Madalas ko makita ang tanong na ito.
Karaniwan, mga 26er na MTB, gusto naman nila gumamit ng mas malaking tire sizes.
Ang issue kasi dyan, maaring hindi na magkasya sa clearance ng frame yung mas malaking gulong kasi designed lang talaga siya sa 26er na wheel size.
Pero pwede naman talaga gumamit ng mas malaking size ng gulong kahit sa 26er na MTB. Pwede nga kahit 29er pa, pero dapat lang manipis yung gulong para hindi mawalan ng tire clearance sa frame.
Nitong nakaraan lang, may nakita akong nag-post sa facebook, confirming na pwede talaga lagyan ng 27.5 na tires ang 26er frame.
Kahit pala 2.35 na lapad ng 27.5 tires, pwede pa din sa 26er frame. Akala ko kasi dati hanggang 1.95 lang na lapad para sure na di sasayad, pero may proof na tayo na kahit 2.35 kasya pa din.
Trinx M136 yung mountain bike nya, 26er yun. Schwalbe Nobby Nic pa ang gamit na na tires, medyo makapal yun kasi trail tires yun e. Hindi ko lang kita kung gaano pa kaliit ang natitirang clearance sa may chainstay.
Kung ganitong setup kasi ang gagawin mo, maaring hindi mo na pwedeng ipang trail lalo na kung putikan yung trail dahil sobrang liit na ng clearance para sa putik na maaring maipon sa may chainstay dahil sa pagkapit nito sa tires.
Pero kung pure roads ang gagawin mong rides, pwedeng pwede mo naman gawin itong setup na ito, 27.5 o 29er tires sa 26er frame.
Siguro naiisip ito ng mga bumili ng budget MTB tulad ng mga Trinx M116, Trinx M136, or Trinx M500 owners. Pati yung mga naka Trinx X1, pansin ko naiisip din na gawin ang ganitong setup.
Kung balak mo magpalit ng wheelsize, coming from 26er, ito yung mga dapat mo i-cosider:
- Fork – sa fork medyo alanganin pa, di ko sure kung gaano na lang yung clearance. Pero kung magpapalit ka ng fork na 27.5 or 29er or rigid fork no issue na yan.
Ito naman yung mga kailangan mo palitan:
- Tires and tubes – syempre bibili ka ng bagong tires at interior.
- Rims and spokes – kailangan mo din bumili ng bagong pares ng rim at mga spokes depende sa size ng tires.
Yung stock hubs, pwede naman na yun.
So ayan na, ang sagot ay: pwedeng pwede ka gumamit ng 29er o 27.5 na wheel size sa 26er na MTB frame.
Iuupdate ko pa ang post na ito kapag may nakalap pa akong additional na info regarding this topic. Subukan ko din mag experiment tutal may mga Majestic MTB naman sa amin na 26er din. Balak ko gawan ng video kaya abang nalang kayo dito sa youtube channel ng UnliAhon.
*update
Ito yung clearance sa may chain stay:
27.5 x 1.95 ang tires na ginamit dito. Trinx M136 yung frame.
Heto naman yung clearance sa may fork.
Medyo malaki pa din pala. 26er yung fork na yan, at 2.35 yung lapad ng 27.5 tires na nakakabit dyan.
Ito naman Trinx M186. 26er din yung frame. Maxxis Ardent Race na 27.5×2.2. Ayon kay kapadyak na Paul John, kaya pa hanggang 2.2 pero kung 2.3 daw na Maxxis parang sayad na. Naka 26er din siya na Manitou fork, kasya din dun ang 27.5 na tires.
Leave a Reply