
- Shimano compatible
- weight: 275g approx.
- 3×8 speed
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth_last]

[/one_fourth_last]
LTWOO A3 front derailleur
- Shimano compatible
- weight: 147g approx.
- Steel cage, Forged AL6061 Clamp
- Compatible with 42-32-22T chainwheel
- Clamp Diameter: 31.8 or 34.9mm

LTWOO A3 rear derailleur
- SRAM compatible
- weight: 286g approx.
- max 36T
- Shadow RD with slant design
36T daw max ang kaya na cogs nitong LTWOO A3 as stock, pero yung tropa ko naka 11-40T setup sa kanya. Di nga ako maniwala paano nya nagawa kasi sabi ng LTWOO sa akin, kailangan na ng extender kung gagamit ng cassette na bigger kaysa 36T.
[one_third]

[/one_third]
[one_third]

[/one_third]
[one_third_last]

[/one_third_last]
LTWOO A3 Gearset
- SRAM compatible
Sa ngayon, wala pa daw LTWOO A3 gear set na Shimano compatible dahil yung RD sa kasalukuyan ng LTWOO A3 ay pang SRAM lang. Pero, in the future magkakaroon din.
Kaya take note: Yung LTWOO A3 rear derailleur ay hindi pwedeng gamitin sa Shimano shifters, pero yung LTWOO A3 shifters ay pwede gamitin sa Shimano fd at rd.
LTWOO A5 – 9 speed

Ito naman yung pang 9-speed na LTWOO. May mga Trinx bikes na din na meron nitong LTWOO A5 na pyesa.
LTWOO A5 shifter
- SRAM compatible
- Shimano compatible
- 3×9 speed with indicator
- weight: 275g approx.
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth_last]

[/one_fourth_last]
LTWOO A5 front derailleur
- Shimano compatible
- Steel cage, Forged AL6061 Clamp
- 42-32-22T
- Clamp Diameter: 31.8 or 34.9mm
- Weight: 145 grams

LTWOO A5 rear derailleur
- SRAM compatible
- Max 36T – Buy Goatlink / Extender to adapt to 40T Cassette Sprocket
- Shadow RD with slant design
- Weight: 285 grams
[one_third]

[/one_third]
[one_third]

[/one_third]
[one_third_last]

[/one_third_last]
LTWOO A5 Gearset
- SRAM compatible
Ayun nga, tulad ng LTWOO A3, wala pang gearset na compatible sa Shimano itong LTWOO A5 dahil yung rear derailleurs nito ay pang SRAM pa lang. Pero sabi nga, magkakaroon din daw in the future.
Yung shifters nya, pwede mo i-pares sa Shimano mechs na pang 9-speed tulad ng Shimano Alivio RD and FD.
LTWOO A7 – 10 speed

Ito na yung pang 10-speed na LTWOO.
LTWOO A7 shifter
- Shift cable with hyper low-friction coating tech
- 3×10 speed
- Adaptable with Shimano
- Weight: 275 grams
[one_third]

[/one_third]
[one_third]

[/one_third]
[one_third_last]

[/one_third_last]
LTWOO A7 front derailleur
- Steel cage, Forged AL6061 Clamp
- 28-40T High Clamp, Dual Pull, Down Swing
- Clamp Diameter : 31.8 or 34.9mm
- Weight: 158 grams
[one_third]

[/one_third]
[one_third]

[/one_third]
[one_third_last]

[/one_third_last]
LTWOO A7 rear derailleur
- Mega sprocket 40T
- Shadow RD with slant design
- Weight: 288 grams
[one_third]

[/one_third]
[one_third]

[/one_third]
[one_third_last]

[/one_third_last]
LTWOO A7 right shifter

LTWOO A7 gearset (shifter, fd, rd)
Pagdating sa LTWOO A7, lahat compatible sa Shimano. Pwede ka bumili by piece o by gear set. Pwede ka din bumili ng right shifter lang, saktong sakto kung trip mo mag 1x na setup.
Swak ito ipares sa 10-speed na Shimano Deore.
LTWOO AX – 11 speed
LTWOO AX right shifter
- 11 Speed
- Right Shifter only for 1X Set up
- Makes precise and quick shifting performance
- Shift Cable with hyper low-friction coating technology
- Weight : 140 grams
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth_last]

[/one_fourth_last]
LTWOO AX rear derailleur
- 11 Speed RD
- Mega Sprocket 40T (Needs RD Extender / goatlink to match with 42T Cassette)
- Shadow RD with Slant Design
- Weight: Approximate 260 grams
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth]

[/one_fourth]
[one_fourth_last]

[/one_fourth_last]
Sa LTWOO AX, ito naman yung pang 11-speed. Dito, shifter at rear derailleur lang. Walang front mech, kasi pang buo ito kung 1x ang setup na gusto mo gawin.
Compatible din sa Shimano na ipares.
LTWOO AT1 – 11 speed
LTWOO AT1 right shifter
- 11 Speed
- Right Shifter only for 1X Set up
- Makes precise and quick shifting performance
- Shift Cable with hyper low-friction coating technology
- Weight : 139 grams

LTWOO AT1 rear derailleur
- Mega sprocket 40T (Needs an RD Extender / Goatlink to climb Bigger Cassette Sprocket)
- Shadow Rd with slant design
- Weight: 258 grams

Ito na yung pinaka high end sa ngayon ng LTWOO. SRAM ang porma, katulad ng sa high end din ng SRAM. RD at right shifter lang din ang pwede mo mabili.
Ang timbre sa akin, magkakaroon din ng 12-speed na setup itong LTWOO pero, matagal pa dahil under development pa.
Nakita ko din na meron na pala na LTWOO pang road setup, pero wala pa ito sa market natin dahil parang sinusubukan pa lang nila kung magiging mabenta nga itong LTWOO MTB components dito sa Pinas.
LTWOO Price
Ito ang price list ng LTWOO parts, naireference ko ito sa website ni stan13bike:
LTWOO A3
- SHIFTER: P550
- RD: P450
- GEAR SET: P1,150
LTWOO A5
- SHIFTER: P750
- RD: P600
- GEAR SET: P1,500
LTWOO A7
- SHIFTER: P1,100
- RIGHT SHIFTER: P700
- RD: P800
- GEAR SET: P2,400
LTWOO AX
- RIGHT SHIFTER: P880
- RD: P1,900
LTWOO AT1
- RIGHT SHIFTER: P1,150
- RD: P2,200
Sobrang mura na nga nitong LTWOO parts kung ikukumpara mo sa presyo ngayon ng Shimano. Hinanap ko ang presyo ng Shimano (FD, RD, at shifter) at naikumpara ko sa LTWOO:
9-speed setup
- Shimano Alivio: P2,950
- LTWOO A5: P1,500
- Difference: P1,450
10-speed setup
- Shimano Deore: P4,950
- LTWOO A7: P2,400
- Difference: P2,550
11-speed setup
- Shimano SLX: P4,000
- LTWOO AX: P2,780
- Difference: P1,220
11-speed setup
- Shimano XT: P5,600
- LTWOO AT1: P3,350
- Difference: P2,250
Swak na swak talaga ang LTWOO para sa mga kapadyak na gusto makatipid o yung may mga low-budget lang na pang gastos sa upgrade ng bike components nila.
Ang napansin ko kasi, dahil monopolized lang din ng current brands ng bike drivetrain components ang market na ito, kaya kahit magtaas sila ng presyo ay okay lang binibili pa din dahil wala namang ibang choice tayong mga kapadyak.
Pero ngayon na nandito na si LTWOO, tignan lang natin kung magawa pa nila na lalo pang magtaas ng presyo.
Matibay ba?
Hindi mawawala ang tanong na yan. Yan naman talaga din sa huli ang isa sa mga magiging decision point sa pag adopt ng bagong product tulad nito.
Iniisip natin kung sulit nga ba na nakamura tayo, pero baka mamaya masira o bumigay din agad, lalo pa tayo napagastos.
May tiwala ako dito sa LTWOO, nakita ko ang vision nila na gusto nilang mangyari. At dahil nga SRAM R&D head ang may-ari nito, kampante ako sa quality nito.
Hindi lang yan, may warranty ang LTWOO parts. Bawat isa, na bibilihin mo, may product code na ginagamit para sa warranty. 1-year warranty pa, kung may factory defect, papalitan yan, kung bumigay, masira ng basta basta, may warranty na bahala dyan.
Masasabi mong, sulit na, may warranty e, tapos mura pa.
LTWOO Review
Meron ako ditong LTWOO A7 na gear set. Isasalpak ko ito sa Merida MTB ko na ngayon ay naka 9-speed na Alivio setup.
Susubukan ko gamitin sa mga rides namin at gagawan ko ng review, abangan nyo dito sa site at sa Youtube channel.
Sabi ko dati, kung gagamit ako ng LTWOO part o bike na may LTWOO part, gusto ko sana yung kulay black lang na para hindi halata na LTWOO agad siya sa unang tingin pa lang.
Pero nung makilala ko ang LTWOO, kulay blue yung pinili ko; para terno sa bike ko, at para na din kita agad ng ibang tao na naka LTWOO components ang gamit ko na bike.
I am also looking forward na yung ibang series din ay magawan ko ng review, kaya stay tuned lang mga kapadyak.
Kung may tanong kayo tungkol dito sa LTWOO parts, i-post nyo lang sa comment section. Susubukan natin sagutin yan.
Para sa updates tungkol sa LTWOO components, follow LTWOO Philippines on facebook.
Kung gusto mo malaman kung saan nakakabili ng LTWOO parts, visit this link:
Leave a Reply