Nagbabalak ka ba mag-upgrade ng fork sa MTB mo?
Madalas sa mga budget bikes, yung suspension forks nila, matigas, o minsan nag-i-stuck up kalaunan pag tagal. Hindi kasi ganun kaganda ang gawa dito, di mo din masisisi kasi kailangan ma-maintain nya yung mababang presyo ng built bike.
Kung dumating ka na sa puntong nais mo mag upgrade ng fork, para sa iyo ang post na ito.
Isa din sa magandang iupgrade ang fork ng bike. Kapag mas magandang klase yung fork na ipapalit, sigurado makakabawas ka sa kabuuang bigat ng bike. Mas kumportable na din dahil mas maganda na yung play, at higit sa lahat, maari mo pang i-setup depende sa klase ng rides na gagawin mo.
Ang upgrade naman, depende sa budget yan. Simulan muna natin sa pinakamababang budget.
Suntour XCR Fork
- Budget: P2500-4999

P2500 ang price ng coil type na XCR, P4999 naman kapag air type.
Hanggang ngayon, XCR pa din yung fork na gamit ko. Yun kasi ang nakakabit sa bike ko nung binili ko iyon. Hindi ko pa din naipupush na palitan, dahil para sa akin, maganda pa din naman ang performance niya. Pero naiisip ko na din na magpalit minsan, pero sinasabi ko na lang na kapag nagkaproblema na, saka ko na lang papalitan.
XCR Air yung gamit ko na may lock-out. Yung nabibili ngayon sa halagang P2500 ay hindi pa yun air-type. Coil spring na fork lang yun. Mas magaan yung air syempre, pero mas mahal yun at parang wala din ako nakikita na masyado na binebenta na ganung fork dito.
Pero kung nagbabalak ka magpalit ng fork at mababa lang yung budget mo, atleast XCR na dapat, kahit di pa siya air type, nakaksigurado ka naman na matibay at tatagal.
Epicon / Epixon Fork
- Budget: P6000-7000

may Epicon/Epixon forks na may remote lock-out at meron din nung hindi remote
Suntour din ang may gawa nitong Epicon fork. May variant din na Epixon, mas bagong labas daw iyon. Pero ayon sa sabi sabi, mas maganda daw ang Epicon kesa sa bago na Epixon. Mas matibay daw at mas madali i-service. Yan ang nababasa ko dati tungkol sa fork na yan.

Kulay black na pala ang stanchions ng bagong Epixon.
Siguro kaya walang XCR Air na nabibili dito, dahil kung mag air fork naman ang mga bikers, edi Epicon/Epixon na.
Meron pang Epixon Stealth na hindi halata ang decals. Mas mahal pa yun, e parang decals lang naman ang naiba.

Epixon Stealth, mas mahal kesa Epixon lang.
Manitou Fork
- Budget: P8000-12000
Isa din itong Manitou Forks sa mga napipisil ko na fork na bilihin kapag maguupgrade ako. Pinagiisipan ko kung sasagadin ko na sa Manitou Marvel o Machete yung budget ko, o mag M30 lang ako. Medyo mahal na din kasi.
Dito sa Manitou ko madalas makita yung arko na nasa likod e. Base sa nabasa ko, wala naman daw advantage yun sa nasa harap na arko tulad ng sa ibang tinidor.
Air type din ang suspension na ito, madalas ganito yung nakikita ko sa mga lumalaro sa mga MTB races.
RockShox Fork
- Budget: P10000-20000+
Di ko kabisado itong forks na ito. Pero alam ko lang na highly recommended din itong shock na ito. Serviceable, maganda ang performance, may kamahalan nga lang din.
Kung kaya naman ng budget, edi sige lang.
Fox Fork
- Budget: P28000+
Hindi ko din kabisado itong mga Fox forks. Pero isa sa mga patok na nakikita ko itong Fox 32. Madalas ganito ang nakikita kong forks ng mga yayamanin na bikes. Pang mayaman na kasi ang presyo nitong fork na ito, kaya sa mga pang mayaman na build karaniwan ganito ang nakakabit. Magaan, at panigurado maganda ang performance.
Special mention:
Rigid Fork
- Budget: P2300
Hindi na din bago na sumagi sa isip ng MTBiker na mag rigid fork. Lalo pa kung madalas sa kalsada lang naman ang rides niya. Kapag mas gusto nya gumaan at bumilis, rigid fork talaga ang naiisip na gamitin. Malaki nga naman ang igagaan kapag nag rigid fork ka na.
