My Ave Maldea Cyclocross


Last February kami nagpagawa ng frames kay mang Ave. CX o Cyclocross. Nakuha na namin at napapinturahan na din. Ngayon, buo na siya.

Bilang isang MTB rider sa loob ng lampas isang taon, bago at exciting na feeling ito para sa akin. Cyclocross ang pinagawa ko dahil gusto ko ng naka-disc brake at pormang naka-roadie. Hindi ko naman hanap ang sobrang gaan na bike kaya sakto talaga itong build na ito para sa bago kong bike. Isa pa yung pwede ko siya gamitin sa rides kasama ang mga tropa ko na naka MTB.

Nagresearch ako at kumuha ng ideas mula sa iba pang users ng Ave Maldea CX. Pinilit kong hindi masyadong gumastos sa mamahaling pyesa para sa build na ito maliban sa groupset niya.


Groupset

Pinag-isipan ko ito kung ano yung groupset na sa tingin ko hindi ko na hahangadin iupgrade, at sa Shimano 105 groupset ko nahanap yung sweetspot na balanse sa price at performance. Hindi siya mura pero dahil naisip ko na konti na lang idadagdag ko sa Tiagra na groupset kaya ito na lang din ang pinag-ipunan ko.

Nung bumili kami ng groupset, pinili ko yung may pinakamababang gearing. 50-34T sa crankset. Hindi naman ako malakas sa ahunan kaya kung alin yung crank na may pinakamaliit na chainring na pang-ahon ang naging preference ko. Dahil sa MTB, gamit na gamit sa akin yung 22T ng triple chainring ko, at kung minsan ay nauubusan pa ako sa 36T kaya ayun.


Sa cogs naman 11-speed na 11-32T, yan na ang may pinakamalaking climbing gear sa groupset na ito. Pwede daw gumamit ng XT cogs na 11-40T na di na kakailanganin pa ng roadlink dahil sa mahabang rd hanger ng Maldea CX frame. Pero yan na muna 11-32T, susubukan ko muna ahunin yung mga inaahon namin sa MTB dati.

Hindi na namin pinasama yung brake calipers ng 105 dahil nga disc brake yung gagamitin namin, para mas bumaba na din yung price ng groupset. Pero sa tingin ko mas makakamura pa din kung ikaw na lang ang magbebenta ng calipers, kaya lang ay medyo hassle para sa akin yun dahil sa probinsiya ako na katira.

Wheelset

Ang pinaka naging challenge sa build na ito ay ang paghahanap ng hubs na kakasya ang 11-speed sprocket ng road bike. Di kasi kasya sa iba kahit na pwede siya sa 11-speed na MTB sprocket. Ang clearance ng frame namin ay sukat para sa MTB hubs. Buti ay nakahanap kami ng mumurahing hub na kahit hindi popular ay pinatos na namin dahil doon lang nagkasya yung sprocket ng 11-32T 11-speed 105.

Ang rim ay ordinary 29er rims lang din na sakto sa holes ng hubs, mumurahin lang din, imitation at hindi branded.

Balak ko talaga na gulong ay Continental Cyclocross Speed na 700x35c. Kaya lang wala akong nabilhan ng folding. Nagsettle na lang ako sa Gatorskin na 28c, pang road bike ito kaya ang naging setup ng Maldea CX ko ngayon ay disc roadie. Pero kasya dito sa frameset hanggang 38c, medyo may malaki pang clearance habang 28c ang nakalagay. Hindi ko nga lang magagamit pang trail muna, pero madali naman magpalit ng tires and tubes in the future.

Nakakapanibago pala ang ganito, lalo pa pag nasanay ka sa matabang gulong ng MTB at suspension fork nito.

Disc Brake

Shimano mechanical disc caliper lang ang ginamit namin, okay naman at compatible siya sa STI. Walang naging issue. Maganda din pala itong Shimano mechanical disc caliper dahil madaling i-adjust hindi tulad ng mga generic/stock calipers na nakikita sa ibang budget bikes. Nakakapanibago nga lang uli dahil sa kakaibang posisyon ng brake levers ng STI at nasanay ako sa hydraulic brakes ng MTB.


Tapos yung ibang piyesa, kung ano na lang yung makuha. Tatakbo na yan.

Hindi ko pa ito nagagamit ipang-trail pero naninibago pa din ako sa bagong feeling ng pag gamit ng ganitong klaseng bike kumpara sa mountain bike.

I-uupdate ko pa ang post na ito kapag meron akong maidadagdag.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Karl November 2, 2017
      • Ian Albert November 3, 2017
        • kristian April 14, 2018
          • Ian Albert April 24, 2018
    2. Andro November 17, 2017
      • Ian Albert November 18, 2017
    3. jogiel December 3, 2017
      • Ian Albert December 11, 2017
    4. G December 7, 2017
      • Ian Albert December 11, 2017
    5. Chino December 14, 2017
      • Ian Albert December 18, 2017
        • Poopsiclekadudong April 20, 2018
          • Ian Albert April 24, 2018
    6. Newbie Rider January 9, 2018
      • Ian Albert January 10, 2018
    7. Ferdz February 17, 2018
      • Ian Albert February 19, 2018
        • Ferdz March 1, 2018
    8. Lester Boncay April 8, 2018
      • Ian Albert April 10, 2018
    9. Richard April 12, 2018
      • Ian Albert April 13, 2018
    10. Poopsiclekadudong April 23, 2018
      • Ian Albert April 24, 2018
    11. kairos molo May 25, 2018
      • Ian Albert May 25, 2018
    12. Marvin August 16, 2018
      • Ian Albert August 19, 2018
    13. Mervin August 20, 2018
      • Ian Albert August 20, 2018
    14. Jomari Aragones November 14, 2018
      • Ian Albert November 20, 2018
    15. Reindel December 13, 2018
      • Ian Albert December 20, 2018
    16. Robert February 18, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    17. Robert February 18, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    18. Chris March 25, 2019
    19. C.D March 25, 2019
    20. Troy balila April 3, 2019
    21. Louie April 11, 2019
    22. nolan parinas December 16, 2019

    Add Your Comment