Ito ang review ko sa LTWOO A7. Ito na yata ang pinaka-murang 10-speed upgrade setup sa ngayon.
Ang LTWOO A7 ay ang 10-speed na groupset/gear set from LTWOO. Shifters, front and rear derailleurs pa lang ang pwede mo mabili. Compatible ang LTWOO A7 sa Shimano dahil 2:1 din ang ratio na gamit nito.
Kung bibili ka nito, nasa P2,400 ang SRP ng gear set na ito.
- Para sa price list ng LTWOO parts: LTWOO Line Up, Specs, Price list
- Para naman malaman mo kung saan ba may mabibili na LTWOO components: List of LTWOO Dealers
Setup
Naikabit ko sya sa current MTB ko na Merida. Dating 9-speed ang setup ko. Shimano Alivio shifters at front derailleur, 9-speed Deore naman yung rear derailleur.
Para sa upgrade na ito, pinalitan ko na din yung cogs ng Weapon Shuriken cassette na 10-speed 11-42T. Dating naka 11-36T na Shimano cogs lang ako.
Gumamit na din ako ng goatlink o rd extender dahil 11-40T lang ang rated na range ng LTWOO A7. Hindi ko na sinubukan kung pwede ba na walang goatlink, naglagay na lang din ako para sigurado. Mumurahing goatlink/rd extender lang ang binili ko.
Syempre kailangan ko din magpalit ng chain. Nagpalit na din ako ng shifter housing.
Gusto ko sana mag 1x setup dito, pero dahil wala ako mahanap na 96bcd at 32t chainring na gusto ko, 3x muna ang magiging setup ko dito. Para na din ma-review ko din yung front derailleurs.
Pwede daw gamitin ang LTWOO A7 sa 3x o 2x na chainring.
Aesthetics
Walang visual indicator ang shifters ng LTWOO A7. Sa tingin ko, dahil geared towards more experienced riders itong 10-speed LTWOO A7 series kaya ganon. Kasi pag nasanay ka na naman, hindi mo na din naman kakailanganin ng visual indicator sa shifters.
Kulay blue yung pinili ko para terno sa bike ko. Kahit yung kulay green, sa tingin ko ay teterno pa din sa bike ko. May mga kulay ka na mapagpipilian sa LTWOO A7; black, red, green, at blue.
Dati, sabi ko kung sakali man na gagamit ako ng LTWOO components, yung black lang sana para hindi halata. Pero ngayon na nalaman ko na ang background ni LTWOO, nag decide ako na makulay na ang gagamitin ko. Para kapag may nakakita sa bike ko, mapapansin agad ito. Makikita agad at mapapasabi sa akin na, “uy, LTWOO pala ang gamit mo”.
Mas mahal nga pala yung may kulay na LTWOO parts, di ko alam kung bakit pero iba ang presyo nya sa kulay black lang.
Unang iniisip ng iba, dahil parang eyecandy sa kulay ang mga LTWOO components, akala nila gawa ito sa plastic at madaling masira. Hindi naman pwede na ganon ang materials sa derailleurs. Yung shifters, plastic talaga, plastic din naman sa iba e.
May kasamang shim yung front derailleur para sa mas manipis na seat tube siguro. Ako, 27.2 yung seatpost ko pero hindi ko naman nagamit yung shim.
Impressions
First impression, sa rear derailleurs, matigas yung spring. Okay yun kasi hindi masyado magiging ma-play yung RD para mag-casue ng chain slap ung sakaling sa trails gagamitin.
Naipakabit ko lang ito sa mekaniko sa local bike shop na malapit sa amin. Hindi naman nagka-issue ang pagkakabit at pagtotono.
Nung una kong sakyan at subukan i-shift, pansin ko agad na parang mas konting pindot lang yung kailangan kong gawin para magclick yung shift. Hindi tulad nung naka Shimano Alivio pa ako na medyo mas malalim ng konti ang pisa bago mag click.
Nakakapanibago nga lang din kasi nasanay din ako na pa-kalabit ang ginagawa ko sa Shimano Alivio shifters kapag maglilipat na ako sa smaller plates/cogs. Pero pwede din naman sa Alivio na pa-push lang, kaya lang dun talaga ako nasanay.