Mosso M5 ang sikat na rigid fork. Aluminum siya, mura din. Meron ding ganitong rigid forks na galing sa ibang brands. Pero yung Mosso talaga ang recommended ng mas nakakarami.
Kapag nag-rigid fork ka, lahat nga lang ng bumps sa gulong, mararamdaman ng katawan mo kasi wala ng suspension na mag aabsorb nito. May trade off din sa gaan. Pero dahil MTB naman yung gamit, at kung naka MTB tires pa din, pwede naman babaan pa yung tire pressure para kahit papaano makaabsorb din yun ng bumps.
Paano pumili ng fork?
Bukod sa budget, may ibat iba pang bagay na dapat iconsider sa pagpili ng bibilhin na fork sa mountain bike.
Travel: Una sa gamit, ano ba ang setup ng MTB na gusto mo? Kung may frame ka na, kung XC ba ito, may tamang travel ng fork na para dito. Karaniwan sa XC mababa lang ang travel. Sa DH naman, sila yung kailangan ng mataas na travel ng fork. Dapat, i-check mo din yung kung anong travel lang pwede sa batalya mo para hindi masira ang geometry nito at mag risk ka na baka bumigay dahil sa hindi nya intended na gamit.

quick release yung nasa taas, thru axle naman yung nasa baba. Yung thru axle para sa forks na letter O yung kabitan, ipinapasok lang kasi yan.
Hubs: Depende din sa hubs na gamit mo kung anong fork ang dapat mo bilihin. Yung mga mas mahal na forks ay thru axle na, at thru axle type hubs lang ang pwede doon. Karaniwan naman mga normal lang na quick release hubs yung.
Tapered/Non-tapered: Depende sa headtube ng bike frame mo, meron kasing straight at tapered. Pwede mo pa din gamitin ang straight na fork sa tapered na headtube, gagamit ka lang ng headset na may converter. Pwede din vice-versa, pero hanggat maari mas maganda pa din na kung ano yung headtube, ganun din yung fork na gagamitin.
Bale ayun na nga, sana ay may natutunan kayo kahit papaano sa post na ito. Nakapili na ba kayo ng fork? Anong fork ang bibilhin nyo? Hindi pa din ganun kalawak ang kaalaman ko pero meron namang mga basic kahit papaano. Hanggang sa susunod ulit mga kapadyak. Suggest naman kayo ng iba pang topic na nais nyo gawan ng tagalog post. Ride safe!
Yung tungkol naman po sana sa mga hybrid na bikes
ayun sakto, mayroon akong balak na ipost na hybrid setup, bike yun ng pinsan ko. 🙂
Yung tungkol naman po sana sa mga hybrid na bike
Sir pa review Simplon storm 6.0 salamat Godbless..
sige, naipending ko na.
kuya ian bata pa po ako 13 pero bikers ako,, pa review naman nung simplon blizzard 6.1 29er, salamat kuya ian sana magawan mo ng review
pag may nakita ako, parang wala na kasi nyan ngayon e
Sir san po may murang mosso m5?
sa quiapo or cartimar ganun talaga price nya nasa 2k plus.
LEGIT PO BA YUNG MGA BINEBENTA SA QUIAPO. Sir IAN SALAMAT
sir ian, newbie po. saan ako makakamura? kapag bibili ng bagong bike tulad ng trinx c200/520 o m500 o ako mismo magsetup kasi may nakita ako na bike frame 4k? e ang budget ko ay 7k to 8k para sa buong bike kasi bili pa ako accessories tulad ng helmet at lights. hehehe! at saan recommended niyo po na bilhan ng parts pang setup? salamat ng marami.
ride safely and padyak lang ng padyak! hehehe!
mas mapapamahal ka kung mag start ka sa bike frame lang, make sure budget mo more than 20-30k na pag ganun ang balak mo dahil mahal ang mga parts. pero kung gusto mo talaga makamura kasi, dapat yung buo na agad ang bilihin mo.
buy ka nalang either c200/c520/m500 tapos upgrade mo na lang in the future pag nagkabudget ulit.
ride safe din lagi kapadyak
Sir pa review yung totem spark 27.5 hydraulic mtb
Ano pong isusuggest nyo sa isang newbie na tulad ko. Best suggestion nyo po kung bibili ako ng mtb.
