Bike Speed Upgrade

Lahat ng dapat mo malaman kung gusto mo mag-upgrade ng "speed" sa bike.

Speed.

Sa bike, ito yung madalas natin naiisip na unang gawing upgrade.

Sa mga Pinoy bikers kasi, ang term na speed pag usapang pyesa ng bike, hindi yan yung distance per time talaga e, o yung bilis ng takbo.

Yan yung bilang kung ilan yung cogs sa likod ng bike, doon sa may cassette o sprocket.

Pag sinabing 7-speed, 7 yung bilang ng cogs sa likod. 8-speed naman walo. Meron pa 21 speed, 20 speed, 24 speed, 27 speed at madami pang iba. Ito naman yung combination na din na kasama yung bilang ng plato sa chainring. Parang 3×7, 2×10, 3×8, at 3×9 lang.

Nakasanayan na lang din ng mga kapadyak yan.

Kahit naman sa pagbili ng chain, itatanong sayo kung ilang speed. Sa pagbili ng shifters, ilang speed. Sa pagbili ng cassette ilang speed. Pati sa pagbili ng rear derailleurs syempre.

Paano ba makakapagupgrade ng speed ng bike?

Yun ang susubukan natin sagutin sa post na ito.

Madalas sa mga budget bikes, naka 7 o 8-speed lang yan. Natural lang na maisip mo na magupgrade ka sa mas mataas na speed. Yun naman talaga kasi yung upgrade. Pero ano nga ba yung upgrade dyan?

Ang upgrade dyan, kapag dumadami yung cogs, tumataas yung bilang nito, lumiliit din yung pinakamaliit na cog at lumalaki din yung pinakamalaking cog. Hindi lang yun, lumiliit din yung gap ng bilang ng ngipin ng bawat cog habang mas dumadami yung cogs sa sprocket.

Halimbawa sa 7-speed.

Sa Trinx M136, 7-speed lang itong bike na ito. 14-28T ang range ng cogs nito.

Kapag nag upgrade ka sa 9-speed, ang cogs na maari mo magamit ay nasa 11-32T o 11-36T.

Ano ang nabago dyan?

Yung 14T mo, naging 11T na. Ibig sabihin nun, nagkaroon ka ng mas mabigat na gear na ang resulta, magkakaroon ka ng mas mataas na top-speed, basta kaya mo lang padyakin.


Yung 28T mo naman, naging 36T na. Ibig sabihin nun, nagkaroon ka ng mas magaan na gear na magagamit mo pang ahon. May mga ahon din kasi na sobrang kunat na kailangan talaga ng magaan na gear kung hindi ka naman masyadong malakas na rider at gusto mo pa mapadyak yung akyat na yun.

Kahit sa 8-speed na setup, tulad ng sa Trinx M500, naka 13-32T naman ito. Mas upgrade ito kung ikukumpara sa setup ng 7-speed, pero mas upgrade pa din kung ikukumpara sa mas mataas na speeds.

In a sense, tama nga naman na mauupgrade talaga yung speed o bilis mo sa bike nito dahil mas tataas nga yung high speed mo dahil doon sa mas maliit na cog.

Ano ang mga kailangan palitan?

Halimbawa, naka 7 o 8 speed ka tapos balak mo mag upgrade sa, sabihin na natin na 10 speed agad para medyo sulit ang upgrade. Kailangan mo bumili ng mga to:

  • 10-speed rear derailleur
  • 10-speed chain
  • 10-speed cassette sprocket
  • 10-speed shifters

Minsan, hubs din kasi karaniwan sa stock hubs ng 7 o 8 speed na budget bike, naka thread type pa yun. E ang mga mabibili mo na sprocket karaniwan ay cassette type na. Kung naka combo shifter pa ang bike mo, tapos magpapalit ka ng shifter, kailangan mong idamay na din yung brake levers. May choice ka kung mag stay ka pa din sa mechanical disc brake o upgrade mo na sa hydraulic.

Pwede ba na hindi magpalit ng hubs?

