Nagpa-powdercoat kami ng bike sa Republic

Para naman magkaron ng proteksyon sa kalawang yung bago naming custom-made steel frames na gawa ni mang Ave Maldea, napagdesisyunan namin na ipa-powdercoat ito. Republic Powdercoating ang isa sa mga sikat na pangalan kapag nagtanong ka kung saan maganda magpa powder coat. Buti at meron silang branch sa may Antipolo kaya malapit lang sa amin.

Sabi nila, mas maganda daw kung sa pintor dadalhin, o di kaya sa nagpipinta din ng mga auto. Anzhal daw ang magandang gamitin, meron pa sabi ng iba, K92, Dupont at iba pa. Kaya lang, medyo mahal ang pagpapapintura ng ganito. Minimum na ang P1000-2000, at kung custom talaga trip mo mas mahal pa.

Dahil di namin balak gumastos masyado sa pagpapapintura ng frame, naisipan namin na magpapowdercoat nalang.

Heto ang price breakdown ng service ng Republic Powdercoating:

  • Bike Frame – P350
  • Fork – P150
  • Total – P500

Mura diba? Ang sabi sa amin ng approachable na si kuya na tao sa Republic Powdercoating – Antipolo, yang presyong yan ay kapag ang bike mo ay “raw” pa lang, o wala pang pintura. Kapag may pintura na daw, mas ok pa daw na dalhin na sa kanila ng “as is”, wag na daw i-strip dahil sila na ang bahala at isa-sandblast nalang nila. Add lang ng P200 para sa frame, same pa din sa presyo ng para sa fork.

Sa halagang P500 ay napapinturahan namin ang aming framesets sa trip naming kulay. Plain nga lang. Pero kesa naman i-DIY namin na gagastos kami sa pintura, or spray-cans na ganun din ang magagastos, etong powdercoating ay hindi pa basta basta madaling natutuklap.

May color swatches ang Republic na pwedeng pagpilian ng kulay. Madaming kulay ang mapagpipilian.

7 days din ang waiting time.

Tinatakpan nila ang mga butas na maliliit sa frame, pati na ang mga may thread. Yung fork, kelangan lagyan nyo ng masking tape yung steerer tube para hindi mabugahan. Yung BB shell naman at head tube, mas mabuti din na kayo na ang mag-mask nito.

Salamat naman at walang naging dents yung frames namin, overall, satisfied ako sa kinalabasan. Di ko lang alam kung hanggang kailan itatagal ng powdercoating na ito sa frames namin, iuupdate ko itong post na ito sa future kung sakali.


Comments

13 responses to “Nagpa-powdercoat kami ng bike sa Republic”

  1. Hi sir Ian! Parehas lang po ba kaya ang pag pa-powder coat ng frame at fork sa ibang branch ng republic? Meron kasi silang branch dito sa may Tandang Sora QC.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo parehas lang, alam na nila yan, mas malaki pa nga yang branch na yan sa Tandang Sora, dyan yata mismo ginagawa yung powder coating. Bale yung dito sa Antipolo, parang pinipickup lang nila yung mga ipapapowder coat at dinadala din dyan.

  2. Ganun po pala. Bagohan lang rin po ako sa pag ma-mountain bike, buti nalang nakita ang blog nyo. Maraming salamt po sir Ian!

  3. Ganda! Magkano inabot netong build mo sir?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      medyo malaki din inabot sa buong bike, groupset kasi mahal.

  4. Gary Bautista Avatar
    Gary Bautista

    Sir tanong lang. Kaya rin kaya nila ipowdercoat ang nka chrome p at kaya kaya ng sandblast kung sakali?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      kaya, sabi nga samin kahit hindi na i paint strip

  5. Hello Kuya:

    May metallic finishes po ba sila? Makapal po ba yung coat?

    Or meron po silang top-of-the-line na finish?

  6. Rafi Montemayor Avatar
    Rafi Montemayor

    Good day po pwede ko po ba malaman saan sa antipolo yang branch ng republic powder coating na pinag pa re paint niyo po? Thanks

  7. Roger almoradie Avatar
    Roger almoradie

    Avail pa po ba ang pagpa powder coat ng bike

  8. Jay nieves Avatar
    Jay nieves

    Gd am sir san banda po ito magpa powder coat din sana ako maraming salamat po…pasig pa po ako manggaling

  9. severino abella Avatar
    severino abella

    pwede pa bang mag pagawa ng steel frame kay ave maldea? magkano?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *