My First Ave Maldea Bike Frame

Or frames. Dalawa kasi yung pinagawa kong frame kay Mang Ave, isang cyclocross frame at isang triple triangle na fixed gear frame.

Finally, nakuha na din namin yung cyclocross frame and fork na pinagawa namin kay Mang Ave last February.

Apat kaming nagpagawa. Almost 4 months din yung waiting time.

Sobrang gaan lang pala nya. Hindi mo maiisip na hi-ten steel frame sya. Wala kaming pang-kilo kaya di ko pa masabi eksakto kung ano ang bigat nya.

Hindi ako masyado nakapag-picture dahil sobrang excited lang.


Silipin muna natin yung CX frame namin.

Ave Maldea Cyclocross Frame & Fork

Hi-tensile steel lang ang tubing nito. Medyo mahal na kasi para sa budget namin kung chromoly pa. Kasi kapresyo na ng isang gawa ng buong frameset na hi-ten steel ang tubings pa lang na chromoly kumporme pa sa variant ng chromoly, mas mamahal pa.

Cyclocross pala ang pinagawa namin dahil MTB ang dinadala ng grupo namin at gusto din namin maexperience naman ang naka dropbar. Hindi naman makikipagkarera na dapat magaan ang bike tulad ng sa road bikes, tapos madalas pa puro rough terrain ang lakad ng grupo kaya sweet spot talaga ang CX para sa new bike na gusto. Sakto pa, sabi daw mas maganda ang dampening ng steel frame kumpara sa aluminum kaya nagpagawa na kami ng Maldea CX frame. Disc brake na din ito.

Straight Top Tube at straight fork ang porma ng CX frame set na ito. Bawat isa sa amin ay sinukatan ni Mang Ave nung magpagawa kami kaya ibat iba din ng size yung frame namin.

Smooth welds

Kita nyo naman yung kulay gold na brazing, smooth welds talaga pag hand-made frame. Napakaganda. Oversized ang head tube nito, pang 1 1/8 na fork at headset.

Bosses

Nagpalagay na din kami ng boss para sa rear rack dahil plano din naming gawing touring-bike ito. Lalagyan namin ng rack sa likod at some time in the future makapag-bike packing din kami. 27.2mm ang seat post na ginagamit sa mga Maldea frames.

Dalawa na din yung bottle cage boss na nandito sa frame, isa sa down tube at yung isa sa seat tube.

Paragon Disc Dropout

Paragon daw ang tawag sa drop out na ito. Sabi ni Mang Ave, may extra bayad daw ito pero dahil daw madami kami ay ilibre na lang daw niya. Swerte, ang ganda kasi ng ganitong dropout. Dito pa lang, di mo masasabing ordinary steel bike frame lang siya.

Ang isa pang maganda sa mga Maldea frames, yung rear derailleur hanger nya ay medyo mahaba daw kaya di mo na kailangan ng extender (gaya ng goatlink/roadlink) kung sakali gustuhin mo gumamit ng mga cogs na may malalaking biggest plate (tulad ng 11-42t cogs).

Ready na din para sa rack at fender ang frame namin.

Maldea CX Fork

Yung fork naman namin, ay classic look. Straight para no issue sa disc brake. Pwede din na hindi ka magpagawa ng fork basta dala mo lang or alam mo yung sukat nito para maitama ni Mang Ave yung geometry ng bike (kung sakaling gusto mo ng straight TT or sloping ng -3deg, ganun).

May mga butas butas yung frame at fork sa bawat tubing. Hindi ko naitanong kung para saan ba ito pero may nabasa ako dati na para hindi daw ma-stock ang tubig sa loob ng frame kung sakali mang pasukin ito.


Yung fixie frame naman.

Ave Maldea Triple Triangle Fixed Gear Frame

Hindi naman talaga ako fixed gear rider pero dahil curious ako, at gusto ko maexperience mag fixed gear kahit dito dito lang sa street namin; nagpagawa na din ako ng fixie frame.

Triple triangle ang pinagawa ko na style para maiba naman, isa pa wala pa ako nakikitang naka triple-tri sa lugar namin. Alam mo na agad na custom made yung frame basta makita mo pa lang na triple triangle sya.

