Single Speed Foxter FT-301+


Nakatanggap ako ng e-mail mula sa kapadyak natin na si PJ. Nai-share nya sa akin ang setup na ginawa nya sa kanyang Foxter FT301+ na mountain bike. Yung FT-301+ (may plus) ay 29er version ng 27.5 na FT-301.

Astig at napaka angas ng setup kaya hindi pwedeng hindi ko ito i-share dito sa site.

Malinis at minimalistic, sa totoo lang naiisip ko din gumawa ng ganitong setup ng bike. May naka-ready na nga akong rigid fork, buti at nakakuha pa ng karagdagan na idea. Salamat PJ sa pag-share mo nito.

Heto ang kwento ng bike ni PJ:


Hi Ian,

heres some story.

Cheers.

Coming from a BMX and fixie background, I always wanted a simple-reliable-cheap(?) everyday bike that can ride to work which is just 4km away.

Mabagal narin traffic dito sa UPLB kaya bumuo ako ng single speed(SS) na meron konti angas dahil 29er. hehehe

Nanawa na ako sa matigtig sa kamay na fixie – at limited lang on-roads kaya binenta ko na. Eto pwede ko dalhin sa local gravel trail 5km away – IPB/Tranca sa UP Los Baños / Bay.

Second SS bike ko na eto, yung isa pang akyatan lang low speed gearing 32:18T. Send ko nalang photo and spec next time.

via via PJ Sinohin


Hindi ako fan ng superman wide bars, hehe, kaya gamit ko ay narrow bars at bar end grips. Hindi naman mahirap ipidal, sa simula lang, kapag naka-bwelo na madali na.

Meron ako SS chain tensioner pero sinubukan ko muna ang lucky gearing combinations at ayun – naka-tsamba! 42:18T

Hanggang 18T cog lang advisable sa single speed para hindi agad mapudpod at iwas daplos.

Specs:

  • Frame: Foxter 29er ft301+
  • Controls: Cube rigid aluminun fork, Trinx steel narrow handlebars, La bici 17 degree 80mm stem (other photos trinx stem)
  • Wheelset: Sava built bike wheelset cassette 32H, Panaracer comet hardpack folding tires 29×2.1
  • Drivetrain: Shimano hollowtech II deore 3x crank,  42T (removed 32T & 22T), 18T rear cog from 8-speed cassette, cog spacers from SS kit
  • Brakes: shimano non-series

Accumulated parts and others sourced from Laguna Bike Tiangge and Bike Tiangge Laguna FB groups.

All second hand parts except 160mm brake rotors (Lazada), 8-speed chain and headset from local bike shop (LBS).

Plano ko din gumamit ng 700x38c tires para mas magaan.

via PJ Sinohin

Gusto mo din ba i-share ang bike setup mo? I-send mo lang sa e-mail ko ang mga pictures ng bike mo, specs nito, at ang kwento ng bike mo.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. rolan deligero May 21, 2018
      • Ian Albert May 21, 2018
      • pj sinohin July 4, 2018
        • kenneth dumaual September 26, 2018
    2. Yon Royong June 10, 2018
      • Ian Albert June 10, 2018
      • pj sinohin July 4, 2018
    3. noydi July 7, 2018
      • pj sinohin July 10, 2018
        • Khal_Liddo July 25, 2018
          • pj sinohin August 6, 2018
    4. Vito September 12, 2018
    5. serv2me February 20, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    6. Howee amante April 20, 2019
    7. Ashbery aquino July 11, 2020

    Add Your Comment