Trinx C822 2018 Review


Subukan nating gawan ng review itong Trinx C822. Madami na din kasing nagrerequest. 2018 model pala ito ni Trinx, wala pa din ito sa website nila.

Wala pa tayong makalap na complete specs ng MTB na ito.

Heto lang yung alam ko na specs ng Trinx C822 2018 base sa mga naipost ng mga nagbebenta nito:

Trinx C822 Specs

  • FRAME: 27.5″*16 Alloy Tri-Butted Smooth Welding
  • FORK: Trinx with Lock-Out
  • SHIFTER: Shimano 3×7 (21 speed)
  • FD: Trinx Index System
  • RD: Shimano Tourney
  • BRAKE: Mechanical Dual Disc Brakes
  • CASSETTE: Shimano MFTZ21
  • RIM: Trinx Alloy Double Wall
  • TIRES: CST Sports 27.5″*1.95″
  • CHAINWHEEL: Trinx
  • SADDLE: Trinx Sport
  • HANDLEBAR: Trinx Steel Flat

Trinx C822 Review

via LJ Bike Shop

Alloy na yung frame ng Trinx C822. Okay yun, magaan. Size 16, di ko lang alam kung may ibang sizes pa. Triple Butted daw at Smooth Welding, ayon sa dalawang bike shops na nagpost sa facebook. Medyo duda pa ako kung Triple Butted nga at kung smooth welding nga ba talaga. Kasi yung mga ganyang feature, makikita mo lang sa mga medyo may kamahalan na na modelo.

via LJ Bike Shop

Yung fork naman, Trinx branded lang pero may lock-out na kaya okay na din.

via LJ Bike Shop

Sa shifter naman, Shimano na 3×7 speed ang gearing. Tatlong gears sa harap, 7 naman sa likod. Parang Trinx M136 lang.


via LJ Bike Shop

Yung FD naman, Trinx branded lang.

via LJ Bike Shop

Shimano Tourney naman yung nasa rear derailleur.

Naka disc brake na itong Trinx C822. Mechanical nga lang.

Yung 7-speed naman na cogs ay thread type at may 14-28 na gear range. Medyo mababa sa high at medyo mabigat sa lows.

via LJ Bike Shop

Alloy at double wall na yung rim, kaya ayos na din. CST Sport 1.95″ ang tires na ginamit, 27.5 ang wheel size nitong Trinx C822. Basic tire lang ng mga Trinx budget bikes, karaniwan 1.95 ang lapad ng mga gulong na yun.

via LJ Bike Shop

Yung crank naman, Trinx branded. Alam ko, pag ganito, bakal pa yung crank arms nito.

Mukhang okay naman yung saddle, yung handlebar lang steel at flat type.

Trinx C822 Price

P6,999 ang price na nakikita ko dito sa Trinx C822. Sa iba, P7,500 pa nga.

Verdict

Maganda ba ang Trinx C822?

Hindi ko makita kung saang banda ba maganda ang Trinx C822 na mountain bike. Ewan ko ba kung bakit madaming nagkakainteres sa bike na ito.

Para sa akin kasi, mas maganda pa din yung Trinx M500. May iba pang model ng Trinx na di naman nalalayo sa presyo pero laking ganda naman ng mga pyesa.

Kung ako sa inyo, wag na itong Trinx C822. Hindi ko din kasi mai-rekomenda. Kapag mag rerecommend kasi ako ng bike dito sa mga reviews ko, inilalagay ko yung sarili ko sa posisyon ng bibili. Iniisip ko din na paano kung ako yung nag iisip na bumili ng bike na nasa review, bibilihin ko ba? Itong Trinx C822, hindi ang sagot ko dyan.

Ang hindi ko nagustuhan dito sa Trinx C822:

  • 7-speed lang
  • bakal pa yung mga parts
  • mas mababa pa yung mga parts kumpara sa mas mura pa na 26er na MTB from Trinx din

Parang Trinx M136 lang itong Trinx C822 pero 27.5 lang yung wheel size.

Kung ako ang bibili, yung Trinx C520 na lang.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Shon June 17, 2018
    2. Andrei Bautista July 8, 2018
      • Ian Albert July 10, 2018

    Add Your Comment