May bago na naman ang Foxter. Fat bike daw pero sa tingin ko mas appropriate tawagan ito na 27.5+ na bike dahil 3.0″ ang tire width niya.
P10,200 ang SRP ng Foxter FT307 Cobra Fat MTB sa Ryanbikes.
Quick specs ng Foxter FT307:
- Frame: Alloy
- Fork: Foxter Cobra Lockout
- Shifters: Shimano Rapidfire
- Front Derailleur: Shimano Tourney
- Rear Derailleur: Shimano Tourney
- Crankset: Prowheel
- Bottom Bracket: Sealed
- Rims: Foxter Cobra
- Tires: Foxter 27.5×3.0
Yung frame nya ay alloy na, which is good dahil magaan na.
Yung fork may lock-out na ng suspension, sakto para sa mga pag ahon.
Shimano parts na din sa shifters at mech (Tourney TX fd at rd).
Hindi pa hydraulic brake at base sa ibang page 3×8 ang gears nitong FT307. Okay yung 8-speed nya dahil mas may pang-ahon ka kesa kung 7-speed lang siya.
Rims na mag aaccomodate ng 27.5×30″ tire size.
Yung crank talaga ng Foxter na Prowheel parang Shimano SLX lang ang itsura ng arm. Hindi bakal yung crank arms kaya magaan.
Parang Foxter FT301 lang pero iba lang yung tire size. I wonder kung may issue pa din ito sa chain. Bagong labas lang kasi, wala pa masyadong feedback. Medyo mas mahal din ng konti siguro dahil nga sa tire size. Bibihira pa lang sa Pinas ang mga bikes na 27.5+, kung meron man lagpas na siya sa bracket ng budget bikes.
Ang inaalala ko lang dito, baka mahirap makahanap ng replacement parts sa wheelset niya, specifically yung tires at tubes, madalang pa kasi.
Pero overall tingin ko quality na din ito, ganda ng porma, di masyadong fatty, sarap ipang trail nito.
Kung gusto mo maka experience ng plus size na ride, pero namamahalan ka sa Sandugo Brusko (Pinoy bike na 27.5+ din), eto na siguro ang isang alternative na panalo sa budget.
Ito ang ibang kulay ng Foxter FT307 Cobra:
(c) Ryanbikes sa photos
Share mo dito kung owner ka ng Foxter FT307.
Leave a Reply