Sinabi ko lang triple triangle na fixed gear. Mas mahal ito ng kaunti kesa sa normal na style. Oversized na din ang head tube. Mas mabigat sya ng kaunti kumpara sa CX frame ko. Sa palagay ko dahil yun sa mas mataba na tubings na ginamit especially sa down tube.

Yung drop outs, ordinary lang na horizontal drop outs.

[alert-note]Gagawa po uli ako ng bagong post kapag nabuo ko na itong dalawang Maldea bikes ko.[/alert-note]

Sa ngayon, nasa Republic Powdercoating na yung bike frames namin. Doon kasi mura ang papintura kaya doon na namin dinala. 1-week din ang waiting time.


Para sa mga interesado magpagawa ng Maldea frame:

Ave Maldea Address and Contact Details

Address: Les – Jay Building, 16 B Parola Street, Cainta, Rizal 1900

Dyan sila nakatira pero yung workshop ni mang Ave, katapat lang nito. Paano pumunta dito?

  • Baba lang po ng Junction, sa may traffic light, yung side ng Puregold, diretso lang po doon yung way.
  • Kapag nakadating na sa bandang dulo makikita na yung Savemore, kanan lang tapos may malapit na paradahan ng tricycle.
  • Yung katapat na street non na medyo makipot ay yun na ang Parola street.
  • Konting lakad lang, diretso, makikita nyo na yung Les Jay Bldg sa kaliwa, at sa kanan naman yung workshop.
  • Mayroon po akong ginawang video nung pagpunta namin, iuupload ko sya soon, sana makatulong.

Contact number: 0915-8262781

Mag text lang po sa number na yan para sa inquiries. Pwede din daw tumawag pero ayon sa asawa niya, hindi daw po palaging nakakasagot agad ng tawag dahil busy sa shop. Maaga din daw matulog si Mang Ave dahil maaga din sila mag-start mag gawa.

Pero sabi ni Mang Ave, mas maganda pa din daw kung actual na pupunta sa kanila. Dahil daw sa dami ng orders nila, mas priority nila yung pumupunta kaysa sa over-the-phone lang nagpapa-gawa.

Ave Maldea Frame and Prices

Hindi ko lang sigurado kung ito pa din yung prices ngayon, dahil nung last time na sabi ni Mang Ave, magtataas daw sila dahil nagtaas din ng presyo yung kinukuhanan nila ng materials (which is TryOn).

Frame:

Hi-ten frame at labor.

  • Fixed Gear – P5500
  • Road Bike – P6500
  • Cyclocross/Touring – P7500
  • may dagdag lang sa price kung sakaling may gusto ka din na icustomize sa ipapagawa mong frame. Halimbawa: integrated head tube, wolf drop out, triple triangle geometry, bosses, etc. Ito kagandahan sa custom-built frame, ikaw ang masusunod sa gusto mong kalabasan ng bike frame mo.

Sa mountain bike, hindi ko na naitanong kung magkano pero balita ko kasi sabi ng iba, hindi na daw gumagawa ng MTB si mang Ave dahil masyadong matrabaho daw ang pagbuo ng MTB frame.

Fork:

Chromo fork at labor.

  • flat crown – P5500
  • unicrown – P4500

Flat crown, yung kagaya ng pinagawa namin na classic look.

Tulad nga ng nabanggit ko, kung Chromo ang trip mo, mas mahal dahil mahal yung tubings.

Yan po yung price nung magpagawa kami, hindi ko na lang sure ngayon kung ganyan pa din, baka iba na kasi.

Hanggang sa muli po, ipopost ko din kapag nabuo na yung Maldea bikes namin.


Comments

45 responses to “My First Ave Maldea Bike Frame”

  1. Very nice and informative… thanks!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      are you planning to build a bike with a Maldea frame as well? 🙂 thanks for the visit.

      1. Gerry jones Avatar
        Gerry jones

        Hello po?

        Kumusta nmn po ang flex ng hi-tensile materials ni sir ave maldea? Hindi po b masakit sa katawan?