Siguro kailangan pa ng mga ilang rides para makasanayan ko din na puro thumb na lang ang gagamitin ko pag shift. Yung ganitong style pala, para hindi mo na tatanggalin yung iba mo pang mga daliri sa brake levers.
Mabilis naman ang shifting, click then lipat agad. Medyo mahirap i-explain sa salita, pero satisfying ang performance pagdating sa shifting. Gagawan ko ito ng video, tapos iuupdate ko ang post na ito.
Kailangan ko nga lang na laging isipin na wag mag-cross chain dito. Wala na din kasi tinginan sa shifters kung nasaang gear na, pero tingin ko sanayan lang talaga.
Test Ride
Hindi ko pa ito naitest ride ng matindi. Konting ride lang mula sa shop hanggang sa bahay.
Sobrang gaan na sa patag nung 1×1 na gearing (22-42), pero tingin ko mapapakinabangan ko din yun kapag mag ride ulit kami sa mga sobrang tarik na ahunan.
Pero ayun nga, balak ko mag palit din sa 1x setup.
Satisfied naman ako sa performance ng shifting niya, walang issue doon.
Kung tatagal nga lang ang pyesa na ito, magkakaalaman pa. Tingin ko naman matibay din, pero update ko na lang ang post na ito sa future.
Verdict
Hindi ko pa mabigyan ng final verdict itong LTWOO A7 dahil hindi ko pa naman masyado nagagamit ng matagalan.
Kung kaya ba nito tumapat sa Shimano o SRAM, alam naman natin na matagal na yan sa industriya. Subok na kumbaga. Samantalang si LTWOO naman, bagong player lang sa market ng drivetrain components.
Pero sa nakikita ko, seryoso si LTWOO na kahit papaano ay lumaban sa mga sikat na na drivetrain brands ngayon. Bago pa lang kasi si LTWOO, mura pa, kaya hindi maiiwasan ng tao na magdalawang isip dyan. Pero kung iisipin natin na, kapag ginawa pa ni LTWOO na mahal ang bigay nya ng mga pyesa, lalo sigurong hindi ito papansinin.
Kailangan lang talaga na patunayan ni LTWOO na maganda din ang mga pyesa nya, maayos ang performance, at tatagal dapat para masabi natin na sulit na din bilihin itong LTWOO parts.
Ang nakikita kong kagandahan ng paglabas ni LTWOO sa bike market natin, ay nagkaroon tayo ng alternative na murang pyesa na pwedeng bilihin. Kasi hindi naman lahat ng mga kapadyak, ay kayang gumastos ng malaki para sa mga mamahalin na pyesa na pang upgrade.
Testing mo kaagad sa mga ahunan yan para masubukan, east edge para walwalan. Hahah
ask ko lang po yung Weapon Shuriken cassette na 10 speed mabigat po ba?
kasi nabibigatan ako sa Cassette Sagmit 11-40T 9 Speed ko. Tnx.
magaan lang, 520grams lang.
So need pa ng goatlink sir pag 11-42 ang cogs? Sa 10speed
di ko lang sure kung need pa o pwedeng gumana na wala na. di ko na kasi tinry ng wala. 11-40T lang yung rated nya sa specs na nilabas ni LTWOO kasi.
11-40 ako wala goat link at feel ko kaya pa kahit sa 42 kasi may clearance pa kunti may bending pa ang RD hindi pa straight. deore rd 9speed pero 1x ako pag 3x sguro set up kailangan na goat link
Opo as my experience need po Goatlink brod…nka LTWoo gear din kasi aksa Trinx ko…
Hi mga kapadyak,taga laguna poko at isa ako sa gumamit ng LTWoo gears…ok na ok nman po sya smooth gamitin…need po goatlink para maabot ang mas malaking size ng Cogs…
Sir ian, meron po dto sa pinas yung ltwoo arrow 1×11 speed?
At maganda po ba yung pang-upgrade?
meron na 1×11 na LTWOO, shifter at rd pa nga lang. Yung buong groupset, wala pa. Pero magkakaroon din daw.
Magkano po ung nga hubs na compatible for 9-10 speed?.tnx po.
1.5k and up
sir ian saan po ba may ltwoo nag hahap kasi ako eh di ako makakita sa quipo
https://www.unliahon.com/list-ltwoo-dealers/
Sir, mga magkano po yung weapon shuriken cassette gold 11 speed 11-42t?
