Trinx B700

27.5, Altus parts, 9-speed, maganda ang frame at fork

Isa sa mga naging patok na choice ng budget mountain bikes itong Trinx B700. Hindi man siya pasok sa budget na P10k pababa, pero sa may budget na P15k pababa, isa ito sa magandang choice na din na MTB.

Lagi ko itong recommended sa mga nagtatanong na may ganyang budget.

Nakita ko din ang bike na ito ng personal. Namangha ako sa ganda at angas ng dating nito. Kahit hindi sobrang high-end ng mga pyesa na nakalagay sa kanya, which is understandable naman dahil sa price point nya, yung batalya at fork kasi sulit na sulit na.

Pwede na pang matagalan ang bike na ito, mas lalong gaganda pa kung iuupgrade mo ang mga pyesa sa future. Kumbaga, hindi sayang ang upgrade na gagawin kasi nga, maganda nga ang frame.

Pumunta ako sa CPC Mega Bike Zone at binigyan nila ako ng chance na suriin ang display model nila na Trinx B700.

Air-type na daw ang fork nitong Trinx B700. Kahit made by Trinx lang yung fork, medyo maganda na din naman ang quality nun dahil gumagawa naman talaga si Trinx ng bike forks.

Mas maganda ang air fork kung ikukumpara mo sa coil-spring type na suspension forks. Mas magaan at mas maganda ang laro. Mas ramdam mo ang galaw ng suspension.

Iba din ang porma nitong fork ng B700, nasa likod yung arch. Sa pagkakaalam ko, aesthetics lang ito, ganito din ang style ng mga fork sa Manitou brand. May kulay yung stanchions na tulad ng sa porma ng Fox forks. Pansinin din, pero complementing din naman sa overall colorway ng B700.

May rubber na nagsisilbing travel indicator, para madali mo malaman kung hanggang saan ba lumalaro yung fork.

Overall porma ng frame, maganda para sa akin kung ako ang tatanungin. Parang ganito na din yung sa mga high-end frames ng mga mas malalaking brands. Di na nalalayo. Maganda din yung naisip na style sa paint job, matt black tapos accents na lang ng kulay. Simple lang pero maangas ang dating.

Nung nakita ko ito ng personal at nahimas, napa wow na lang din talaga ako. Di ko akalain na pwede pala magkaroon ng ganitong kagandang bike sa murang halaga. Yung porma ng tubings, yung style ng welding, overall, isa lang masasabi ko: maganda.

Maganda din yung porma ng drop out. Hindi mukhang bibigay basta basta.

Naka hydraulic disc brakes na itong Trinx B700.

Joy ang brand ng skewers na quick release.

May bosses para sa rear rack o di kaya naman full-length fenders na din.

Novatech ang brand ng hubs, sa harap at sa likod. Quick release ito at bolt-type na. Cassette type na din ito. May kaunting tunog pag nag freewheel, pero hindi naman kalakasan. Pang matagalan mo na din itong hubs na ito, dahil kilalang kilala na ang Novatech brand pagdating sa hubs.

11-32T ang range ng cassette, sapat na ito para sa rektahan sa patag at sa swabeng ahunan. Pero dahil cassette type naman na ang hubs ng Trinx B700, madali mo din naman ito mauupgrade kung gusto mo magpalit ng cassette sprocket na may mas malaking range, kung nabibitin ka lang sa ahon gamit ang 32T.

Pero kahit hindi mo na palitan yan, lalaban na yan.

Shimano Altus yung rear derailleur. Pang 9-speed. Ganyan naman talaga ang common na setup, pag naging 9-speed na ang budget bike, Altus na ang nakakabit sa kanya.

Kahit na medyo low-tier itong Altus, okay pa din naman ang performance nito.

Altus din ang front derailleur.


Shimano na yung crank, hindi basta Prowheel lang. Para sa akin, kahit na hindi masyado ramdam ang kaibahan nun, mas okay na Shimano yung crank. Alloy na din ang crank arms nito.

