Madaming components ang bumubuo sa bike. Nakakalito talaga sa una lalo kung wala ka pa masyado alam sa bike.
Sa post na ito, sana makatulong ito para magka idea kayo sa mga tawag sa bawat pyesa, parts, o components ng bike.
Frame
Dito kinakabit lahat ng pyesa ng bike. Sa style at porma ng frame nakadepende ang magiging klase ng ride sa bike.
May mga gawa sa alloy, steel, carbon, at titanium na batalya. Alloy na ang pinakamagaan na mura. Yung steel, madalas natin makikita sa mga budget bikes, may kabigatan yun at kinakalawang. Pero meron din na steel frame na mamahalin at mas magaan, madalas makikita natin yung sa mga hand-built custom bikes. Yung carbon, magaan yan, pero mahal na yan, ganun din ang titanium na bike frame. Meron pa nga na gawa sa bamboo, mahal din yun pero hindi mo din naman common na makikita sa kalsada.
Madalas din, yung frame ang nagdidikta ng brand ng bike. Kung ano yung brand ng frame, yun ang nagiging brand ng bike.
Yung headtube ng bike, yung pinagsusuksukan ng steerer tube ng fork, may ibat ibang porma din yun. Merong tapered at non tapered, yun yung shape ng headtube. Meron ding oversized at standard. Yung standard madalas sa mga classic bike frames yan, sa mga makabagong bikes, puro mga oversized na. Sa oversized meron ding integrated at non integrated, yan naman yung nakadepende sa laki ng butas ng head tube. Ito, importante tong malaman para alam mo na tama yung headset na gagamitin mo kung sakali na magpapalit ka ng sealed bearing headset.
May sizes din ang frame, na kung saan mahalagang mapili ang tamang frame size ng bike depende sa height ng gagamit nito.
Yung size ng gulong, sa frame din nakadepende kung ano yung kasya sa kanya.
Fork
Fork o tinidor. Ito yung nakakabit sa frame, para makabitan ng gulong na pang unahan.
May fork na rigid, may fork na may suspension. Yung may suspension, madalas makikita mo sa mountain bikes. Mga rigid forks naman, sa mga bikes na madalas pang road lang.
May fork na tapered, meron ding non-tapered. Ito yung porma ng steerer tube na depende din sa head tube ng bike frame kung ano yung kailangan mo gamitin.
Drivetrain
Sa groupset, madaming pyesa na bumubuo dun. Nandun yung drivetrain na syang nagpapatakbo at nagpapahinto sa bike.
Ito naman yung mga pyesa na bumubuo sa groupset:
Shifters – ito yung kumokontrol sa derailleurs para lumipat yung kadena sa cogs o sa chainring.
Front derailleur – ito naman yung naglilipat sa kadena sa mga plato ng chainring.
Rear derailleur – ito naman yung naglilipat sa kadena sa mga cogs sa sprocket.
Brakes – sa mountain bikes, madalas disc brakes na. Merong mechanical at hydraulic disc brakes. Sa ibang bikes, caliper, v-brakes, at cantilever ang mga preno nun. Ito yung nagpapahinto sa bike.
Crankset – ito yung kinakabitan ng pedal. May ibat ibang setup din ng crankset, kung ilan yung plato/chainring: merong 3x, 2x, at 1x.
Chain – kadena, ibat iba din ng speed ang kadena. Dapat kung anong speed ang setup mo sa bike, ganun din yung kadena. Halimbawa, 8-speed, 8-speed din dapat yung chain. 10-speed, 10-speed din dapat yung kadena.
Cassette – ito yung mga cogs sa likod ng bike. Dito nakadepende kung ilang speed ang itatawag sa drivetrain ng bike. Minsan, sprocket ang tawag dito. Mas tama yata yun, kasi may sprocket na cassette type at meron din namang thread type.
Yung thread type, yan ang madalas na makikita mo sa mga budget bikes na naka 7 o 8 speed. Naka thread ang pagkakakabit nun sa hubs.
