Paano mag Shift ng Gear sa Bike

Kapag madaming gear yung bike, matutulungan ka nito na umahon ng mas madali kapag paakyat na yung daan. Hindi mo na kakailanganin na tumayo at pwersahin ang pag pidal dahil pwede mo mailipat yung gearing ng bike sa mas magaan na ipidal. Ganun din sa pabulusok, pwede mo mailipat sa mas mabigat na gearing para mas bumilis ka pa sa palusong.

Cadence

Bawat biker may sariling “cadence” (bilis ng pag pidal) at may kanya-kanya ding gustong bigat ng pag pidal. Kapag pumapadyak ka sa ideal na cadence mo, naibibigay mo yung pinakamadaming lakas pagpadyak na kaya mong i-sustain ng matagalan.

Mapipili mo yung cadence mo sa pag-shift mo ng gears. Kung ano yung gear na dapat mo gamitin para makuha mo yung ideal cadence mo ay nakadepende sa kung paahon ba yung daan, kapag may malakas na hangin, at depende na din sa kundisyon ng katawan mo habang pumapadyak ka.

via Lifehacker

Kapag naglalakad tayo, ang mga binti natin ay parang “pendulums”. Ang natural na pag “swing” ng binti ng mga nakakatanda ay nasa 60 na beses kada isang minuto. Mas maiksi ang mga binti ng mga mas bata kaya mas mabilis naman sa kanila.

Subukan mo ito: i-angat mo ang paa mo at i-kuyakoy (swing ng pabalik balik) mo ito. Kapag natural lang, hindi naman ito nakakapagod. Kapag binilisan mo o binagalan yung ganitong klase ng pag galaw, mas madaming muscles ang kailangang paganahin (lalo na kung bibilisan). Kapag naglalakad ka lang, nag-s-swing ang mga binti mo ng natural lang, kaya hindi masyadong kailangan ng effort.

Kapag pumapadyak ka naman sa bike, yung binti mo ay nagmimistulang parang sa makina lang na ito yung nagpapagana. Tumutulong yung pidal para umikot yung paa mo kaya nakakaya mong pumidal ng mas mabilis kaysa sa bilis ng paghakbang mo pag naglalakad at hindi ka masyadong napapagod.

Sabi nga sa physics, “work is equal to force times distance” – ibig sabihin nito, mas malaki ang distansya, mas kaunti ang force. Sa pagba-bike, mas mabilis ka pumidal, mas konti lang na lakas ang kailangan mo. Ang karaniwang magaan na cadence ay nasa 75 RPM hanggang 90 RPM.

Practice lang ang kailangan para masanay sa mas mataas na cadence sa pagpadyak pero kapag nasanay ka na, hindi ka na babalik sa mababang cadence na mabigat ipadyak.

High Gear o Low Gear?

Kapag sinabing “high gear”, mas mabigat, mabigat ipadyak. Kapag nag-shift ka sa mataas na gear, mapipilitan ka gumamit ng mas mabagal na cadence.

Kapag daw pumidal ka ng mas mabagal pa sa ideal cadence mo, nagsasayang ka lang ng lakas. Mas mapapagod din ang mga muscles mo dahil dito, maaari pang magkaroon ka ng “joint damage” sa tuhod at hita.

via Dreamstime

Kapag naman sinabing “low gear”, mas magaan, mas madaling ipidal kaya mas mabilis paikutin yung pidal para sa mas mataas na cadence.

Kapag nasobrahan ka naman sa mas mataas kaysa sa ideal cadence mo, mas bibilis ka pa lalo pero mas mapapagod ka naman kung pipilitin mo i-maintain yung napakabilis na cadence.

Ang Perpektong Bike

Kapag daw meron ka nung “perpektong bike”, yung tipong “unli” yung bilang ng gears, pwedeng pwede ka na pumadyak sa iisang cadence lang na gusto mo, depende sa daan na pinapadyak mo. Syempre kapag paahon, babagal ka, bibilis ka naman sa pabulusok, pero hindi malalaman ng mga binti mo ang kaibahan.

Karaniwan sa mga baguhan sa pagbibisikleta, mas pinipili nila na pumadyak sa mabagal na cadence, gusto nila yung mas mabigat na gear. Akala kasi nila mas ok yun, mas lalakas sila dahil kailangan nila mas magbigay ng pwersa sa pagpidal. Hindi naman daw yun totoo. Yung iba, pakiramdam nila, ang bagal nila kaya akala nila para bumilis sila, kumakambyo sila sa mabigat na gears.