Malaki pa nga ang highs ng crank nito, 44T kasi yung pinakamalaking plato.

Ang ganda talaga ng design ng batalya, ultimo mga maliit na details, binigyan ng atensyon.

Quick release na yung seat clamp. Makikita nyo din dito, may bosses sya para sa mounting ng rear rack o carriers.

Yung style ng  seatpost din, magandang klase na din.

Kahi saddle e, maganda para sa akin. Hindi basta basta.

Yung cable routing din sa Trinx B700, maganda ang pagkaka design.

Yung head tube nya mukhang tapered, pero di ko lang kumpirmado kung totoong tapered nga kasi hindi ko na pinabaklas yung fork sa head tube para suriin. Pero kung tapered nga na totoo, lalong mas maganda.

Internal cabling, malinis at mapormang tingnan. Sa downtube na dumadaan yung mga kable ng shifters, papunta sa ilalim ng downtube malapit sa may bottom bracket shell.

Yung steerer tube, medyo mahaba pa kaya may option ka pa kung gusto mo pa bawasan para sa mas aggressive na riding style o hayaan mo na lang para sa mas kumportable at upright na position sa bike.

Ganun din ang stem, saktong haba lang at may angle din na pwede mo i-negative kung nais mo ang ganung setup.

3×9 speed ang setup nitong Trinx B700. May lock-on yung grips kaya mas magandang klase na din.

Naka Shimano na hydraulic brakes itong B700. Kahit non-series lang, ito pa din ang isa sa mga pinaka okay na hydraulic brakes para sa akin.

Syempre may reflectors pa din na kasama sa bike. Nasa sayo naman yun kung tatanggalin mo para sa mas simple at pogi na porma sa bike. Straigh yung handlebar nya, pormang XC talaga.

Size 16 lang yata ang size nitong Trinx B700.

15kg naman ang net weight nitong Trinx B700 bike, hindi ko nasubukang timbangin pero yun ang nakasulat sa tag nya.

Kung ako ang tatanungin, at hindi pa ako nakakabili ng bike, palag na ako dito sa Trinx B700 talaga.

Sa ngayon, medyo mahirap na makahanap ng Trinx B700 na model dahil hindi na ito itutuloy ni Trinx sa mga 2018 models ng bike lineup na ilalabas nila.

Sayang lang, ang ganda pa naman. Pero tingin ko, maglalabas din si Trinx ng katumbas nitong Trinx B700 sa 2018 product lineup nila.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Rio May 28, 2018
      • Ian Albert May 29, 2018
        • jake niere January 2, 2019
          • Ian Albert January 23, 2019
    2. Paniki May 31, 2018
    3. Francis June 1, 2018
      • Ian Albert June 1, 2018
    4. Kim Coliat June 2, 2018
      • Ian Albert June 7, 2018
    5. JV June 2, 2018
      • Ian Albert June 7, 2018
    6. Elloy Isaac June 7, 2018
      • Ian Albert June 7, 2018
    7. Amaru June 7, 2018
      • Ian Albert June 7, 2018
    8. Kim Coliat June 12, 2018
      • Ian Albert June 13, 2018
        • Kim Coliat June 13, 2018
          • Ian Albert June 13, 2018
    9. Ian cusipag June 28, 2018
      • Ian Albert June 28, 2018
    10. Jexter July 3, 2018
    11. Gamz July 17, 2018
    12. Gamz July 17, 2018
    13. Kim July 22, 2018
      • Ian Albert July 24, 2018
    14. Ferdinand ilagan July 29, 2018
      • Ian Albert July 30, 2018
    15. Don-don September 12, 2018
      • Ian Albert September 17, 2018
    16. martpogi September 27, 2018
    17. joshua ajalon December 2, 2018
      • Ian Albert December 5, 2018
    18. jake niere January 2, 2019
    19. jake niere January 2, 2019
    20. Niel April 27, 2019
    21. Ezekiel August 28, 2019
    22. Yves August 29, 2019
    23. Agzar July 13, 2020

    Add Your Comment