magkano budget mo kapadyak?
pinaka ok sa low budget na MTB ay yung
Trinx M500 – for 26er
Foxter FT301 naman for 27.5
Trinx M166 or Trinx Q500 naman for 29er
Sir Ian, mas recommended mo ba Foxter FT301 kaysa sa Foxter Powell 1.0 27.5?
same lang sila e, kulay at print lang nagkaiba
dapat naman talaga mag-rigid fork nalang sana mga naka-MTB na hindi naman nag-ttrail o tumatalon sa trail. nakatipid na, gumaan pa ang bike nila. gravel at cyclocross bikes nga eh rigid din.
rigid forks – yun ang una ko ginawa sa binuo ko na 29er na hindi ko naman talaga balak dalhin sa trail.
pero ika nga, kanya kanya trip parin.
Ano po ba ang ibig sabihin ng DH
down hill
puede ba ang bike ko 16 ang frame kagyan ko ng 27r na wheel set?
Idol ano opinyon mo dun sa mountainpeak fork?
sa price, mura siya.
sa performance, wala pa ako masabi kasi hindi ko pa nasubukan e.
sa tibay naman, same lang din, di ko masasagot kasi hindi ko naman ginagamit.
pero gaya nga ng sinasabi ng iba, dun ka na sa subok na.
Tried Cole AIR HL 27.5. Walang kwenta. wag kayo bibili nyan. Di pa natatapos yung tag ulan, kinalawang na yung shaft sa lock control. Isa pa, sticky ang stanchion ng fork na ito. Horrible fork.
newbie po. patulong naman po ano ung best mtb na mabibili ko 25k budget. Salamat!
Merida Big Nine 300 paps, sobrang panalo ka na dyan
Yun po bang fork ng trinx m600 may preload ano po ba yung WER NA NAKALAGAY
hindi po yata gumagana yung preload adjuster nun. di ko lang sure.
Trinx m116 boss ian pwede bang kabitan ng 27 size na gulong tnx.
oo pwede
ANO PO MAS maganda na parts para sa road bike mag a upgrade po kasi ako shimano ultegra di2
o sram e tap thank you po.
haha kahit alin jan paps
Sir Ian anong ipagkaiba ng Hybrid sa MTB? pati nrin. Hybrid at sa Roadbike? Pwede mo rin siya I-Blog Meron kasing nag aalok skin ng Cannondale Quick Hybrid (Blue and Grey Color Combination) nya 2013 model yata. Pwede ba yun palitan ng MTB na fork? kasi NakaRigid yata. Help naman thanks! More power kapadyak
hybrid is naka rigid fork at medyo mas manipis na tires kumpara sa mtb, pero naka pang mtb na handlebar.
pwede yan mapalitan ng fork na may suspension.
kapadyak may balak akong mag upgrade ng bike ko, pwede ba yong 27.5er na fork sa 26er na mtb bike?
pwede naman
sir ian magreview dn po sana kau sa mga gulong ng mtb…salamat po
Sir C520 trix bike ko ano magandang group set at fork? Yung pang trail po
Shimano Deore tapos Manitou na fork
Kung magpapalit po ako ng rigid fork na cole matibay rin ba yun at magaan?
gagaan yun panigurado, sa tibay hindi ko masabi hindi ko naman pa nasubukan i-test ang tibay kasi nyang cole rigid fork
Sir nag bili ako ng bike na 27.5 nat trinx h1000 carbon…nung una pinagpilian ko kung merida big nine 500 nalang bilhin ko kaya lang di po kasya sa budget ko kaya nag trinx nalang ako…
Ngaun po ang problema ko yung trinx h1000 pala ay isa lang po ang size… 16″ di kc ako komportable na makipag sabayan sa ka group ko dahil 5 flat rider po ako… Anu po ang magandang gawin ko para maka sabay ako sa kanila kaht papa anu…?
mahirap yan, nasubukan mo na ba mag adjust sa saddle position at sa stem? baka makuha pa doon.
Sir ano rigid fork maganda png 27.5? Ok lang ba ang storm rigid fork? 27.5 kc akin pang ko gs2 ung universal size k maxado malake ang gap sa fork at tire sa parting unahan ..ano kaya maganda sa 27.5?
mahirap maghanap ng rigid fork na specific sa 27.5 pababa kasi karaniwan sa 29er talaga naka one size e.
pero meron ganun, baka nga lang kailanganin mo pa orderin abroad.