“Mashing” vs. “Spinning”

“Mashing” kapag mabigat yung gear at mababa yung cadence. Parang power lifting lang yan. Ok siya kung nagbi-build ka ng muscle mass at gusto mo lumaki yung binti mo pero wala ito masyadong nagagawa para sa puso o baga mo at pwede mo pang ikasama kapag nasobrahan ka. Mas masakit din sa katawan.

via Yowamushi Pedal

“Spinning” naman kapag magaan yung gear at mataas yung cadence. Parang swimming naman ito, madaming galaw, paulit-ulit pero mababa lang ang resistance. Mas ginagawa nitong flexible ang mga binti mo, aerobic pa at hindi masyadong napu-pwersa ang mga joints mo kaya hindi ito nalalaspag masyado. Pwede kang pumapdyak maghapon ng ganito at hindi masyado malalaspag ang binti mo. Kapag sinasanay mo na ganito ang pagpadyak mo, mas dumadali ito at mas lalong nagiging kumportable.

Cleats Pedal

via Wiggle Guides

Kapag naka “cleats pedal” o “clipless” ka, mas madaling mag spin. Nakakatulong din ito na maiwasan na dumulas ang paa mo sa pidal. Sanayan lang din, dahil takaw semplang din ito kapag hindi ka nakapagtanggal kung titigil ka o bababa ka sa bike pero kapag nasanay ka na, parang hindi ka na babalik sa hindi naka-cleats.

Padyak para kumambyo

Kailangan mo pumidal paabante para lumipat yung gear.

via LJ Bike Shop

Kaya naman ng rear derailleur na mag shift ng gear kahit na itotodo mo yung pagpidal pero mas maganda pa din kung dadahandahin mo lang yung pagpidal habang nag-si-shift ka ng gears para na din sa kadena mo.

Alin ba ang para sa alin?

Merong kambyo (shifter) sa harap at sa likod.

via FTRB – for the road and beyond

Yung maliit na plato sa unahan, sa may crank, mas magaan. Yung malaking plato naman mas mabigat. Kapag kumakarera ka, dun ka sa malaking plato. Kapag naman umaahon ka, doon ka sa maliit na plato.

1 – magaan

2 – sakto lang

3 – mabigat

Yung malaking plato naman sa likod, mas magaan. Yung mas maliit naman, mas mabigat. Baliktad ng sa harap. Kapag umaahon ka, dun ka sa mas malaki para mas gumaan pa yung padyak. Depende sa pyesa na nakakabit kung ilan ang cogs sa likod.

via WickWerks

Iwasan mo din mag “cross chain”. Ito yung halimbawa, ilalagay mo sa malaki sa malaki. Malaking plato sa unahan, tapos malaking plato din sa likod. Ganun din kapag maliit na plato sa unahan, tapos ilalagay mo sa maliit na plato sa likod. Pwede mo naman ito gawin pero maingay ito, sasabit sa front derailleur ang kadena at mas maluluma agad ang kadena mo.

[alert-note]Resources: Sheldon Brown[/alert-note]


Comments

48 responses to “Paano mag Shift ng Gear sa Bike”

  1. its arjay Avatar
    its arjay

    kuya kinambyo ko yung bike ko ng tad tad nasiraan ako hahaha buti nalang marunong ako magayos hehehe

    1. its arjay Avatar
      its arjay

      bawal ba tad tarin ?

    2. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo masisira yun, paisa isa lang tapos hintayin mo lumipat. yung mga mas higher na modelo ng pyesa ng bike, pwede dalawang pindot sa shifter.

      1. Its arjay Avatar
        Its arjay

        Kuya ginawa ko tatlo haha nasira pero bumili na ako bago kanina pwede na ulit akong magbike 😀

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          nakakaputol nga ng kadena ang maling pagshift, pero ok lang yan dyan tayo natututo.

          1. Bakit po ung bike pag nag shift ako minsan matagal lumipat myro talagang ayaw bago lng po kasi ako nag bike

  2. Sir Ian pwede gawa kayo tutorial kung pano ang tamang paglinis ng bike? Hehe

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo gagawan din natin yan 🙂

  3. Mark daniel Ramos Avatar
    Mark daniel Ramos

    Sir pwede kau gumawa ng guide para sa rimset o kaya ay kahit hubs lang…wala ako ideya pag dating jan e..

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sige gawan natin yan.