At nasa magkano rin po yung kmc chain gold?
meron ako post about weapon shuriken cassettes
idol ian, gawa ka ng video about BCD ng mga cranks. educate mo naman kami
abangan nyo sa June 15 video about dyan 🙂
Sir ian, tanong ko lang, sa tingin nyo ba? Kaya pa ng a7 ang 11-46t ?with goatlink?
Sir ian, kaya ba ng a7 ang 11-46t with goatlink?
di ko pa natry pero tingin ko kakayanin naman yan
Balak ko pong bumili ng LTWOO A7 set from tourney to A7. Ano pong pwede niyong iadvice sakin na bibili ko pa para makumpleto yung upgrade. Salamat po 😀
ltwoo a7 gear set
10 speed cassette cogs
bagong hubs na cassette type na din
bagong chain na 10-speed
goat link kung gagamit ka ng more than 11-40t na cassette
Same here. Magkano kaya aabutin nyan boss ian? Salamat
may update ka na ba dito? kamusta ang chain, tumatalon ba? malakas ba yung chainslap? clutch na ba yung LTWOO AX11 SPEED?
hindi tumatalon yung chain at wala ako issue sa chain slap
hindi ko lang alam kung clutch yung sa ax na 11-speed
Sir Ian Foxter FT301 upgrade to 10 speed ng Ltwoo a7 pwede ba na hindi magpalit ng brakes?
dapat ka magpalit ng brakes kasi naka combo shifter yang foxter ft301, magkadikit yung brakes at shifters nyan
Kuya Ian. Compatible ba ang ax 11s sa deore xt na 11s?
oo compatible yan
Sir nagpalit ako ng a7 kaso ang rd nya e ax11 speed ok lng kaya yun ??wala ksi stock ng a7 na rd sabi ng mekaniko ok lng daw na ax pwede naman daw para in case mag upgrade ako sa 11speed dko na kailangan paltan rd ko..tnx po
grabe naman yang pinagbilihan mo, makabenta lang, mas ok sana kung same speed para walang issue sa tono ng shfiting e,
master, noon nagpalit ka ba ng cogs, rd, fd at chain malaki ba ang naging epekto sa weight? gumaang ba siya o wala rin pinagbago doon sa luma weight ng mtb mo? salamat in advance.
hindi ko napagkumpara sa timbang e, hindi naman ako sensitive sa bigat ng bike masyado kasi grams lang naman difference nyan, pero sa setup ko ngayon mas gumaan sya kasi naka 1×10 na lang ako compared sa previous na 3×9
Kapadyak ian, kamusta po ung performance ni LTWOO A7 ngayun so far kamusta naman siyan nag babalak kasi ako mag upgrade into 2×10 ang kasu mahal ng deore. Groupset ko ay shimano tourney 8speed combo shifter kapadyak
Gusto ko din malaman kung anong update kay LTWOO A7 mo now. Hehe.
San po ba pweding makabili ng isahang shifter ng ltwoo A7 bulacan po ko
wala po ata nabibili na isahan lang, di ko po sure, try nyo po sa lj bikes sta maria
Pagnagpalit po ng 11-46 cogs pasok padin po ba ung a7 with rd extender?
yan ang hindi ko pa nasubukan
Hello…pasok pa din po yan kasi yung gamit ko sa A7 ko Sagmit 11-50T…
Boss Ian, hindi ba tumatama yung RD mo sa batalya pag nagshift sa maliit na plato? Yung akin kasi tumatama kahit iadjust ko. Keysto conquest 29er ang gamit ko. Thanks!
hindi naman, try mo din ipatingin sa iba na marunong
Hello Idol,
ask ko lang,meron kasi ako 8 speed na casette balak ko gawin sya 10 speed.. hindi lang ako sure kung dapat palitan ko ang hub?salamat
dapat palitan yung hubs kung thread type pa yung hubs
Sir ian, kailangan po ba palitan yung hubs ng trinx m500 elite pag mag uupgrade sa 10speed?
Tnx:)
Kaya ba nito ang 11-46t na casette po sir? Na 10 speed
bakit yung a7shifter ko parang pang 9spd lang? binilang namin sa bikeshop yung clicks nya 8 clicks lang?
LTWOO A7 USER AKO DI AKO GUMAMIT NG GOATLINK KAYA NMN ANG 11-42 COGS.