May bagong Foxter MTB na naman na lumabas, itong Foxter Powell 1.0. Mas maganda ba siya sa Foxter FT301? Parehas silang 27.5 na budget MTB pero, subukan natin na tignang mabuti ang bawat specs nitong Foxter Powell 1.0.
Magkano na ba ang Foxter FT301 ngayon? Hindi ko sigurado kung mas nagmura pa ngayon ang Foxter FT301 pero nung huli ko na kita sa mga ads sa facebook, pumapatak na lang ito sa P7000 hanggang 7500.
Itong Foxter Powell 1.0 naman, nasa P7900 siya sa Ryanbikes, at P7500 naman sa LJ Bike Shop.
Parang ganun din, hindi din pala nagkakalayo ang presyo. Ngayon, tignan naman natin ang specs nito.
Foxter Powell 1.0 Specs:
Frame: Foxter Alloy
27.5 na MTB itong Foxter Powell 1.0. Alloy na yung frame niya. Medyo iba ng porma sa FT301, at yung nagdudugtong sa seat stay at chain stay, na malapit sa drop outs, iba na din ang style kumpara sa FT301.
Wala tayong impormasyon kung may sizes pa ito o isang size lang ang available. Overall, maganda din naman ang porma ng bike, ayos din yung mga iba pang kulay na mapagpipilian.
Fork: Foxter w/ lockout alloy/Stanchon steel
Hindi Suntour ang fork, Foxter na branded, steel daw ang stanchions, expect mo na na medyo may kabigatan yung fork pero sa ganyang setup ay okay lang yan dahil budget MTB naman yan. Sa tingin ko sa stanchions ng fork, medyo mataba siya kaya parang mas magandang klase ang pagkakagawa kumpara sa ibang suspension forks na mumurahin.
May lock-out na din yung fork, kaya pwede mo i-lock ang suspension lalo na kung may ahon.
Headset: Neco
Neco daw yung brand ng headset, okay na din atleast branded yung headset. Pero sa tingin ko, hindi pa ito sealed bearing na headset. Ito yung headset na may cone spacer e, bale yung cover ng headset, pa-cone ang sukat na naging spacer na din. Kaya kung nagbabalak na na i-slam yung stem mo, o itodo ng pagka negative, kailangan mo magpalit pa ng headset dahil dito o bumili ng headset cover, pero mas maganda pa din bumili na lang ng ibang headset na sealed bearing na din. Pero as stock, goods na yan, yan din kasi headset na nakakabit sa Sunpeed MTB ng kapatid ko, more than 1-year na din, nakasabak na sa madaming trails, no issue pa din.
Handle Bar: Foxter Alloy 680MM
Straight ang handlebar, na may haba na 680mm. Medyo maiksi ito sa nakasanayan ko, pero sakto lang ang haba nito para sa bago pa lang magsisimula na mag MTB. Maganda naman kasi alloy na din. Wala nga lang kasama na bar end grips na kagaya sa Trinx. Pero maganda ang porma pag straight ang handlebar, XC talaga ang datingan ng setup.
Stem: Foxter Alloy 80MM
Alloy na din yung stem na may 80mm na sukat. Parang may angle pa ito, naka positive sya sa stock na setup pero pwede mo pa din i-negative kung ganun ang trip mo.
Shifters: Shimano Rapidfire 8 speed
8-speed na Tourney combo shifters ang nakakabit dito. Hindi ko sigurado kung mas maganda ba ito isa iba pang style ng combo-shifter ng Shimano. Pero sa tingin ko, wala namang issue dito, sa experience ko sa mga combo shifters, okay na din naman ang performance nila sa shifting at sa braking.
Pero kung nagbabalak ka magupgrade sa hydraulic brakes, dahil hindi pa naka-hydraulic itong Powell 1.0, kailangan mo palitan ang shifters na ito.
Front Derailleur: Shimano Tourney / Rear Derailleur: Shimano Tourney 8 speed
Matic na sa budget bikes, kung Shimano Tourney ang nakakabit, panalo na sakin yun. Maganda din naman kasi performance. Mas kampante pa ako kahit na pinakamababa ng Shimano kesa kung ibang mumurahing pyesa ang nakakabit na fd at rd.