Kung thread type yung hubs mo, di mo pwede ilagay dun yung cassette type na sprocket.

Kung 11-speed yung cassette mo, dapat 11-speed ready yung hubs na gagamitin mo.

Pwede ba na hindi magpalit ng shifter?

Pwede pero kung ilan lang yung bilang sa shifters mo, yun lang din ang magagamit mo. Parang balewala din kung nag upgrade ka ng cogs kasi di mo din naman mapapakinabangan.

Pwede ba na hindi magpalit ng rear derailleur?

Pwede, pero kung magkaiba ng rated speed ang rd at shifters, hindi sila compatible. Tatalon yun pag mag shift ka na.

Pwede ba na hindi magpalit ng kadena?

Kailangan magpalit ng kadena para walang issue sa drivetrain kasi iba iba din ang taba ng kadena depende sa rated na speed nito.

Ang maganda talaga, dapat pare pareho ng speed ang mga drivetrain components. Kung ayaw mo ng sakit ng ulo mula sa hindi swabeng shifting, wag ka na mag mix-and-match ng mga pyesa mula sa magkakaibang antas ng speed sa drivetrain.

Yung 7 at 8 speed pwede pa paghaluin. Same pa din sila ng chain, sa rd naman, yung Tourney rd na karaniwan ay kayang kaya mag 7 o 8 speed. Kaya lang, same thing applies, pag nai-mix mo yang dalawa, 7 speed lang magagamit mo.

Anong mura na pyesa?

LTWOO na yata ang pinakamurang upgrade ng speed kung tutuusin. Sa cogs naman, yung Weapon Shuriken cassette, maganda din kasi may warranty naman at maganda ang quality ng pagkakagawa. Kaya lang, limited pa lang din sa range ng cogs. Sa hubs naman, pinaka mura na ang Shimano non-series hubs.

Ako, nag upgrade ako sa 10-speed mula sa 9-speed. Para lang din ma-test at ma review yung LTWOO A7. Nadagdag lang sa range ng cogs ko ay yung 42T. Mas magaan yun sa 1-1 na gearing ko kesa dati kung ikukumpara ngayon. Pero kapag nag 1x setup na ako, mas mabigat na ng konti kahit yung 42T ko kung ikukumpara ko sa 1-1 ng 9-speed ko dati.

Worth it ba mag upgrade?

Sa pag upgrade ng groupset, habang tumataas kasi yung level ng groupset, tumataas yung speed syempre, bukod doon, tumataas din yung ganda ng performance nito at kalidad ng pagkakagawa doon sa pyesa.

Para sa mga naka budget bikes na 7 o 8 speed, kung maguupgrade kayo sa hydraulic brakes, kung ako ang tatanungin, kesa bumili ng shifter na same speed pa din sa current setup, mas ok siguro na bumili na ng 9 o 10 speed na shifter para pahanda na sa magiging upgrade sa future. Dahil kahit hindi mo sabihin, dadating din ang pagkakataon na maiisipan mong mag upgrade sa mas mataas na speed.

Kung current setup, 9 speed o 10-speed, pwede pa yan, upgrade lang ng cogs kung trip mo ng mas malaking plato sa sprocket.

Pero nasa biker naman na talaga yan, kung gusto mag upgrade sa mas magandang pyesa, hindi natin pipigilan yan. Mahirap pigilan yan, kasi baka lumala ang sakit, dapat dyan ginagamot agad. 😂

 


