A Visit to Ave Maldea

Dati ko pa naririnig yung pangalang Maldea. Si mang Ave Maldea ay kilalang gumagawa ng batalya (frame) ng bike noon pa. Sikat siya lalo sa mga gumagamit ng fixie dahil sabi nila mas maganda ang steel (bakal) na batalya sa ganitong klaseng bike. Gumagawa din siya ng iba pang klase ng bike frame tulad ng road bike, cyclocross at touring bikes. Nagkaron ako ng interes magpagawa sa kanya ng frame, at nitong nakaraan nga ay naisipan na namin bumisita.

Sa may Cainta, Rizal nakatira si mang Ave at nandoon din ang workshop nya. Madali lang naman pala mapuntahan yung lugar. Dun sa may Savemore, malapit na don yung Parola, ipagtanong lang kung saan yung daan, walking distance lang pala. Makikita mo sa kaliwa yung Les Jay Bldg., dun yung bahay nila at sa katapat nito ay yung workshop na ni mang Ave.

Mainit ang pagtanggap nila sa amin. Hindi suplado ang mga tao na nandoon, inalok pa kami ng tubig.

Hinayaan lang kaming tumingin tingin sa mga batalyang nakabalandra doon. Kahit na may ginagawa sila ay itinigil muna nila para i-entertain kami.

 

Bukod sa pag-gawa ng custom frame, nag aayos din pala si mang Ave basta gawa sa bakal (steel) ang frame.

Malalaman mo talaga na alam na alam ni mang Ave ang bawat pasikot sikot sa bike dahil lahat ng itatanong mo sa kanya ay alam niya. Kung may nais ka ipagawa, o request sa batalya na oorderin mo, gagawin niya at papayuhan ka niya. Pwede din pala magpagaya ng geometry ng bike sa kanya.

Pero kami, cyclocross frameset lang ang hanap namin. Ang sinabi ko ay straight na top-tube. Sinukatan kami at binigay na ang lahat ng detalye na gusto ipadagdag (tulad ng rack mounts, design ng fork). Nag-iwan ng downpayment, at sinabihan kaming after 3-months pa maaring makuha.

 

Ayos lang kahit matagal makuha, madami din kasing nakapilang ginagawa. Isang batalya sa isang araw lang pala ang kaya niyang gawin. Kahit na matagal, sigurado naman sa kalidad ng pagkakagawa. Pabor na din dahil makakapag-ipon pa pambayad ng frameset, at pambili ng iba pang pyesa para mabuo ang  “dream bike” na gusto.

Sabi ni mang Ave, magtataas na daw sila ng presyuhan dahil nagmahal daw ang presyo ng tubings (materyales) na binibili nya sa Tryon. Pero dahil daw nakabili na sya bago pa magmahal, old price pa din ang naibigay niya sa amin.

Excited na ako mabuo ang bago kong bike. Ipopost ko din dito sa blog ko na ito ang tungkol doon sa future cyclocross bike ko na: steel frame, gawang Ave Maldea, hand-built, at higit sa lahat ay gawang Pinoy.

[alert-note]Ito ay re-blog lamang mula sa isa ko pang blog na hindi ko naman nauupdate. Inilipat ko na lang dito dahil ngayong as of June 2017, nakuha na din namin yung frame, sa wakas.[/alert-note]


Comments

14 responses to “A Visit to Ave Maldea”

  1. Hello. Yung size ng frame na fit sayo, dapat ikaw ang may dala or pwede ka magpasukat dun?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pagpunta mo kay mang Ave para mag pagawa, susukatan ka doon. yung height mo, stand over clearance, etc..

  2. kairos Avatar
    kairos

    magkano ung initial down?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      samin noon 2k lang, pero naifollow up agad namin para makabuo kami ng kalahati ng price para sa down.

  3. kahit po aero na road bike kaya po? Salamat Sir 🙂

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      meron na nakapag pagawa nyan, aero yung geometry, pero syempre hindi naman fully aeore yung bike dahil bilog pa din ang tubings na gagamitin dyan

  4. sir ian good day po ask ko lang kung bukas po sila ng sabado,

    salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      yes

  5. Boss ian, magkano bayad mo sa batalya mo?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      7500

  6. Teresito P. Quizon Avatar
    Teresito P. Quizon

    Hi Sir Ian Albert,
    Meron po ako track bike na gawa ni Sir Maldea, at gusto ko siya ”bare metal” ,, wala po siya pintura,, ano po ginagamit niyo para hindi siya kalawangin? Salamat po Sir.

  7. Pwede ba magpagawa ng mini velo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *