Bukod sa Weapon Shuriken cassettes, meron ding Weapon rims na dala itong Weapon brand dito sa bike market natin. Very promising ang offer na ito ni Weapon, parang game changer ito ng mga budget rims.
Ako personally, hindi naman talaga ako maselan sa rims. Dati nung nagbubuo kami ng bike, okay na ako sa kahit anong generic na alloy rim. Kasi sa tingin ko pareho lang din naman yang mga rims na yan. Ayaw ko din naman gumastos ng mahal sa rim, dahil nga hindi ako maselan at dahil na din ayaw ko gumastos ng malaki.
Pero ngayon na nalaman ko na meron pala nitong Weapon rims na mura, at maganda ang quality, ito na siguro ang magiging to-go rims ng mga budget conscious kapadyak natin.
Sa ngayon, ito ang mga Weapon rims na available. Pang 27.5 at 29er pa lang. May ibat-ibang variant ng rim width din kaya maganda, may mapagpipilian ka depende sa preference mo o sa laro mo sa MTB.
Weapon Shield Tubeless Ready Rims
- 32 holes
- 28mm rim width
- Presta valve
- SRP: P680


Weapon Aegis Tubeless Ready Rims
- 32 holes
- 32mm rim width
- Presta valve
- 27.5 TR7 = 462 grams
- 29er TR9 = 491 grams
- SRP: P750
- available in black or red color


Weapon Prime Tubeless Ready Rims
- 32 holes
- 40mm rim width
- Presta valve
- 27.5 TR7 = 608 grams
- 29er TR9 = 646 grams
- SRP: P775
- available in black or red color


May tatlong variants ang Weapon rims: Shield, Aegis, at Prime.
Ang pagkakaiba lang nito ay yung rim width nila. Pinakamalapad yung Prime, mas swak ito sa mas malapad na tires. Mas magmumukhang mataba ang tires sa ganung setup.
Tubeless-ready na ang mga rims na ito, kaya pwedeng pwede na i-tubeless setup.
Sa ngayon, black at red pa lang ang kulay na mapagpipilian.
Sleeved-joint ang technology na ginamit para pagdugtungin ang pagkabilog ng rims.
Ang pinaka selling-point nito para sa akin ay yung promise na same maker lang pala ang gumawa ng Weapon rims sa gumawa ng Dartmoor rims na kilala na sa tibay, at di hamak naman na mas mahal. Halos 1/3 lang ang presyo ng Weapon rims kung ikukumpara mo sa presyo ng Dartmoor rims, pero same quality lang daw sila. Sa decals lang din nagkatalo.
Hindi lang yon, may warranty din itong Weapon rims na 1-year from date of purchase dito sa Pinas. Para sa akin, yun na lang pwede na kung ikukumpara mo sa kapresyo lang na generic rims na naglipana sa bike market natin sa Pinas.
Meron ako nitong Weapon Prime TR9, hindi ko pa nga lang naikakabit sa bike ko dahil gusto ko sana buuin ito bilang bagong wheelset. Wala pa lang akong budget para sa ibang components ng wheelset, tubeless din ang balak ko na gawing setup dito.
Gagawa na lang ako ng panibagong review post kapag nasubukan ko na, pero ngayon pa lang, recommended ko na itong Weapon rims kaysa sa kung mag generic alloy rims ka pa.
Visit this link para sa list of Weapon tubeless-ready rims dealers:
Leave a Reply