Bike Check: Merida Big Nine 300

Bike ko nga pala mga kapadyak.

Para sa mga nagtatanong at gusto din makita yung bike ko.

Dito nagsimula ang lahat.

Binili ko ang bike na ito para makasama sa yaya ng tropa ko na mag bike daw. Simula noon, nahumaling na ako pag-padyak, at dahil doon, naisipan ko gawin itong website na ito.

Buti na lang hindi ako masyado nagkakasakit noon ng upgraditis. 😂


Merida Big Nine 300 ang model ng bike ko. 2016 pa yan, medyo panis na kung ikukumpara sa stock specs ng Merida Big Nine 300 din na latest model. Ang laki ng iniimprove sa specs.

P25k ko din nakuha yung bike ko noon sa Quiapo ko pa binili, naibyahe ko lang pa-bus para maiuwi sa amin. May iba na din ako gastos dyan na ayaw ko na isaisahin, medyo masakit na kasi alalahanin e, masakit sa bulsa hahaha.

Ride safe lang kayo lagi mga kapadyak. 🚵🚴


  • 167
  •  
  •  
  •  
    167
    Shares