Sir. Ano po review nyo sa aeroicfork (brand)
Pate malake po ba difference ng coil sa air?
Bukod po sa weight nya? Ano po advantages ng air fork?
malaki difference sa coil sa air paps, pansin mo agad ung gaan at sarap ng play. mas responsive ung play ng air fork.
sa aeroic fork brand naman, wala ako masyado masabi kasi wala din ako kilala na gumagamit nun.
Sir.may alam kb sa bolany air fork kung matibay ito.
Sir Ian ano po mas maganda xcr fork na air or yung epixon air fork po
Mas maganda Epixon syempre, kaso mas mahal halos doble na ng price ng XCR Air
Hi sir Ian, ano po ba fork ng trinx m500? Okay po ba sa bumps ang fork nun? Thanks!
ok lang naman po, pero if want nyo ng mas responsive at mas maganda ang play lalo na kung madalas kayo sa trails, much better magupgrade sa better fork
Sir ian ano po ba maganda na frame na 27.5? Balak ko na po sana bumuo ng bike may pera narin ako pambili ng epixon fork kaso di ko alam kung ano magandang frame.
Marin frame paps, o kung kaya ng budget, Merida frame
Sir Ian ano po mairerekomenda nyong hubs para sa 4k budget salamat po.
Chosen, Origin8, Koozer, yan paps
sir 2nd hand fork na mas mataas specs o brand new na mas mababa na fork?
depende, bigay mo sakin complete details kung anong fork yan at anong price.
boss saan po makakabili ng legit na Manitou Forks dito sa pilipinas?? ano po ba ang mga senyales na ito ay original, may kasama kasi kami na peke ang nakuha niya thru shipment.. salamat po
wala pa ako nabalitaan na pekeng manitou na nabebenta sa mga kilalang bike shops, doon ka sa bike shops na kilala na.
Kuya ian ang setup ko po ngayon 27.5 na frame tapos ang gulong ko ay 700x35c, papalitan ko sana ng rigid fork kaso hindi ko alam anong size ba dapat kung 26 or 27.5. Kasya kaya gulong ko sa pang 26 lang na fork? Parang trip ko lang paliitin yung gap ng down tube sa harap na gulong para road bike yung dating. GT ricochet 2015 po pala ito salamat.
isang size lang naman ang fork na mabibili mo na rigid fork karaniwan, kasya lahat 26er up to 29er mtb tires, even if 26er fork kasya yan 700x35c tires mo dyan, mas ok nga kung 26er specific fork ang mahanap mo para medyo konti lang clearance sa fork, ok yung porma.
sir, may idea ka ba kung anu pinagkaiba ng Machete at Marvel? alin sa dalawa ang maganda? and saan sir may murang manitou? thankz sir.
wala din e, di ko lang din sure sa pagkakaiba nung dalawa kasi wala pa ako experience sa forks na yan, pero ang alam ko lang, machete at markhor, nagkaiba lang sa taba ng stanchions, mas mataba ng konti yung machete. siguro sa dalawa na yan, go for machete ka na lang, kasi mas bago yung labas na fork kesa sa marvel na legacy model na.
Kung saan ka makakabili ng murang manitou, wala yata kasi mahal talaga yan manitou.
may nabasa ako sir. Difference lang is abs+ marvel machete kwik toggle damper system. and mas magaan lang yung marvel ng 100grams plus.
sir ian? maganda po ba yung giant xtc slr 3 2018 na frame pressfit po kac. salamat sa sagot.
ok din, may kamahalan lang. pero kung ako mas preferred ko pa din ang threaded bb
Idol.. ask ko lang po ano magandang setup sa frame na giant talon 2 2017 29er.. frame pa lang kasi meron ako and thinking of setup para dito pero budget wise din sana. Haha thanks!
depende sa budget mo yan
Yong sagmit air suspension fork bossing ok po ba yon? At saka meron po ba kayo idea kun ok din po yong cole air sus fork? Thank you po.
wala akong experience sa sagmit air at cole air suspension forks kaya di ko masasagot kung ok ba sila gamitin, wala din ako tropa na gumagamit nyan para mahingian ng experience nila sana kaya sobrang wala akong idea sa kalidad ng murang air suspension forks na yan
idol tama tamang etong topic na to nag titingin kasi ako ng mga klase ng MTB fork balak mag ugrade kung magkapera ganda ng topic very interesting tulad ko kunti din alam ko masyado sa mga bike kaya malaking tulong eto goodluck and god bless.
