Kapag pumapadyak ka dapat walang sumasakit sa katawan mo. Maaring meron lalo na kapag bago ka pa lang nagba-bike. Pero dapat talaga walang sumasakit, kasi ibig sabihin niyan may mali. Maaring sa bike mo sa pag-padyak mo.
Achilles Tendon
Kapag sumasakit yung parte ng katawan mo dito sa Achilles Tendon, ibig sabihin may mali sa ginagawa mong pedaling technique.
Madalas nangyayari to kapag sobrang taas ng upuan mo at napupwersa na dumiretso yung paa mo kapag pumipidal ka na sa bottom stroke ng crank.
Maari din na baka masyadong nakasagad sa unahan ang cleats mo kung naka-cleats shoes at pedals ka. Mas nai-stress kasi yung Achilles Tendon natin kapag mas naka dulo sa unahan ng paa natin yung cleats.
Sabi nila, dapat daw nasa bola ng paa natin yung gitna ng pedal, o yung mismong bala ng cleats shoes. Pero hindi naman pala palaging maganda yun kasi minsan nagiging sanhi yun ng pagsakit ng Achilles Tendon.
Bukung-bukong
Kapag naman sumasakit yung “ankle” mo, maaring dahil binabago bago mo yung angle ng paa mo kada pidal. Parang ganito: kapag nasa taas ng pedal stroke, nakaturo pataas ang paa mo, kapag naman nasa baba na, nakaturo naman na pababa yung paa mo.
Pwede din na dahil “flat-footed” ka. Yun bang flat yung paa mo at walang kurba sa talampakan.
Isa pang maaring dahilan ay baka baliko yung pedal o crank mo kaya kada pidal mo may pabago-bagong galaw ang paa mo. Dapat kasi steady lang din yung paa.
Likod
Kapag naman sumasakit yung likod mo sa tuwing pumapadyak ka, ibig sabihin nun may mali sa postura mo sa bike. Iba din kasi yung maayos na postura sa bike sa maayos na postura kapag nakaupo o nakatayo lang. Yung tindig mo na kumportable kapag nakaupo ka sa upuan ay hindi ibig sabihin na iyon din yung kumportable kapag nakaupo ka naman na sa bike.
Kapag nakasakay ka sa bike, dapat may bahagyang arko ang likod mo na parang tulay. Kapag nalubak ka ng nakaganyang posisyon, mag-flex lang ang likod mo tapos okay na. Pero kung naka arkong pabaliktad naman ang likod mo (reverse-kuba), kapag nalubak ka lalo lang nito ibabaliko yung katawan mo na maaring maging sanhi ng lower back pain.
Kaya kung mapapansin nyo, ang mga nakaroad bike, parang naka kuba mag-ride. Karaniwan sa mga nakakaranas ng sakit sa likod, nagpapalit sila ng mas mataas na handlebar para dumiretso ang tindig nila sa bike. Hindi din daw maganda yun dahil yung gulugod ay masyado nai-stress kapag nalulubak. Dapat kung gusto mo ng ganitong posisyon, maganda kung may suspension ang bike mo na mag aabsorb ng impact ng lubak ng kalsada.
Paa
Kapag sumasakit naman ang paa, maaring dahil yun sa sapatos na gamit. Hindi maganda yung sapatos at nai-isolate lang sa isang parte ng paa yung pwersa kapag pumipidal na. Maari din na dahil sobrang bigat ng gear na ginagamit mo kaya nappwersa yung paa.
Sa karanasan ko, kapag sumasakit o namamanhid ang paa ko, dahil yun sa sobrang sikip ng pagkaka-strap ko sa sapatos ko.
Kamay
Kapag kamay naman ang sumasakit o namamanhid, maaring may mali sa postura mo sa bike. Maaring carpal tunnel syndrome. Maganda din kasi may back-sweep yung handlebar sa MTB para hindi masyadong napwepwersa yung kamay sa angle ng paghawak sa bars.
Pwede din na nakatungo yung saddle mo kaya yung buong bigat ng katawan mo, sinasalo lahat ng kamay mo.
Mag gloves ka para may padding din ang kamay mo. Bagu-baguhin mo din ang paghawak mo sa handlebar.
Kapag masyadong mahigpit ang hawak mo sa manibela, maaring maging sanhi din ito ng pagsakit ng kamay mo.
Tuhod
“Wala sa ______ yan, nasa tuhod yan.”
Siguro ay narinig mo na ang katagang yan ng madaming beses na. Pero sa totoo lang talaga hindi naman pala ginagamit ang tuhod kapag nagba-bike. Kung tama ang pag-ride na ginagawa mo, hindi masyadong mai-stress ang tuhod mo.