  4. MasteR Avatar
    MasteR

    Sir parang sa tingin ko pag pinalitan ng pang 27.5 or 29er na tire, sasabit naman ung paa mu dun sa front tire kung halimbawa ililiko ung manibela, kasi pag pidal mu halos pang abot na ung paa mu dun sa gulong sa front, na expirience ko na dati yan naghiram ako ng bike naka tsinelas lang ako ayun sumabit nadale ung kuko ko sa paa angat Aray!!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo, issue talaga yun sa 29er na mtb. may tendency na ganon. nararanasan ko yan sa mga bikes ko pero sanayan lang, iliko mo lang kapag nasa 6 at 12’o clock ang pedal mo, madali lang naman yun kasi may freewheel. big issue lang yan sa fixed gear.

      1. Simone nacionales Avatar
        Simone nacionales

        Hahahah oo nga fixed gear talaga ang mahirap noong bago palang ako mag fixed gear yun yung dahilan ko kung bakit ako sumesemplang

  5. Sir Ian, suggest naman po kayo. C200 bike ko gusto ko mag palit ng Crank set at kadena. Ano kaya yung affordable na brand na pwede ko ipalit and where to buy? Thank you! 😊

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      kung gusto mo mura pero mas magandang crankset kesa sa stock mo, ang pinakamura na ay Shimano crank, nasa P800 lang yun, bumili kasi pinsan ko nun.
      pero if afford mo mag Alivio crankset, nasa 2.5k na yun ngayon pero maganda dun naka hollowtech BB na, mas magaan.
      sa kadena naman, pwede na kahit Shimano chain lang, para mura pero kung afford mo mag KMC, ok din yun mas mahal lang ng konti sa Shimano.
      Sa Quiapo ka makakabili o kaya sa Cartimar, dun kasi mura pero makakahanap ka din sa fb sa mga online sellers, medyo mas mahal nga lang sa kanila.

  6. MGurevich Avatar
    MGurevich

    Sir good evening po may tanong ako… okay lang po ba kung i-crosschain ng 1×9 kung di naman gagamitin ung bike, para ma-relax ung “tension” ng cable shifter Sir? Nabasa ko kasi dati na masama palang iniiwan ng may tension ung cable shifters ng bike.. kung tama ung pagkakasabi ko

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      kahit 2×9 pwede na paps, pero ok lang yan naka 1×9 pag i-stock mo yun bike, ang masama lang na mag cross chain na 1×9 ay kapag itinatakbo mo ng ganyan.

  7. Rb Hernandez Avatar
    Rb Hernandez

    Sir ian anong magandang hub na pasok sa buget? Thank you po

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko po alam ang budget nyo

      1. Rb Hernandez Avatar
        Rb Hernandez

        2.5k to 3.5k sir ian

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          kung gusto mo matibay, Shimano Deore hubs, pero tahimik siya, pero kung gusto mo yung may tunog, madami ka mapagpipilian na hubs dyan nasa 2.5k ang presyo pataas, Chosen, Origin8, Novatec, Koozer yan ang mga brand.

  8. Alfie lagroma Avatar
    Alfie lagroma

    Boss ano po pinagkaiba ng sealed bb at hollowtech bb?foxter ft 301 29er po gamit ko boss.knina nasira po bb ko kelangan po magpalit.pede ba bb lang palitan kahit stock pa ung crank ko?tnx po

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede un palitan ng bb, pero ung square taper na bb ata gamit doon, hindi hollowtech, hollowtech yun ung style na may butas na tagusan sa kabilaan sa crank.

  9. EJ Dumrique Avatar
    EJ Dumrique

    Magkano po ang estimated na gastos pag maguupgrade from 3×7 to 3×9? stock palang po yung parts ng bike ko

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pinakamaganda dyan kung gusto mo makatipid, LTWOO parts ka na
      LTWOO A5 gear set nasa 1.5k (fd, rd, shifter)
      need mo din new chain 300
      need mo din cogs na 9-speed, nasa 600 pataas
      need mo din pala ng hubs na cassette type, nasa 1k pataas.
      at preno na din, kasi kung naka combo shifter ka, may option ka kung gusto mo mag hydraulic brakes na (1.5k) o mag stay pa sa mechanical, bibili ka lang ng levers, nasa 500 ata presyo nun.

  10. EJ Dumrique Avatar
    EJ Dumrique

    Sir.Magkano po ang estimated na gastos pag maguprgrade ako from 3×7 to 3×9? Stock parts lang po ang bike ko.

  11. Batang_Hamog Avatar
    Batang_Hamog

    Very good article! Simple explanation at direct to the point. Bagay na bagay sa mga newbies na tulad ko. Marami akong natutunan. Salamat and more power!