idol kakabili q lqng ng manitou marvel 27.5. hindi kasya yug heqdset ko nabili sa lj bike shop sabi kasi nila kakasya daw ung mt. peak ayun sayang. may iba pa ba way oara makabit to sa m600 elite?hindi q kasi alam tawag sa adaptor o converter at size ng heqd tube ko
tapered ung nabili ko tas non tapered head tube ko. nalimutan ko sabihin haha
kung tapered headset ang nabili mo, hindi mo talaga magagamit yan sa non tapered na frame, kailangan non tapered talaga na headset ang gagamitin mo
panong di kasya yung headset?
dapat kasya yan kung oversized integrated yang headset na nabili mo
ipapalit mo na lang sa lj bike shop
ang head tube ng m600 elite ay non tapered integrated
downgrade idol sa epixon stealth kasi wala na stocks ng non tapered na manitou pero so far ok naman sya. ndi ko pa nattry sa trail pero sa mga rough road dito samin malaki improvement kumpara sa stock
Sir may nakita po akong Sagmit (legend/Monster) Solo air fork price 3K to 5K , meron din aeroic air fork, 4K to 5k, nakita ko lang sa shopee
Pareview naman po please.
Planning to uprage air fork na mura lang.
Thanks!
wala ako idea sa mga yan kasi di ko pa natry, wala din ako tropa na may ganyan para mapagtanungan ng experience nila, kaya wala akong masasabi tungkol sa mga air forks na yan ang brand
Sir may nakita po akong Sagmit (legend/Monster) Solo air fork price 3K to 5K , meron din aeroic air fork, 4K to 5k, nakita ko lang sa shopee
Pareview naman po please.
Planning to uprage air fork na mura lang.
Thanks po sir!
kuya ian stem naman po at handlebars
sige gawa tayo nyan
ano po mas matibay mosso rigid fork or cole rigid fork?
parang same lang naman sila
ano po mas matibay mosso rigid fork or cole rigid fork? thanks po
Sir Ian , anung bike store ma recommend mo to buy a Merida Big 9 300? Legit po ba sa Ryan BIkes or baka may ma irecommend ka na better pricing. TY.
legit ang ryanbikes, dyan kumuha ng merida yung mga friends ko, ako kasi sa quiapo ko nakuha yung akin, sa cycleart
idol baka alam mo to. 100mm lang travel ng majesti 600 elite. nilagay q eh 120mm na travel aize ng fork. ok pa kaya to? wala kasi ako mahanap kung ano limit ng trinx pagdating sa travel size
dapat kung ano yung stock configuration ng bike, stick ka lang don
kasi kung halimbawa gagamit ka ng fork na may longer travel, baka masyado mastress yung head tube, mabali o mag crack sa part na yun dahil hindi naman yun ang recommended na travel ng fork from manufacturer
idol tanong lng saan shop o pages ang nagbibinta ng mura o srp na bike parts online?kasi halos nakikita ko sa fb di tugma sa mga prise sa video mo boss ,patulong lng boss salamat
yung video ko kasi matagal na yun, mga nagtaas na ng presyo yang mga nakikita mo sa fb
Idol tanong ko lang anong fork kaya ang kasya ung 26er 2.40 tire rigid man or may suspension po at ano din po frame na kasya sa mid fat tires po mid budget po idol
pag semi fat stuff na di ko na kabisado
sir ian pwede ba yung 120mm na fork sa ft 301+ kasi nxt month papalitan kona yung xcr matibay ba sa bagsakan yun yung baba ka ng hangdan
baka di pwede yan, 80-100 lang ilagay mo kasi XC bike lang naman ang ft301. hindi din pang drops ang XCR alam ko, may naka print sa kanya na wag gamitin sa drops.
ano po ba mas maganda manitou machete or marvel?
marvel is luma na ata na model
Sir a choice between Epixon and Machete? Ano piliin mo? Bibili sna ako this coming week. wala akong masyadong nakikitang mga reviews sa dalawa
Hindi na naman kasi need ng reviews yan dahil both reputable choice naman yang 2 forks na yan. Pero kung ako papapiliin, yung Machete sakin.
ok lang po ba ang sagmit set…madami kase nag sasabi na peke daw yung ganto
wala pa ako experience sa sagmit kaya di ko pa mairecommend
Sir Ian, normal lang ba sa pag nagpalit ng rigid may kunting alog. Kasi pag hinigpitan ko masyado sa head niya mahigpit narin yung pagkabig ko sa manibela ko pero pag lose ok naman kunti
dapat wala, dapat maganda ang pagkakalapat, subukan mo magpalit din ng headset na sealed bearing
“pwede naman babaan pa yung tire pressure para kahit papaano makaabsorb din yun ng bumps.”
