Isa sa bagong player ng bike components itong Weapon brand. Sa ngayon, meron pa lang sila ng cassette at rims. Sa post na ito, iisa-isahin natin yung mga available na Weapon Shuriken cassette na pwede na natin mabili ngayon.
Shuriken ang tawag nila sa mga cassette nila, kasi mukha nga naman na shuriken ang mga cogs at fitting nga din kasi Weapon ang brand name nila.
Sa ngayon, ito pa lang ang mga available ng Weapon Shuriken cassettes.
Weapon Shuriken 8-speed 11-36T
- SRP: P500
- nickel plating
- 11-13-15-18-21-24-30-36T
- 338 grams
Weapon Shuriken 9-speed 11-40T
- SRP: P750 (black and silver) / P950 (gold)
- nickel plated
- 11-13-15-18-21-24-28-34-40T
- 448 grams
Weapon Shuriken 10-speed 11-42T
- SRP: P900 (black and silver), P1,250 (gold)
- nickel plated
- 11-13-15-18-21-24-28-32-36-42T
- 520 grams
Weapon Shuriken 11-speed 11-42T
- SRP: P1,300 (silver) / P1,600 (gold)
- nickel plated
- 11-13-15-17-19-21-24-28-32-36-42T
- 550 grams
Hindi ko alam kung bakit mas mahal ang kulay gold. Pero parang it has something to do sa pag treat nung material para maging gold. May ganito akong cogs, yung gold din na Weapon Shuriken, hindi ko pa nga lang nagagamit ng pang matagalan para magka alaman kung kukupas din ba yung pagka-gold nito.
Ang gumagawa daw ng Weapon Shuriken cassette ay gumagawa din ng mga pyesa sa sasakyan tulad ng Toyota, Mitsubishi, Honda, Nissan, pati na Panasonic. Automobile quality tested, ika nga yung precision sa pagkakagawa ng cassette ng Weapon Shuriken dahil sa materials at technology na ginamit dito. Yun ang isa sa pinagmamalaki ng Weapon Bike components.
May warranty din ang mga Weapon Bike components. Itong Shuriken cassette ay may warranty hanggang 1-year from date of purchase. Para sa akin, isa itong selling point ng Weapon Shuriken cassette kasi yung ibang mga murang cassette din na mabibili natin from other less-known brands ay wala naman warranty.
Kahit papaano ay makakampante ka na hindi panandaliang gamit lang ang bibilihin mo dahil may pinanghahawakan ka na 1-year warranty.
Upon initial testing, swabe naman, paired with an LTWOO A7 gear set. Okay din yung talon ng bawat cogs. Hindi ko pa nasusubukan i-ride ng matindihan pero feeling ko naman hindi ako bibiguin nito. Ang sarap pala talaga titigan kapag malaki ang cassette.
Medyo limited pa nga lang sa options ng range ng cassette itong line up ni Weapon. Sana ay magkaroon din ng mas mataas pa na range tulad ng 11-46T, at eventually 11-50T. Para sa akin, pwede na, mas mura kaysa sa mas kilalang brands, at kung ikukumpara mo naman sa iba pang hindi sikat na brand ng cassette sprocket, mas maganda ito dahil may warranty pa.
Available na ang Weapon Shuriken cassette sa mga bike shops. Sa stan13bike ako nagbase ng SRP para sa post na ito.
Visit this link para sa list ng mga dealers ng Weapon Shuriken cassette:
Leave a Reply