        Meron po kasi akong steel mtb, and one thing i noticed is the flex of the frame and fork overall. Leg muscles lang ang sumasakit sabkatawan ko after the ride. Although rigid, my experience is better than un suspded aluminum bikes.

        Thanks.

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          wala naman ako naramdaman na flex sa hi ten na cx ko, ang issue ko lang dito ay sobrang aggressive ng geometry nya, more for CX racing ang buo, hindi pang touring. ganyan talaga pag rigid kasi wala ng suspension e, ramdam mo talaga lahat ng bumps kahit maliliit lang.

  2. alfin sholeh Avatar
    alfin sholeh

    Hello Ian,

    Nice review for ave maldea steel frame, that makes me want to custom from him..
    btw, iam alfin from bandung – Indonesia
    do you have other contact of ave maldea? WhatsApp? or email maybe?

    thanks

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Hi, welcome to the site alfin sholeh,
      I do not think ave maldea has whatsapp, he is very busy with the workshop.
      but you can join the facebook page of maldea bike owners https://web.facebook.com/groups/avemaldeaownersclub/
      also member on that group are the young ones from ave maldea’s team, which are more active in social network. You can try your luck getting in contact via that group because mr ave maldea prefers personal visits of interested clients.
      btw, are you planning on getting a track frame? you’ve got good taste.

  3. Nice sir. Thanks for this! How’re the two now?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Chino ayun, gamit ko na yung fixed gear kapag dito dito lang sa bayan namin, then yung cx naman kapag mag ride ng malayo or solo training. 🙂

      1. Kamusta naman so far? Gano kabigat lumabas yung hi tensile na frame and cromo fork niyo? Nag order din ako kay Mang Ave. Excited na ko makuha. San din kayo nagpabuo n shop? Salamat!

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          hindi naman sya mabigat, mga nasa almost 2kg lang sila frame and fork. pag nakuha mo yan magulat ka pa kasi magaan sya pag hawak mo na, to think na bakal sya. maybe because payat yung tubings. wow ayos yan, yan lang mahirap, ang maghintay. haha. binili ko yung parts ko sa quiapo tapos sa bikeshop lang na malapit samin ko pinabuo sa barangay namin.

          1. Astig. Any recommendations na shops sa Quiapo?

            Oo nga e. Yan din sabi nila na konti lang din dipere sya sa weight and sa components na lang talaga.

            Salamat pala sa post niyo. Mas nagka idea ako sa build.

          2. Ian Albert Avatar
            Ian Albert

            Chino, sa Cycleart ko kinuha yung groupset ko, nagcanvass din ako sa iba pero sa kanila ako nakakuha ng pinakamura. Tapos yung ibang parts, sa tabi tabi na lang din, nagcanvass din ako. parts like generic rims, hubs, spoke, tyre, tubes, headset, bar tape, seatclamp, saddle, yang mga yan tyaga lang icanvass kung may mabibili ka sa tabi tabi kahit hindi malaking shop basta makamura lang. Sa cockpit naman nagcanvass din ako sa ibang shop din ako nakabili kasi mas mura ng 100 kada isa (drop bar, stem, seatpost) sa iba, laking bagay na din yun kapag ganun.

  4. Hi, any updates on both of your bikes? patingin naman. 🙂

    also, hm din pala inabot ng republic powdercoating? tnx!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      planning to make a new post about these bikes pag nagka time. P500 lang total nagastos namin sa pagpapapowdercoat, check my previous post here https://www.unliahon.com/republic-powdercoating-review-bike/

  5. D NA BA GUMAGAWA NG MTB FRAME SI MANG AVE MALDEA

  6. D NA BA GUMAGAWA NG MTB FRAME SI MANG AVE MALDEA

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sabi nila, gumagawa pa din naman daw

  7. Sir been following your posts, pasilip naman nung itsura ng fixed gear mo. Saka in total ba, mga 20k gastos para mabuo yung fixie? based lang sa computation ko sa post mo na 5500 frame plus 5500 fork, tapos other parts pa. Thanks

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      salamat sa pagsubaybay, i will make a feature post of my fixed gear soon, although hindi high end yung build ko doon, gusto ko kasi as cheap as possible lang din e. yung fork na gamit ko, hindi ave maldea, carbon fork na china yun nasa P2k ko nabili from China dati pa.
      estimate cost ko sa fixed gear ko is more than 10k lang, di aabot ng 15k. ibang parts kasi galing sa mga extra parts ko from my other bikes.

