Kung budget bike pa din ang hanap pero ayaw mo ng 26er na size ng gulong tulad ng Trinx M500, eto na yata yung pinaka mura na may okay na pyesa, ang Foxter FT301 27.5 mountain bike.
Wala pa akong experience sa Foxter na bike pero pansin na pansin talagaย na paglabas nito ay pumatok agad ito sa karamihan. Ultimo yung facebook group ng Foxter ay umabot na sa halos 17,000 members ngayon habang sinusulat ko ito. Hindi nga lahat ng myembro may Foxter na bike pero pinapakita lang nito na madaming may interes sa bike na ito.
Susubukan ko bigyan ng review ang bike na ito base sa components nito at base na din sa mga feedback ng mga bikers na meron nitong bike na ito.
Foxter FT301 Price
Iba’t ibang price ang nakikita ko sa Foxter FT301. Pinakamura na yung P7,200 ko nakita, meron pang P7,500 na sa tingin ko ay makatarungan pa din. Kaya lang, dahil siguro alam na madaming demand, meron pang ibang bike shop na ang presyo nya ay halos P8,000 na, may nakita pa nga ako umabot pa ng P10,000 ang benta, grabe lang.
Kung makakita ka ng shop na P7,000-7,5000 ang bigay sa Foxter FT301 at may stock sila, swerte ka, dun ka kumuha.
Foxter FT301 Specifications, Parts and Components
- Frame: Alloy – alloy na yung frame, mas okay kesa steel. Mukhang maganda naman yung geometry at build nya. Wala pa ako nabalitaan na nasiraan ng frame. Catchyย din yung design sa frame at iba pang kulay ng bike na ito.
- Fork: Foxter – merong lock out, mas okay kesa sa walang lock out dahil automatic yan na mas mataas ang quality kesa sa walang lock-out na fork na may mas manipis na tubes na ginamit sa stanchions.
- Shifters: Shimano Rapidfire 8 speed – 8-speed na yung shifter, 3×8, Shimano pa. Combo shifter din ito na magkasama yung brake levers at yung shifters. Okay na okay dahil mas madali ipang-ahon ito kumpara sa 7-speed lang na bikes.
- Front Derailleur: Shimano Tourney – basta Shimano na FD kahit tourney lang okay yan kesa kung hindi pa Shimano.
- Rear Derailleur: Shimano Tourney 8 speed – same lang with the RD.
- Crankset: Foxter – sariling branding, I guess generic crankset lang na bakal pa siguro.
- Bottom Bracket: Sealed
- Rims: Foxter double wall
- Tyres: Viper 27. 5 – hindi ko alam kung Viper na brand ng MTB din yung Viper na tires nito. 27.5 ang gulong ng FT301, mas malaki kumpara sa 26er ng konti, mas maliit sa 29er. Balance in-between sa madaling gamitin lalo sa trails kumpara sa 29ers at mas mataas na distance travelled kada ikot ng gulong na kung saan pwede nating sabihin na mas matulin kumpara sa 26ers.
Foxter FT301 Pictures
Foxter FT301 Issues
May issue nga lang angย Foxter FT301 na MTB ayon sa mga users nito.
- Chain – Tumitigas daw yung isang link ng chain. Hindi ko alam kung kulang lang siguro sa lube o ganon talaga yung sakit ng chain ng bike na to. Pinapalitan lang nila ng IG-51 na Shimano 8-speed chain, problem solved na. P200 yung ganon na chain.
So far yan pa lang yung issue na nakita ko based sa feedbacks ng Foxter users from facebook groups.
[alert-note]Creditsย sa RyanBikes sa pictures ng Foxter FT301. P7,500 lang sa kanila ang bike na ito pero good luck kung may stock, mabilis kasi maubos. Siya nga pala, hindi ito sponsored post ng RyanBikes.[/alert-note]
Leave a Reply