Bro, binababaan ang tire pressure para magkaroon ng grip at hindi maka-absorb ng bumps. Kung absorption ang habol at nakarigid setup, mas recommended ang mataas na pressure ng gulong.
sir ian balak ko bumili ng epixon stealth sa quiapo.. san marecommend mo na bikeshop dun yung orig lahat ng tinda. meron kabang tp para malman ko orig o fake?
cycle art po
Sir ian tanong ko lang po kung ano po yung preload sa fork?
yung kung gaano yata katigas o kalambot yan
Boss Ian good day,
Anu po ba pagkakaiba ng stock n fork ng foxter ft301 sa epixon , and pwd ba ang epixon sa foxter ft301?
pwede po ang epixon dyan
mas magaan, air type, mas maganda ang play
PWEDE BA SIR IAN ISALPAK 29 MTB FORK SA 27.5 …? TNX SIR IAN
pwede naman
Bro first mtb built-bike ko Trinx-Phantom Eclipse (29×18) sya… Naibenta ko na sya pero gusto kong magbuo ngayon ng bago para sa Birthday ko sa March… Nagpa-estimate nko… Definitely Deore Groupset (SpeedOne hubs)… Sa frame nagustuhan ko, so far ay Mosso 985XC (29×17) e baka meron iba choices similar nito… Tpos sa Fork, Epixon Stealth Matt Black (or Manitou Machete kaso may red logo)… The rest pili ako either Controltech or La Bici… Ano suggest mo sa mga choices? Nakapag canvass ako sa Cartimar, Leveriza, Buendia sa Pasay. Baka meron ka rin suggestion pra makamura Pero similar items and or quality.
good choices na yan
sa bicycleworld lang alam ko na shops dyan, di pa kasi ako nagagawi dyan
sir ian may tapered ba po na rigid?
meron yung mga high end
sir newbie biker here, ask ko lang opinion nyo sa sagmit solo air fork?
no comment
Sir ian tanong ko lang po Alloy na po ba ang xcr na coil type
Newbie plang po ako hehe
Sir ian tanong ko lang po Alloy na po ba ang xcr at xct na coil type
Newbie plang po ako hehe
alloy
Ano po bang magandang fork para sa dartmoor hornet. Yung di lang masyadong mabigat sa budget.
di ka pwede magtipid sa fork pagdating sa ganyang klase ng bike
Sir Ian sana meron ka rin pag palit ng Hubs from tread type to Cassette type at pag kabit ng Spokes sa hubs to rim
Salamat po
Overweight ako , 130 kilos , kaya ba ako ng epixon 9r manitu air forks?
Ano po ang masasabi niyo sa ragusa coil fork na may 100mm travel at sa saturn na fork?
Sir Ian anong dalawang parts ang unang kong iuupgrad. groupset and fork or groupset and rims and tires. Naka coil type po ang bike ko at shimano tz naman ang groupset. Tapos ang gulong naman po ay cst jack rabbit naka 26er pero road at light trails po ako. Sir ian sana po mabasa nyo ito at sana maka recommend kayo ng brands
Is cole rigid fork okay?
Ano pong marerecomend niyo na fork para sa ft301?
Kuya Ian ano magandang fork under 5k
Ano sir ma suggest mo magandang upgrade na air fork para sa brusko sawtooth ko???
sir ian tanong kolang pwede ba ang 29 na fork ilagay sa 27.5 na bike?
Balak ko pong bumili ng weapon fever hubs ang kaso po hindi thru axle ang frame ng bike ko.
Tyaka pwede po bang bumili ng 27.5 na weapon rigid fork kung 26er lang naman yung laki ng gulong ko.
Salamat po
Sir paki review nman yung trinx Q1000 elite 27.5 maraming salamat…GOD BLESS
sir ian..anong best na air fork na png trail 8k below..bagohan pa po kasi ako
lods anong best air fork pang trail na 8k below
dont buy cole fork. walang kwenta