  8. john paul Avatar
    john paul

    im planning sna na mag buo ng frame but hindi cya all ung ordinary n mgpapagawa ng frame kasi need ku lng yung mga joints parts: like BB tubing,setpost tubing,fork tubing,pwd kaya yung ipagawa ki mang avea then HM ababutin kya.tnx.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      contact nyo na lang po sya para makapag usap kayo

  9. pwede po bang mag pa-copy ng frame model kay sir Ave?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwedeng pwede yan

  10. Good evening Ian. tanon ko lang kung may idea ka kung magkano ang pagawa ng hiten MTB frame kay mang Ave? Salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      7.5k din siguro, di ko lang sure, di kasi namin natanong e.

  11. ej daniel Avatar
    ej daniel

    sir ian….same price parin po ba pag custom frame?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      di ko lang sure kung same price pa din, or baka nagtaas na

  12. Sir Ian ung mga build bikes na especially fixie, do you think ok lang ba kesa assembled? Kasi tight ang budget and mainipin ako, hehe. Kaya , gusto ko yung buo na agad at sasakay na lang ako. Thanks!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok lang yan, simple lang naman ang fixie e, upgrade mo na lang din kung tingin mo kailangan mo iupgrade o may pyesa ka na gusto palitan

  13. Chong Solarte Avatar
    Chong Solarte

    sir for sale mo ba yung triple tri frame mo?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      parang gusto ko na nga din ibenta, depende siguro kung may magandang offer

  14. Anong size ng CX mo? I’m 6′, ok ba ang 54tt/54st? I normally ride a 56 roadie.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede yan, ganyan naman talaga pag cx, one size down from road setup
      5’8″ ako pero piliin ko dyan yung 48st

  15. Sir Ian, salamat sa response. Additional question, ung sa tires ng fixie pwede ba icustomize ng medyo mas mataba,pero di ko na papalitan ang stock rim. Thanks.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede yun, as long as kaya pa ng frame mo yung mas mataba na tires, karaniwan kung rims mo ay pang rb, hanggang 28c lang safe nyan, pwede siguro 30c pa.
      pero kung balak mo gumamit tires na 35c pataas, kung kasya sa frame mo, dapat mtb rims na 29er na ang gamitin mo

  16. Hi Ian,
    Good day!.

    Ask ko lang nung sinukatan ba kayo para sa Ave frame,
    rinecommend din ba kung anong stem length ang gagamitin?

    Meron din ba siyang chromoly frame? ano pag kakaiba sa hi-tensil frame?

    Salamat po sa sagot

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      height at in-seam lang sinukat
      wala naman sinabi na stem length, ako na nagdecide sakin, trial and error ginawa ko para masetup ko sa klase ng ride na gusto ko gawin
      pwede ka din magpagawa ng chromoly, mas mahal lang ito, pero mas magaan ng konti sa hi-ten steel

  17. If nag chromoly ang ginamit magkano kaya estimate na increase sa price?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      kung magkano yung cost ng chromo tubings, around 20k plus abutin nyan

  18. sir ian baka naman pwede paki post po sa youtube yung cx na ave maldea balak ko po kasing mag buo nyan kung mag kano aabutin ko kapag nag buo ko nyan

  19. maraming salamat po sa mga impormasyon, laking tulong po, lalu na sa mga gustong magpagawa kay Mang Ave at sa mga magbubuo ng bike.

  20. wala ba si sir ave ng nakadisplay na benebenta niya sir??ask lang po😊

  21. reynaldo villon Avatar
    reynaldo villon

    paano mag order kay ave maldea ng frame kung sakaling taga probinsya ka.. gusto ko sana magpagawa ng tandem bike. thanks..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *