Itong Trinx Majestic M116 at M114 ang pinakamura sa Majestic series ng mountain bikes ni Trinx. Halos kagaya lang sila ng Trinx Striker K014 at K016.
Trinx M116 Specs
FRAME
- FRAME: 26″ Alloy Special-Shaped Tubes
- FORK: Trinx Steel Suspension Travel:100mm
Ang pinaka-kaibahan lang nila ay yung frame material, alloy na kasi ang batalya nitong M114 at M116 pero ganun pa din ang mga pyesa.
Sa M116 at M114, size ng gulong lang nila ang pagkakaiba. Ang M114 ay may size 24 na gulong, sa M116 naman yung 26er na gulong.
Same lang sila ng pyesa. Naging mas magaan itong M116 at M114 dahil alloy na yung frame kumpara sa steel na batalya.
Yung M114, dahil size 24 ang gulong nya, sakto sya na pang bata na mountain bike.
Parehas may fork na suspension, pero bakal din at ordinary lang ito.
COMPONENTS
- PEDAL: Natty Sport
- SADDLE: Trinx Sport
- HANDLEBAR: Trinx Flat
DRIVETRAIN
- SHIFTER: Shimano ST-EF41
- FD: Trinx FD-QD35
- RD: Trinx RD-HG18A
- CHAIN: Hi-Ten Steel
- BRAKE: Alloy Mechanical Disc
Shimano na yung shifters. 3×7 ang gearings na nakakabit sa bikes na ito.
Yung RD at FD naman ay Sunrun pa din. Hindi pa Shimano, para siguro mapanatili yung mababang presyo nya.
Naka-disc brake na parehas yung M116 at M114.
WHEELS
- CASSETTE: Hi-Ten Steel 14-28T
- RIM: Trinx Alloy Double Wall
- TYRE: CST 26″*1.95″ 27TPI
- CHAINWHEEL: 24/34/42T*170L
- HUB: Trinx
Trinx M116 Price
P5100 ang SRP ng Trinx M116. Yung M114, wala akong makuhang impormasyon sa presyo nito siguro dahil hindi ganun ka-popular dito sa Pinas.
Mura na itong MTB na ito, pero kung nagbabalak ka sumama sa tropa at makapag-bike kung saan saan kada weekends pero limited lang ang budget mo para sa bike; mag dagdag ka na lang ng konti para makakuha ka ng Trinx M136 o di kaya ay Trinx M500.
Konti na lang kasi yung diperensya nila sa presyo pero sulit yung mga nabagong pyesa kumpara sa stock nitong Trinx M116.
Available ang Trinx M116 sa mga kulay na: Black/Grey Red;Grey/Black Green;White/Black Blue;White/Black Red;Blue/Black Red;Orange/Blue.
Leave a Reply