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Jeric Mallari May 27, 2018
      • Ian Albert May 29, 2018
        • oyt March 26, 2019
    2. Francis Noob May 28, 2018
      • Ian Albert May 28, 2018
    3. Yman Dfuts May 28, 2018
      • Ian Albert May 28, 2018
    4. spas May 29, 2018
    5. Mark calanno May 31, 2018
      • Ian Albert May 31, 2018
      • aa March 26, 2019
    6. M. A. Rabanes June 6, 2018
      • Ian Albert June 7, 2018
    7. jay June 6, 2018
      • Ian Albert June 7, 2018
    8. alvin cinio June 8, 2018
      • Ian Albert June 8, 2018
    9. alvin cinio June 8, 2018
    10. Neil June 12, 2018
      • Ian Albert June 12, 2018
    11. Aaron John June 26, 2018
      • Ian Albert June 26, 2018
    12. macky June 26, 2018
      • Ian Albert June 26, 2018
        • macky June 27, 2018
          • Ian Albert June 28, 2018
            • macky June 28, 2018
            • Ian Albert June 29, 2018
    13. Dante Tafalla July 19, 2018
    14. emerson July 26, 2018
      • Ian Albert July 30, 2018
    15. Emer July 27, 2018
      • Ian Albert July 30, 2018
    16. Redehn July 28, 2018
      • Ian Albert July 30, 2018
    17. rotsen August 1, 2018
      • Ian Albert August 3, 2018
    18. bryan Kenneth August 7, 2018
      • Ian Albert August 19, 2018
    19. Rap August 8, 2018
      • Ian Albert August 19, 2018
    20. Labs August 27, 2018
      • Ian Albert September 4, 2018
        • Japhet December 3, 2019
    21. Jefrey Villanueva Pactoranan September 15, 2018
      • Ian Albert September 17, 2018
    22. Jefrey Villanueva Pactoranan September 17, 2018
      • Ian Albert September 25, 2018
    23. gever espelita September 20, 2018
      • Ian Albert September 25, 2018
    24. Chrisrtopher November 1, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    25. Nathaniel November 11, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    26. Kim Daniel November 13, 2018
      • Ian Albert November 20, 2018
        • nel December 29, 2018
    27. Jayson November 16, 2018
      • Ian Albert November 20, 2018
      • Jon guillermo August 6, 2020
    28. JL November 21, 2018
      • Ian Albert November 24, 2018
    29. Knowell Aguiluz November 27, 2018
      • Ian Albert December 5, 2018
    30. Ejay Mallari December 4, 2018
      • Ian Albert December 5, 2018
    31. Chrish December 7, 2018
      • Ian Albert December 7, 2018
    32. Chrish December 8, 2018
      • Ian Albert December 8, 2018
        • Chrish December 9, 2018
          • Ian Albert December 9, 2018
    33. Jnard December 10, 2018
      • Ian Albert December 11, 2018
    34. Julius A. December 13, 2018
      • Ian Albert December 20, 2018
    35. Julius Gardiola December 13, 2018
    36. Jhayr Dejesus December 28, 2018
      • Ian Albert January 23, 2019
    37. Paolo Aguilar December 28, 2018
      • Ian Albert January 23, 2019
    38. Flex December 29, 2018
      • Ian Albert January 23, 2019
    39. Cris C. December 29, 2018
      • Ian Albert January 23, 2019
    40. Josiah January 7, 2019
      • Ian Albert January 23, 2019
    41. patz January 31, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    42. Dc February 11, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    43. B. Manoy March 2, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    44. Merdan March 9, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    45. SJ Verano March 20, 2019
    46. Jazray April 15, 2019
    47. Rainnier aaron pilande April 19, 2019
    48. Axl quiambao May 6, 2019
    49. Lord Jm Ignacio September 5, 2019
    50. McBergel M Bergado September 10, 2019
    51. Cernan October 13, 2019
    52. Christian C. October 18, 2019
    53. Allan San Juan December 14, 2019
    54. Jezrel March 25, 2020
    55. Paul Lacorum April 28, 2020
      • Joshua August 21, 2020
        • Ian August 26, 2020
    56. brian May 11, 2020
    57. austin June 19, 2020
    58. Don June 22, 2020
    59. Garcia July 4, 2020
    60. thomas July 6, 2020
    61. Omar July 12, 2020
    62. Bogard August 8, 2020
    63. Kris August 19, 2020
      • Ian August 26, 2020
    64. Kevin August 23, 2020
      • Ian August 26, 2020

    Add Your Comment