Bottom Bracket – ito naman yung nasa bottom bracket shell ng frame. Dito kinakabit yung crankset para maging swabe ang pag ikot nun.
Wheelset
May ibat ibang components din na bumubuo sa wheelset.
Tires – ito yung mismong goma sa labas. May ibat ibang klase din ng tires na pwede gamitin, depende sa kung saan ang balak mo na pag padyakan. May mga tires na specific sa trails, at may tires din na mas masarap ipadyak kung sa kalsada lang naman.
Rims – ito naman yung kinakabitan ng tires. Karaniwan dito, gawa na sa alloy. May ibat-ibang rim width na din ito, o lapad na nagdidikta din sa kung gaano kataba ang kalalabasan ng tires na ikakabit.
May rims na may brake line, yun yung para sa mga naka caliper v-brakes na madalas makikita mo sa road bikes. Mas manipis din ang rim width ng nasa road bike kasi mas manipis din ang gulong na ginagamit nila.
Spokes and Nipples – ito naman yung nagdudugtong sa rims at sa hubs. May ibat ibang klase din ng spokes at nipples. Kung ilang butted at anong materials ang ginamit. Dito din nakadepende ang tibay ng gulong kung madali ba maootso ito o mawawala sa alignment.
Hubs – ito naman yung nagkakabit sa wheelset sa frame. May ibat ibang klase din ng hubs. Merong quick release, na madaling tanggalin sa bike, meron ding thru axle na makabagong style na, at meron pa din ilan na naka nut pa yung axle.
Meron ding hubs na cassette type at thread type. May ibat iba ding haba itong hubs e, depende sa kung pang road o pang MTB siya. May ibat iba ding speed o bilang ng cogs sa sprocket ang pwede sa kanya. Yung iba hanggang 10-speed lang kaya merong hubs na 11-speed ready kung tawagin.
Sa MTB hubs na pang disc brakes, may bolt-type at center-lock. Ito lang yung style ng pagkakakabit rotors sa kanya.
Dito din sa hubs yung “tunog mayaman”. Ito yung may tunog kapag nag freewheel yung hubs. Medyo mas mahal yung hubs na mas maingay at mas maganda yung tunog.
Cockpit
Handlebar – sa handlebar, may ibat ibang style din. Ibat-ibang haba ito. Depende sa trip na porma ng rider.
Stem – ito ang nagkakabit sa handlebar sa steerer tube ng fork. May ibat ibang haba din ito, at may ibat ibang angle din para sa ibat ibang riding style.
Seatpost – ito yung kinakabitan ng saddle sa bike. May ibat ibang taba din ang seatpost, depende sa specs ng seat tube ng frame ng bike.
Misc
Ito naman yung mga ibang pyesa pa ng bike.
Headset – ito yung nasa loob ng head tube ng bike para umikot ng swabe yung steerer tube ng fork. Karaniwan ang stock nito sa bike ay loose bearing pa, may nabibiling sealed bearing na. May ibat ibang klase din ng headset, depende sa head tube ng bike.
Seat clamp – ito naman yung umiipit sa may seat tube ng bike para ma fix yung seatpost sa pwesto nya. Meron nito na quick release, meron ding kailangan mo pa i-allen key. Depende din sa specs ng frame kung anong size ng seat clamp ang gagamitin.
Handle grip o hand grip – sa mountain bikes, o basta sa mga naka straight na handlebars, may nilalagay na ganito para naman kumportable hawakan ang manibela. Sa road bikes, bar tape ang katumbas nito.
Pedals – ito yung tinatapakan. May flats, may cleats pedals na kumakabit sa sapatos ng biker. Sa pedals may ordinary, meron ding sealed bearing na. Mas smooth yung sealed bearing at mas tumatagal yun kumpara sa loose bearing na ordinary pedals.
Bottle cage – ito yung kinakabit sa batalya ng bike para malagyan ng water botle.
Baka may iba pa akong nakalimutan idagdag dito. I-update ko na lang ito, pero sa ngayon, sana makatulong ang post na ito sa mga kapadyak natin na wala pa masyado idea tungkol sa mga tawag sa mga parts o pyesa ng bike.
Sir ano po bang magandang frame ng bike na pasok sa 5k budget
Cole na siguro
kuya ian nabili ko cole massif 2018
Hello po! Gusto ko po sana iupgrade yung mtb ko, iuupgrade ko po sana to disc brakes kasi po naka v-brakes lang po. Ano ano pong parts ang kailangan kong bilhin at nasa magkano din po ang magagastos? Salamat po sa sasagot 😊
Ano po magandang frame sa 5k budget?
Sir, pde ka ba mag post regarding sa proper care ng mtb. For example, after gamitin sa ulan, sa putikan, sa long ride…etc.
pwede sige, gawa tayo ng ganyang content
Saan Po Maganda Bumili ng Bike Online? Bicol Pa Kasi ako. Thanks po
try mo sa lj bikes o sa skylarks bikes, nagshiship sila
Good day sir! Ano pong MTB brand and model mairerecommend nyo for beginner worth 15k below?
Trinx X1 2018 26er
Trinx X1 Elite 27.5
Trinx X1 Quest 29er
pili ka nalang sa mga yan depende sa wheel size na prefer mo
Good day sir, Bigginers po ako. Gusto ko po mag assemble ng mtb mabibiguan nio po b ako ng list ng brand nad model na pwede kong bilin. Salamat po in advance.
depende sa budget mo yan, pero start ka muna sa frame at fork na gusto mo at sa groupset na gagamitin mo, depende sa budget mo yan kung ano pasok sa mga yan
sobrang helpful nito. Thanks 😀
sir ian ano po ba mas maganda fixie or road bike?
kung ako papapiliin, road bike pa din
Kuya ian may iba iba po bang size ang rotor? Di ko po kasi maintindihan yung bike ko kung bakit sumasayad yung rotor sa brake pads. o kung tabingi po ba ang rotor ko? o baka din po di maayos pagkakatono pero po ilang beses ko na po siya pinatono pero ganon pa din po. Ano po masasabi niyo kuya ian?😅 Begginner lang po😁
wala lang sa alignment yan,
or yung piston ng preno mo sablay na hindi pantay ang pagtulak kaya tabingi
pwede din na bengkong na yung rotors mo
may sizes ang rotors, yung laki lang naman yun, pero walang kaso dun kung sasayad sa brake pads
tingin ko dyan, bengkong na rotors mo
Sir Ian. Beginner here. Anong Hubs dpat ko bilhin? Ano brand? Yung 4pawls lng. Pasok kya sa 1.5k budget?
hindi ko kabisado mga hubs na may 4 pawls e
Sir Jan tanong ko lang po may foxter Evans po ako gusto ko po mag palit ng shock na sagmit evo2 eh tapered po ung sa evans pede po ba ikabit ung sagmit na non tapered?
pwede, gagamit lang adapter
Sir Ian,
Balak ko po bumili ng hubs
pwede po ba ang 8 speed na cassette sa higher speed na hubs?
pwede yan kung hindi thread type yung 8 speed cogs mo
Sir, may mairerecommend ka bang CX semi entry level probably ang budget is 15k to 20k max
Kuya Ian pano po pagsinabing powerband na cycling jersey
Sir ian saan po ba magandang bumili ng bike dito sa valenzuela
Sir, ano recommend nyo na MTB, 10K budget po? Maraming Salamat po
Ano Mas maganda shimano XTR o sram xx1
sir Ian, may bike store ba bandang maynila na nag a-assemble according sa budget?
sir ano po kya disadvantage ng may bike stand?
Ano po maganda crank series or non series?
May masisira ba sa part ng bike kapag umuotso ang gulong?
Sa spokes naman, meron bang difference sa weight and generic na rayos at branded ? or sa tibay lang ?
Ano po magandang size para sa 5flat ang taas?
Boss ian.ano size ng gulong na pang hybreed para sa 29er?balak ko palitan stock.kc road ako napadyak.salamat
Pwede bang I-combine yung road bike hubs sa mtb rims(27.5)?