Kapag sobrang bigat ng gear na ginagamit mo, napupwersa yang tuhod mo.
Kapag sobrang baba din ng saddle mo, sasakit yang tuhod mo. Kailangan tama lang yung taas ng upuan mo.
Kapag mali ang angle ng cleats mo, maari ding maging dahilan ito ng pagsakit ng tuhod.
Kapag masyadong mahaba yung crank na gamit mo para sa haba ng legs mo, pwede din yun maging sanhi ng masakit na tuhod.
Leeg
May mali sa postura kapag sumasakit yung leeg.
Pwede din na dahil hindi tama yung pagkakasuot ng helmet. Halimbawa masyadong nakababa sa unahan yung helmet mo, kakailanganin mo na tumingala para mas makita mo yung dinadaanan mo. Dahil dito sasakit yung leeg mo.
Ganun din pati sa salamin. Kapag nahuhulog yung salamin sa ilong mo, mapapatingala ka na magiging dahilan ng pagsakit ng leeg mo habang nagra-ride.
Balikat
Kapag sumasakit ang balikat, maaring mali ang postura sa bike.
Maari din na naka tungo yung saddle.
Kapag isang balikat lang ang sumasakit, ibig sabihin hindi pantay ang pag gamit mo sa mga balikat mo.
Meron kasing mga tao din na hindi pantay ang haba ng braso e. Nareremedyohan ito sa pag adjust ng alignment ng handlebars para mag compensate sa mas mahabang braso.
Singit
Kapag sumasakit naman yung singit, maaring:
- hindi maganda yung saddle, masyadong malapad o sobra sa padding ng foam
- kapag naka cycling shorts, maaring hindi maganda yung padding ng foam nito kasi sobrang makapal
Paano ba ang tamang postura sa bike?
Dapat medyo naka arko ang likod.
Dapat medyo naka-bend ang siko mo. Hindi tuwid na tuwid at nakalock sa pagkakahawak sa manibela. Taga absorb din kasi ito ng lubak at road vibrations.
Naka-forward yung balikat. Ito kasi yung mas relaxed. Kaysa kung halimbawa naka sobrang wide bars ka sa MTB na mapapataas ka ng balikat. Hindi kumportable yung ganun.
Thanks for catching that! I hate when I do that!!
Pakabili ko ng bike tinest drive ko agad manila-pasig-manila. Paguwi ko nagpahinga tapos pagbigla ko ng tayo pinulikat dalawang hita ko sabay. Normal lang ba yun?
sabi ang pulikat, resulta yan ng dehydration, umiinom ka ba ng sapat na tubig habang nag ride ka?
normal lang yan din sa una, pero pag tagal mo nagbbike masasanay na din katawan mo.
Hello sir ian! Bago lang po ako sa mtb gamit ko po ay foxterft301 pano po ba maiiwasan na sumakit ang mga binti pag nagbbikr unang sabak ko kasi hingal na hingal ako at naninigas muscles ko kahit maliit na ahon lang any advice po para sa pag aalaga ng muscle pain pagkatapos ng padyak?
kung tama naman ang taas ng saddle, its normal lang talaga sa una na may sumasakit. sa katagalan nawawala din paps. wag lang pabayaan na hindi maka recover ang muscle, kumbaga, wag araw arawin ang mga hard rides, give time na magrecover din ang muscles. Pwede magpahid ng Tiger Balm para mawala agad muscle pain.
Paano po ba iset ang taas ng upuan?
dapat yung medyo unat ang legs, pero hindi yung tipong parang naka tiyad ka na sa pedals.
Hi good day.. Itatanong ko lang po, pag sumasakit ang muscle sa alak-alakan yun pagitan ng hita at binti sa likod anong hndi tama o dahilan? thanks sa answer. godbless!
baka po masyado mababa upuan o may mali sa pag pedal
Hi Sir Ian! Baguhan palang po ako sa pagbabike.
Ask ko lang po kung maaadjust pa po yung handlebar ng C782 Trinx ko. Yung sa picture po ng torso position, tulad na tulad po ako sa too long kaya medyo masakit po sa likod. Or may ibang way pa po para maadjust yung position ko sa pagbabike. Salamats po in advance!
subukan mo magpalit ng stem na mas maigsi at medyo i forward mo yung saddle mo
applicable din ba to kahit sa mtb?
Sir Ian, normal lang ba na sumakit yung hita kpag pumadyak ka na ng matagal😊. . . salamat po godbless.
normal lang, pero kung patuloy na sumasakit pa din, baka may mali sa setup ng bike