Crankset: Foxter Triple Steel
Yung crank naman, Foxter branded ulit. Kagaya lang yata ng sa FT301. Steel daw.
Bottom Bracket: Axle Sealed Bearing
Sealed bearing daw yung bottom bracket. Isa ito kasi sa madalas unang umiingay sa bike lalo kung hindi maganda ang bottom bracket, madali kasi itong pasukin ng dumi. Pero kung sealed bearing na, mas kampante ka na di basta basta lalangitngit yan.
Rims: Foxter double wall
Alloy na yung rims, wala naman kaso ito. Kahit ako generic alloy rims lang din gamit ko. Hindi naman ako sensitibo masyado sa timbang ng bike, double-wall na din kaya mas maganda kumpara kung single wall lang.
Tyres: CST Jet 27.5
CST naman yung tires. Hindi masyadong aggressive ang knob patterns nito pero kaya pa din sa light trails at mga off roads. Magaan din ipadyak sa sementadong kalsada na. Palitan mo na lang kapag napudpod na.
Hub: Foxter Front and Rear Alloy w/ Quick Release
Alloy na daw yung hubs, may quick release na din. Bolt type ito panigurado. Hindi ko lang sigurado kung threaded type pa din yung hubs, pero malamang oo.
Freewheel: ATA 8-Speed
Wala ako makitang info sa ATA na 8-speed cogs. Di ko tuloy alam kung ilang teeth ang pinakamalaki nito. Sana 11-32t man lang ang configuration ng cogs nito para di masyado makunat i-ahon.
Disc Brake: Alloy
Disc brake alloy daw, di ko alam kung yung calipers ito o yung mismong rotor. Hindi pa hydraulic brakes ito, pero pwede na din mapagtyagaan ang mechanical brakes habang wala pang budget sa hydraulic brakes.
Chain: Maya 8 Speed
Maya ang brand ng chain. Hindi ko alam kung wala itong issue kagaya ng sa stock chain ng FT301. Wala pa din kasi ako nakikita masyado users nitong Powell sa social media.
Seatpost: With Pillar Alloy 27.2 / Seatclamp: Quick Release Alloy
Alloy yung mga parts kaya ok na din.
Saddle: Foxter Selle Royale (Original)
Yung saddle naman Selle Royale daw na original. Maganda ito pero may kamahalan itong saddle na ito kumpara sa mga generic na saddle. Nakakapagtaka dahil ito ang saddle na nakakabit dito sa P7k budget MTB na ito, kasi sa mga Trinx MTB, nakikita ko lang ang Selle na saddle sa mga bikes nila na lagpas P10k ang SRP.
Cable: Jagwire (Original)
Yung cable naman daw, Jagwire na orig. Hindi ko sure kung totoo, may nabibili naman kasi na Jagwire cable set na mas mura pero sure ako na di yun authentic. Mahal din kasi ang cable set na Jagwire, pero kung orig nga, aba sulit to.
Verdict
Hindi ko pa din talaga mawari ang pagkakaiba ng Powell sa FT301. Halos parehas lang naman sila. Pero baka nga mas naiimprove ang Powell. Kung may kaunting diperensya sa presyo silang dalawa, sa palagay ko ay sulit na din naman kung Powell 1.0 ang pipiliin dahil sa mga maliit na upgrades nito kumpara sa FT301.
Pero sa presyo ng Powell 1.0, makakabili ka na din ng Trinx C290, 27.5 din pero nakahydraulic brakes na. I-consider mo din yun kung wala ka pang balak gumastos pa pero gusto mo ng naka hydraulic brakes na.
Pero kung Foxter FT301 at Powell 1.0 ang pinagpipilian mo, hindi na masamang choice ang Powell 1.0. Tignan mo lahat ng kulay ng Foxter Powell 1.0, kung nakikita mo ang sarili mo na sinasakyan ang MTB na yun, go na sa Powell 1.0
[alert-note]Photo credits sa Ryanbikes at sa LJ Bike Shop[/alert-note]
Leave a Reply