Ibat-ibang Groupset para sa MTB

by

in

Nagbabalak ka ba magupgrade ng groupset sa mountain bike mo pero wala kang idea sa mga groupset groupset na yan?

Sa video na ito, inisa-isa natin yung mga groupset na pwede mo mabili na Shimano at SRAM.

Pinakita ko muna yung karaniwang components ng isang groupset at kung ano ba ang purpose nito sa bike.

Inisa-isa natin yung mga groupset ayon sa pagkakasunod-sunod simula sa pinaka mababa na pinaka mura hanggang sa pinakamataas na pinakamahal na syempre.

Ito yung mga groupset ng Shimano para sa MTB:

  • Tourney
  • Altus
  • Acera
  • Alivio
  • Deore
  • SLX
  • Deore XT
  • XTR

Meron pang Saint at Zee na pang downhill na laro. Sa SRAM, madami din na mapagpipilian.

Sa totoo lang, kung alin ba ang maganda dyan, yung budget lang natin ang makakasagot nyan. Kung alin ba ang pasok sa budget natin, edi yun na ang bilihin. Ang sarap kaya tignan sa bike na straight yung groupset at panatag ka sa performance nito sa tuwing may padyak kayo.

Hindi ko naisama dito yung LTWOO dahil wala pa naman tayo masyadong impormasyon tungkol sa mga pyesa na yun. Hindi ko na din isinama ang Box Components, dahil hindi pa naman yun ganun ka popular dito sa bike market natin sa Pilipinas.

Gagawa din tayo syempre ng katulad na video para sa mga groupsets naman ng road bikes.

Subscribe lang kayo mga kapadyak kung hindi pa kayo naka-subscribe.

Ride safe mga kapadyak!


Comments

14 responses to “Ibat-ibang Groupset para sa MTB”

  1. Youtube purposes Avatar
    Youtube purposes

    Sir ian po kaya po ba ng RD:TOURNEY TX 8SPD HANGANG 11T-36T?PAKI REPLY PO TNX

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      kaya yata

  2. Youtube purposes Avatar
    Youtube purposes

    Good eve po boss ian naka bili po ako ng acera m 3000 upgrade kit sa halagang 2.8k po panalo po ba yun?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko kabisado ang presyuhan paps e, sensya na, pwede na siguro

  3. Magkano yung groupset ng alivio with hub at saan ito makakabili sa Quiapo ?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      7.5k ang alam ko na price nun with hubs na. Madami ka mabibilhan sa Quiapo pag doon ka naghanap.

  4. Magkano yung groupset ng alivio with hub at saan ito makakabili sa Quiapo ?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      7.5k yung Alivio groupset may kasama na hubs yon. sa Quiapo madaming bike shops doon, pwede ka mag canvass don

  5. Magkano yung groupset ng alivio with hub at saan sa Quiapo shopa makakabili?

  6. Pwede po ba sa 3 speed na shifter ang dalawahan lang na crank?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede paps

  7. alin po ba ang maganda shimano or sram?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      both lang naman na ok yan gamitin

  8. Sir pwede po ba iupgrade ang trinx q500 na 8speed ng deore na 9speed po? Salamat po

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede yan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *