Tunog mayaman.
Yan ang madalas na mababasa o madidinig natin sa mga ibang bikers.
Yan kasi yung term na tumutukoy doon sa tunog ng hubs kapag nag freewheel na tayo sa bike.
Para magkaroon ng tunog yung pag freewheel, nasa hubs yun e. Kung tunog mayaman ba yung hubs.
Saan nga ba nagsiula yun, hindi ko din alam, pero sa tingin ko kasi dati yung mga hubs lang na mahal ang may ganyan na mga tunog tunog. E ngayon, nagkalat na ang mga hubs na hindi na din naman sobrang mahal, medyo abot kaya na din ng karamihan sa mga bikers.
Meron akong contact sa bagong hubs brand na lalabas sa market natin dito sa Pinas. Sa tingin ko, June start na mag roll-out ito sa mga paborito nating bike shops.
SOLON ang brand name ng hubs na ito. Matagal na din sa industriya ng pag gawa ng hubs si SOLON.
Hindi ko pa man nasusubukan, medyo may tiwala na din ako dito sa brand na ito kasi matagal na sila e at alam mo na legit na nag eexist ang company nila as bike hubs maker.
Sabi sa akin, special project ang Solon Salvo at Solon Sonic hubs para sa PH market. Ito ang mga details na nakalap ko tungkol sa hubs na ito:
Solon Sonic Hubs
- 2 Front / 2 Rear Sealed Bearings
- 32 Holes
- Bolt Type
- 3 Pawls
- estimated retail price P1150-P1250
Ito yung budget-friendly na hubs. Mas mura pa kung tutuusin sa Shimano hubs. Sealed bearing na din kaya maganda. Bolt-type pa kaya di mo na need magpalit ng rotors kung naka-stock setup ka pa. 3 pawls na din kaya may tunog na kahit na “tunog may kaya” lang. Hanggang 10-speed lang ito e, di ko lang sure.
Solon Salvo Hubs
- 2 Front / 4 Rear Sealed Bearings
- 32 holes
- Bolt Type
- 6 Pawls
- Light Weight
- Solon Hubs with 1 Year Warranty
- estimated retail price : P2350-P2500
Ito naman yung medyo mas high-end na variant ng Solon hubs na lalabas sa market natin. Sealed bearing na din kaya okay na okay. Bolt type din pero ito naman, 6 pawls na. Mas maganda ang tunog pag 6 pawls na e, tunog mayaman na talaga ito.
Halos same price lang din ng mga 4 pawls na hubs sa market natin mula sa ibang brands e, pero sa tingin ko ang magiging pinaka main selling point nitong Solon Salvo hubs ay yung warranty nya na wala sa mga hubs na mabibili natin sa bangketa o sa bike shops na may halos same price din. Compatible ang hubs na ito hanggang 11-speed.
Ipapatesting daw ito sa akin kaya pwede natin magawan ng actual review at video na din.
Kung nagbabalak ka bumili ng hubs, dahil maguupgrade ka o magpapalit ka ng wheelset, suggestion ko sayo: abangan mo lumabas at maging available itong Solon hubs.
Kung ako din kasi ang tatanungin at alam ko na may Solon hubs ako na pwedeng idagdag sa mga hubs na mapagpipilian, sa dami ba naman ng hubs brand na pwedeng mabili at di nagkakalayo ang price, edi dito na ako sa may warranty. May garantiya ka pa na hindi sayang pera kung sakaling magkaproblema yung hubs kasi nga, may warranty naman.
Kung ikaw din ang hubs manufacturer at seller, kung may lakas ka ng loob magbigay ng warranty, ibig sabihin lang nyan, tiwala ka sa kalidad ng hubs na ibebenta mo.
Anong kulay kaya ng Solon hubs yung bagay sa bike ko, tingin nyo kaya mas maganda kung kulay blue na din? 🙂
Update:
Saan nakakabili ng Solon hubs?
Meron na tayong list ng mga dealers ng Solon hubs:
Leave a Reply