  12. Aeroll Garcia Avatar
    Aeroll Garcia

    Bakit po hindi ko mashift yung front gear? Trinx Tempo 2.0 Road bike po ang gamit ko.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ipatono mo lang po sa magaling na mekaniko ng bike shop

  13. Reggie ferraren Avatar
    Reggie ferraren

    Salamat sa info nato kuya ian… Tatlo kc kaming mga beginner dito sa U. P mga late bloomer kami sa bike… Malaking tulong to para sa amin… Salamat talaga kuya ian…

  14. sAlAmAt sir Ian sa tips na ipinamahagi mo sana makatulong pa tayo sa mga magbabalak mag-umpisang magpapadyak…ayos.

  15. Chrisrtopher Avatar
    Chrisrtopher

    Kuya pag nag 9speed ako papalitan ko lang ang RD ko.Tourney TX kasi yon?
    at ano po ba ang pinaka m hubs 32holes?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo dapat magpalit ka ng rd na pang 9speed

  16. Henry Thomas Parada Avatar
    Henry Thomas Parada

    Pa tutorial ng tamang pag cable routing sa mga bike na internal cable na

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      basta yung right shifter dapat papasok sa left side ng internal routing ng frame
      tapos yung left shifter, sa right side naman ng frame

      1. Henry Thomas Parada Avatar
        Henry Thomas Parada

        salamat idol

  17. underscore Avatar
    underscore

    Sir ian tanung lang po ako newbie po ako sa mT,naguguluhan ako bout sa left and right shifter,kase nun sa patag na daan ginamit ko po number 2 tas num 4 at 5 pero may tumutunug po tuwing pumapadyak ako,tas nun paakkat na bumagal na po diko po alam yun anu po ba yun tamang gamit ng sgjifter sir sorry po

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ipatono mo lang sa marunong na mekaniko para walang tumutunog

  18. tom madrideo Avatar
    tom madrideo

    sir anu po ba pagkakaiba ng hydraulic at mechanical break?

  19. Ivan Gundran Avatar
    Ivan Gundran

    Boss yun dati yun mtb ko 3×7 nag upgrade ako ng 3×9 sa likod lng yun sa cogs bakit tumatalong yun kadena ko sa pinaka maliit na cogs nya pero sa malalaki na hinde nmn, bago nmn yun kadena ko na IG51 Shimano pang 8 speed yun dalawa pinag dugtong ko at sinukat yun pag putol ng kadena sa maliit at sa malaki na cogs, pero sa maliit na cogs tumatalong sya. ano kaya problema?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      dapat 9 speed din kadena mo kung 9speed na ang cogs mo

  20. Newbie po in 3days nasira po yung FD ng phantom v3 ko na kabibili ko palang. Di naman ako nag shift pag ka pedal ko nang biglang may lumagutok sa Chainring pag tingin ko sa FD nasira yung guide nya. Buti di naputol yung kadena pagka baon nung plate yun nga lang di na mailipat ng 1 or 3 steady na sya sa 2 kahit ishift ko. Pwede ko parin po ba na magamit yung FD kahit Deform na yung plate?

  21. sir good day po ano po kaya mas better sa mtb na 27.5 sunpeed rule, foxter evan at pinewood..alin po kaya mas better bilhin at mas magnda ang specs..salamat po

  22. Ilang ngipin ang pinakarami sa pinakamalaki na gear sa hulihan, para magaan iakyat sa matatarik thanks.

  23. eduard sarsona chavez Avatar
    eduard sarsona chavez

    hello sir ian

    maganda rin ba yung frame na kamarte? ito po yung specs na bike ko newbie lang po
    tsaka ano po yung magandang pedal dumudulas kasi yung pedal ko
    thanks po
    26″ Mountain Bike
    17″ Carbon Steel Frame
    Carbon Steel Suspension Fork
    Flat Handle Bar
    26″ x 1.95″ Tires
    21 Speed
    Shimano TZ30 50 Front/Rear Derailleur
    Shimano 51-7 Shifter
    Aluminum Rims
    Radial Disk Brake
    PVC Pedal
    With Kickstand

  24. drake Marcus Avatar
    drake Marcus

    Sir baka pwede ka naman po gumawa nang tutorial para sa 3×8 24speed. Kung paano mailipat yung malaking Chain sa malaking chainring sa Harap. Medyo struggle po kasi ako sa pag shift sa front.

    Salamat lods.

    1. sa FD medyo tricky ang pagtotono nun
      may mga tutorials sa youtube
      kahit ako di pa master magtono ng fd kasi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *