Kakakita ko lang nito. Pwede na pala tayo makabili ng LTWOO parts sa mga local bike shops natin. Unang nagpakita itong LTWOO parts sa mga Trinx na bagong labas dito sa bike market natin sa Pilipinas.
Well, sa LJ Bike Shop ko pa lang ito nakita. Di ko lang sure kung meron na din sa iba pang bike shops.
LTWOO Rear Derailleurs
LTWOO A3 RD
- Price: P450
- Mega Sprockets: 36T
- Shadow RD with slant design
- 243 grams
8-speed itong rear derailleurs na ito. Una ko itong nakita ng personal sa Trinx C520 na ginawan natin ng video review.
Makulay din, may ibat ibang kulay na ibinabagay sa kulay ng batalya, yun ang napansin ko sa mga bagong model ng Trinx bikes na naka LTWOO parts.
LTWOO A5
- Price: P600
- Mega Sprockets: 36T
- Shadow RD with slant design
- 243g
Ito namang LTWOO A5 ang pang 9-speed na setup. Tama kaya ang info na nilagay ni LJ Bikes, parang same lang kasi ng nasa A3 e.
LTWOO A7
- Price: P800
- Mega Sprocket 36T
- Shadow RD with slant design
- 243g
Ito namang LTWOO A7 ang pang 10-speed na setup.
Wala ngang naiba sa description, bukod sa price. Haha. Siguro mali lang ito. I-update ko na lang itong post na ito kapag may correction na tayo sa tamang specs/details ng bawat LTWOO RD na yan.
LTWOO AX
- Price: P1650
- Mega Sprocket 36T
- Shadow RD with slant design
- Bearing pulley
- 243g
Yung ibang details, ganun din e. Hindi din naiba, sa tingin ko ay mali lang ng lagay ang sinuman na nagpost nito sa fb page ng LJ Bike Shop.
Sayang naman kasi kung same weight lang din itong mas mahal na 11-speed RD, at 11-36T lang ang capacity.
Yung price ng mga shifters, hindi pa natin alam, i-update ko na lang ang post na ito kapag meron na.
Wala pa din tayo info sa price ng buong groupset, o kung magkakaroon ba ng buong groupset nitong LTWOO na ididistribute din ni Trinx dito sa Pilipinas. Medyo nakakaintriga lang din kasi kung laking mura nitong 11-speed na groupset, parang interesado ako na masubukan din.
[alert-note]Photo credits sa LJ Bike Shop[/alert-note]
Leave a Reply